9 Pagkaing pampatangkad at pampalakas sa mga bata
Here are some fun tips so that even the pickiest of eaters will just love these foods.
Mga pagkaing pampatangkad ba ang hanap mo para sa iyong anak? Narito ang ilang tips.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ano ang dapat ipakain ko sa aking anak na pagkaing pampatangkad.
- 9 na pagkaing pampatangkad para sa iyong anak.
Pangarap mo bang maging 6-footer ang iyong anak? Subukang bigyan siya ng mga pagkaing pampatangkad!
Parents, naiintindihan namin kayo pagdating sa pagpapakain nang tama sa mga anak niyo. Lalo na kung sila pa ay mapili sa pagkain, at nag-aalala ka sa kanilang paglaki.
Subalit kung gusto mong matulungan silang tumangkad at lumaki, mayroong mga pagkaing dapat ay ihinahain mo nang mas madalas sa kanila.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang dapat ipakain ko sa aking anak na pagkaing pampatangkad?
Bagamat ang malaking bahagi ng pagtangkad ng isang tao ay base sa kaniyang genetics (namamana o nasa lahi ito), bilang magulang, maari pa rin nating matulungan ang ating anak na masigurong walang makakasagabal sa kaniyang paglaki.
Kapag naabot mo na ang iyong maximum height, wala nang pag-asang malampasan mo ito. Subalit mayroong mga pagkain na makakatulong na palakasin ang iyong mga buto, joints at buong katawan para mapanatili mo ang iyong tindig.
Habang may mga bitamina na nakakatulong para sa brain development, o para makaiwas sa sakit, narito naman ang mga nutrients na kailangan ng bata para masiguro ang kaniyang paglaki:
Ayon sa WebMD, ang calcium ay nakakatulong sa paglaki at paglakas ng mga buto, nakakatulong sa tamang sirkulasyon at paggana ng mga muscle.
Ang protein naman ang responsable sa tamang development ng mga muscles at kasama rin ito sa pagpapanatiling malusog ng mga tissue sa katawan.
Ang iba pang micronutrients gaya ng vitamin D, magnesium, and phosphorus ay nakakatulong din sa pagkakaroon ng malusog na mga buto na importante sa paglaki ng bata.
Gayundin, may mga pag-aaral na nagsasabing nakakatulong rin ang probiotics sa pagtangkad ng mga bata.
9 Pagkaing pampatangkad para sa inyong mga anak
Narito naman ang mga pagkaing pampatangkad o mga pagkaing nagtataglay ng mga sustansyang pampatangkad ng bata:
1) Itlog
Ayon sa dating pag-aaral sa mga Ecuadorian na sanggol na may edad 6-9 na buwan, ang mga kumakain ng itlog araw-araw ay may 47% mas mababang posibilidad na manatiling maliit kumpara sa mga hindi gumawa nito. Walang makakatalo sa itlog pagdating sa paglaban sa growth delays!
Ang pinakamaganda sa itlog ay maaari itong iluto nang iba’t ibang paraan. Kabilang na rito ang hard-boiled, sunny-side-up, fried, soft-boiled, scrambled, omelettes, baked, steamed, etc. Kung hindi gusto ng anak mo ang isa, siguradong may ibang paraan na magugustuhan niya!
2) Soya beancurd
Lahat ng beans at natural na legumes ay natural na protein powerhouse ng kalikasan.
Ang soyabeans, na mayaman sa protein, ay madaling nakakapagpatangkad. Sa katunayan, sinasabi ng Scientific American na protein ang pinakamahalagang nutrient para sa marating ang maximum height ng bata.
Kaya hayaan ang iyong anak na kumain ng soya beancurd o uminom ng soy milk o taho (bawasan na lang ang matamis na syrup) kung kailangan nila ng mabilis na meryenda!
3) Lean meat at tuna
Ang protein ay karaniwang nakukuha sa karne, ngunit kung maaari, pumili lamang ng lean meat. Isang magandang mapagkukunan ng protein ang tuna. Kung hindi makahanap ng sariwa, maaaring pumili ng de lata.
