For sure, ginagawa mo ang lahat ng paraan upang healthy ang pagkain na naibibigay mo kay baby habang ikaw ay buntis. Ang tanong, nalalasahan nga ba nila ito? Ito ang sagot ng experts.
Mababasa sa artikulong ito:
- STUDY: Pagkain ng pregnant mommy, natitikman ba ni baby sa tummy?
STUDY: Pagkain ng buntis, natitikman ba ni baby sa tummy?
Pinaghahandaan ng most moms talaga kung paano magiging healthy ang pregnancy. Malaki kasi ang magiging impact nito sa delivery at health ni baby. Maraming nagsisimulang mag-exercise consistently, nagte-take ng vitamins, regular na nagpapa-check-up, at syempre ang pagkain ng healthy foods.
Kadalasang sinu-suggest ng experts ang pagkain ng maraming gulay at prutas dahil source ito ng napakaraming nutrients na need ng katawan. Ang pagkain kasi ng ina ay pagkain din ng sanggol sa loob ng kanyang tiyan.
Sa katunayan, sa bagong pag-aaral na nailathala sa Psychological Science, ipinapakita dito na ang mga fetus daw na may edad 32 and 36 weeks ay nagre-react sa kinakain ng kanilang ina.
Maaari raw silang makapagbigay ng gesture tulad ng pagngiti at pagsimangot bilang response sa kung ano ang kinakain ng kanilang nanay.
Facial expression ng fetus sa mga kinakain ng kanilang mommy
Pinangunahan ang pag-aaral na ito ng reseachers mula sa Durham University’s Fetal and Neonatal Research Lab. Sinubukan nilang gamitin ang isang 4D ultrasound scans. May kakayahan itong magpakita ng three dimensional video ng isang fetus na nasa loob ng uterus. Inalam nila ang reaksyon ng mga sanggol sa loob ng sinapupunan ng kanilang ina sa bawat pagkain na ini-ingest.
Para makuha ang data, hinayaan nilang inumin ng mga nanay ang capsule na naglalaman ng carrot o kale powder. Ginamit nila ang pills imbes na fresh carrot o kale. Ang capsule na ito ay walang amoy at lasa. Nari-release ang full flavor sa oras na ma-dissolve na sa katawan. Ginawa nila ito 20 minuto bago ang mismong ultrasound scan.
Dito nila nakita sa scan na ang mga fetus ay bumubuo ng expressions.
Once na exposed sa matamis na lasa ng carrot ay nagre-respond sila in a happy way o nagkakaroon ng “laughter-face” expressions. Sa kabilang banda, ang mga sanggol naman na exposed sa mapait na lasa ng kale ay nagrerespond gamit ang kanilang “cry-face” expressions.
Sa pagpapaliwanag ng eksperto, ang taste buds daw kasi ay nagsisimulang madevelop sa 8 weeks of gestation. Nade-detect din daw nila ang taste molecules sa amniotic fluid sa pagitan ng 14 weeks. Unti-unti na rin nilang maamoy ang odor-active molecules sa fluid mula sa kanilang opened nostrils sa panahon na tumuntong sila ng 24 weeks old.
Kasabay nito, nade-develop na rin ang facial muscles ng fetus dahilan upang lumabas na ang kanilang facial expression. Lalo itong nagiging complex habang sila ay padagdag nang padagdag ang edad sa sinapupunan. Ang expressions daw na ito ay nagagawa rin nila once ipanganak na sila.
Importance of food for pregnant women
“We think that this repeated exposure to flavors before birth could help to establish food preferences post-birth.”
“Which could be important when thinking about messaging around healthy eating and the potential for avoiding ‘food-fussiness’ when weaning,”
Sa ngayon daw ay nais nilang bumuo ng pag-aaral kung ang mga sanggol na kabilang dito ay magkakaroon ng rejection sa carrot o kale once na kumakain na sila. Ito raw upang ikumpara sa ibang mga sanggol na hindi kabilang sa research. Mas mapagtitibay kasi nito ang resulta na natatandaan ng baby ang lasa ng kinakain ng kanilang mommy habang pregnant.