Pagkain para mabuntis: Mga pagkain na nakakapagpataas ng chance na mabuntis
Isang mainam na paraan para mabuntis ang pagsisimula ng isang fertility diet na naglalayong gawing mas fertile at malusog ang iyong katawan.
Para sa maraming mag-asawang gustong magkaanak, malaking concern ang fertility. Siyempre, kung mayroong problema sa fertility ang isa sa kanila, ay magiging mahirap ang pagkakaroon ng anak. Ngunit alam niyo ba na mayroong isang simple at epektibong fertility diet paraan para mabuntis?
Ito ay ang tinatawag na fertility diet, at isa itong safe at natural na paraan upang ma-boost ang fertility ng isang babae. Narito ang mga pagkain para mabilis mabuntis.
Talaan ng Nilalaman
Fertility diet, isang mainam na paraan para mabuntis
Tulad ng ibang diet, mayroong mga nirerekomendang pagkain para mabuntis na kainin ang fertility diet. Ito ay binubuo ng mga masusustansiyang pagkain na makakatulong upang gawing malusog at malakas ang katawan ng ina.
Ang pagkain na ito ay mainam na paraan para mabuntis dahil malaki ang epekto ng kalusugan ng isang ina sa kaniyang fertility. Mainam din ang ganitong klaseng diet para sa mga ama upang gumanda ang kanilang sperm quality at sperm count.
Para sa mga gustong magsimula ng fertility diet na paraan para mabuntis, heto ang dapat kainin:
1. Mga pagkaing maraming antioxidants
Ang fertility diet o paraan para mabuntis ay nakadepende sa mga pagkaing kinakain.
Nakakatulong ang mga antioxidants mula sa mga prutas, mani, at grains upang mabawasan ang dami ng free radicals sa katawan. Ang mga free radicals na ito ay nakakaapekto sa quality ng sperm at egg cells.
Puwede ring uminom ng mga supplements na mayroong folate at zinc upang madagdagan ang antioxidants sa katawan.
Halimbawa ng mga pagkain maraming antioxidants:
- Berries (blueberries, strawberries, raspberries, blackberries)
- Dark chocolate
- Guava o bayabas
- Mani
- Broccoli
- Tsaa (lalo na ang green tea)
- Pinya
- Kamatis
- Red bell peppers
- Carrots
2. Kumain ng marami sa almusal
Ayon sa isang pag-aaral, nakakatulong daw makabawas sa epekto ng PCOS o polycystic ovarian syndrome ang pagkain ng marami sa umaga.
Ito ay dahil nakakababa ng insulin at testosterone levels ng katawan ang dagdag na calories sa umaga. Kaya’t sa mga babaeng mayroong PCOS, bakit hindi subukan na kumain ng mas marami sa almusal? Sa ganitong paraan makakatulong ito para mabuntis.
3. Umiwas sa trans fats
Makakatulong sa fertility diet o paraan para mabuntis ang pagiwas sa trans fats. Ang trans fats ay karaniwang natatagpuan sa pagkain tulad ng cake, tinapay, chips, popcorn etc. Karamihan ng mga junk foods ay mayroong mga trans fats.
Naapektuhan nito ang insulin sensitivity ng katawan, na nakakaapekto sa fertility ng mga babae. Kaya’t mabuting umiwas sa mga ganitong fats, at kumain ng mga healthy fats tulad ng galing sa olive oil at mga nuts.
4. Umiwas sa caffeine
Ang caffeine ay isang sanhi ng infertility, at mabuting iwasan ng mga magulang na gustong magkaroon ng anak. Mas nahihirapan raw magkaroon ng mga anak ang mga babaeng araw-araw umiinom ng kape.
5. Magbawas din sa pagkain ng karne
Mas healthy sa fertility ng mga ina ang plant-based na sources ng protein kumpara sa animal-based. Ibig sabihin, bawasan ang pagkain ng isda, baka, baboy, manok atbp. at palitan ito ng mga beans, tofu, at iba pang gulay na mayaman sa protein.
Nakakatulong rin sa pag-boost ng fertility ang pagkain ng plant protein.
6. Uminom ng vitamin supplements
Nakakatulong ang zinc, folate, at iron upang maging mas fertile ang isang ina. Kung sa tingin mo ay kinukulang ang iyong mga vitamins na nakukuha sa pagkain, walang problema sa pag-inom ng mga vitamin supplements para dito.
7. Magbawas sa carbohydrates
Nirerekomenda ng mga doktor sa mga inang mayroong PCOS ang magbawas ng kinakaing carbohydrates. Ito ay upang bumaba ang kanilang timbang, insulin levels, at mabalanse ang kanilang mga hormones.
Sa halip na carbs, kumain na lamang ng mga masustansiyang gulay at prutas.
8. Umiwas sa alak
Hindi nakakatulong ang alak sa mga inang gustong magkaroon ng anak. Kaya’t kung may plano kayo ng iyong asawa na magkaanak, mabuting umiwas muna sa pag-inom ng alak para madagdagan ang posibilidad na makabuo kayo ng baby.
9. Kumain o uminom ng mga pagkain at inuming mayaman sa calcium
Makakatulong ang calcium para sa magandang function ng reproductive system na makakatulong para mabuntis ng mas mabilis.
Mahalagang kumain o uminom nito sapagkat kakailanganin din ng calcium ng iyong future baby. Kaya naman mas magandang handa na ang iyong katawan para rito.
Ito ang mga pagkain mayaman sa calcium:
- Gatas
- Yogurt
- Cheese o keso
- Broccoli
10. Kumain ng pagkaing mayaman sa fiber
Ang pagkain ng mga pagkaing mataas ang fiber ay makakatulong din para sa mga sumusubok na magkaanak. Sapagkat ang pagdagdag ng 10 grams per day ng fiber sa iyong mga meals ay makakapagpababa ng tiyansa na makapag-develop ka ng gestational diabetes ng halos 26 percent ayon sa isang pag-aaral.
Ito ang halimbawa ng mga pagkain mayaman sa fiber:
- Whole grains katulad ng oatmeal
- Mais
- Peras
- Tinapay
Tandaan
Hindi pa rin sigurado na kapag ginawa ang lahat nang ito ay mabubuntis na, subalit maaari itong matulong para mabuntis at makabuo kayong mag-asawa. Mas mainam na humingi ng payo mula sa mga eksperto para matulungan kayo na makabuo ng baby. Ang mahalaga rito, ang inyong sarili ay nagiging healthy at the same time ay inihahanda niyo ito para sa pagdating ng iyong baby.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.