Ipalaman ito sa tinapay at lagyan ng keso, o kaya naman ihawin at iulam sa kanin.
4) Mixed nuts
Almonds, pumpkin seeds, pistachios, peanuts, cashews – ito ang mga protein-packed na mani na malutong at masarap kainin. Bukod pa sa protein, nagbibigay rin ang mga mani ng healthy fats na tutulong sa katawan ayusin ang mga sirang tissue at magpalaki ng muscle.
Maganda itong pamalit sa chips at crackers. Puno rin ito ng sustansya na nakakapagpabilis sa physical development sa pamamagitan ng pagpupukaw sa growth hormones. Kaya naman ang mga nuts isa sa sinsabing pagkaing pampatangkad.
Hindi pa sapat ang pagiging masustansya? Hangga’t maari, piliin ang mga mani na walang halong asin, o may kaunting asin lang.
5) Peanut butter
Kung hindi naman mahilig ang iyong anak sa mani, bigyan na lang siya ng tinapay na may palaman na peanut butter.
Ang ilang uri ng peanut butter ay siksik sa protein. Suriin ang nutritional labels nito at piliin ang may nakalagay na high-protein. Kapag nakapili na, maaari itong ilagay sa crackers, toast, o maging sa pancakes para sa iyong anak.
6) Dairy products
Ang gatas, yoghurt at keso ay ilan sa mga pagkaing mapagkukunan ng protein at calcium, kasama ng iba pang nutrients para sa mga muscles.
Nakakatulong ang calcium sa pag-maximize ng bone growth lalo na sa mga buto na nagde-develop pa lamang. Kaya namang mga pagkaing may calcium ay itinuturing na pampatangkad o makakatulong sa growth development. Narito ang ilang ideya sa kung paano ito ihahain sa mga bata:
- Gumamit ng yoghurt-based na dip para sa carrot sticks o iba pang meryenda. Maganda ang greek yoghurt dahil puno ito ng calcium, protein at probiotic na pawang mga pampatangkad. Kung ayaw ng bata ang asim, may mga mabibili rin na may flavor at sweetened version nito!
- Maaaring gumamit ng cookie molds para mahubog ang keso sa hugis ng hayop o iba pang hugis. Tusukin sila kasama ng mga prutas at gulay para sa masustansyang meryenda!
- Lactose intolerant? Huwag mag-alala! Ang Swiss cheese at aged cheddars ay hindi siksik sa lactose at mas madali para sa mga bata.
- Ang goat’s cheese (isa sa mga pinakamagandang mapagkukunan ng vitamin A) ay maaaring gawing sandwich. Pwede rin itong gawing palaman sa tinapay o sawsawan ng cherry tomatoes.
- Maaaring inumin nang malamig ang gatas. Ngunit kung ayaw ng bata ang lasa, maaari itong initin at lagyan ng cinnamon stick at honey para lalong sumarap.
7) Prutas
HIndi lahat ng calcium at minerals ay makukuha sa dairy products. Sa katunayan, marami ring prutas na mayaman sa mga bitaminang ito! Alam mo bang ang mga sumusunod ay maaari ring makatulong sa paglaki ng katawan ng iyong anak?
- Ang orange ay maganda ring mapagkukunan ng calcium. Dagdag pa rito, mayaman rin ito sa mahahalagang sustansya tulad ng vitamin D at A. Bigyan siya ng sariwang juice, o bumili ng calcium-fortified na uri bilang pampalamig kapag mainit ang panahon.
- Ang saging ay mayaman naman sa potassium, isang uri ng mineral na kailangan para sa mas matibay na buto, naghihikayat ng bone growth at nakakatulong sa sirkulasyon ng dugo sa katawan. Hiwain ito at idagdag sa cereal, oatmeal, o gumawa ng banana bread o banana pancakes!
- Hindi lang masarap ang mangga, mayaman din ito sa Vitamin A! Maglagay ng frozen na mangga at gatas sa blender para sa masarap at masustansyang inumin. Pwede mo rin itong dagdagan ng gatas para mas masarap at mas nakakatangkad.
8) Carrots
May mga bata na mahirap piliting kumain ng gulay. Isang magandang paraan para masolusyonan ito ay ang gawing nakakatakam ang gulay at gawing makulay ang pagkain ng iyong anak.
Para maaliw ang bata, subukang gumamit ng cookie mold para gumawa ng iba’t ibang hugis sa gulay. Maaari ring i-bake ang carrots at lagyan ito ng honey. Kapag malambot na, isabay ito sa peanut butter based na sawsawan, at tatangkad pa ang anak mo.
Ang carrots ay mayaman sa bera carotene – isang nutrient na nagiging vitamin A kapag natunaw sa katawan.
Ang bitaminang ito, kasama ng calcium, phosphorous at magnesium ay tumutulong sa pagtibay ng mga buto at paggawa ng protein para sa muscles. Kaya kung gusto lumaki ang iyong anak ng malusog, pakainin siya ng carrots na pagkaing pampatangkad na at pampalinaw pa ng mata.
9. Kamote
Gaya ng carrots, mayaman rin ang kamote sa Vitamin A na sumusuporta sa mga buto ng bata.
Mayroon rin itong soluble at insoluble fiber na nakakatulong sa pagdami ng good gut bacteria. Mahalaga ang maayos na digestion sa paglaki ng isang bata para makuha niya lahat ng nutrients at bitamina mula sa mga kinakain niya.
Gayundin, mayaman ang kamote sa iba pang sustansiya gaya ng vitamin C, manganese, vitamin B6 at potassium.
Pwede mo itong ihain sa iba-ibang paraan – kamote cue na may kaunting asukal, o kaya naman ilaga ito, hiwain nang maninipis at prituhin kapalit ng masarap pero kulang sa sustansyang french fries. Maari rin itong gawing mashed kamote o kaya naman ay sweet potato chips na mas malasa at mas matamis sa karaniwang potato chips.
Kasabay ng genetics at pagkakaroon ng sapat na pahinga, malaki ang papel ng tamang nutrisyon sa paglaki at paglakas ng iyong anak. Kaya naman makakatulong na bigyan siya ng masusustansyang pagkain na hindi lang nakakatulong sa para maging malusog ang bata, kundi pampatangkad na rin.
Hikayatin ang iyong anak na kumain ng mga masusustansyang pagkain na ito sa pamamagitan ng pagiging makulay at malikhain sa inyong mga meals.
Tandaan, kailangan nila ang mga bitaminang ito kaya huwag mapagod na subukang ipakain ito sa kanila. Makakatulong rin kung magiging role model ka sa iyong anak sa pagkain ng mga prutas at gulay. Kapag nakita nilang kumakain si nanay at tatay ng masusustansyang pagkain, mas madali para sa bata na subukang kainin rin ito.
Vitamins at minerals na kailangan ng katawan para tumangkad
Maliban sa pagkaing pampatangkad mayroon ring mga vitamin supplement na puwedeng inumin ang iyong anak. Kung ikaw ay bibili ng vitamin supplement para sa iyong anak, siguraduhing ito ay may vitamin at nutrients tulad ng mga sumusunod:
1. Calcium
Ito ang isa sa pinakamaraming mineral sa katawan. Pinapatibay nito ang buto at nakakatulong para sa pag-normalize ng tibok ng puso, blood clotting, at muscle function.
2. Vitamin D
Ang bitamina D ay mahalaga para sa absoption ng calcium upang makatulong sa pagbuo at pagpapanatili ng malakas na buto. Dahil ang gatas ng ina ay hindi naglalaman ng maraming vitamin D, inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang lahat ng mga sanggol na pinapasuso ay tumatanggap ng 400 IU ng vitamin D mula sa mga liquid supplement bawat araw.
3. Protein
Ang protina ay nagbibigay ng mga calorie, ngunit ang mga amino acid nito ang talagang kailangan ng katawan. Ang mga amino acid ay ang dahilan para sa pagbuo ng mga bagong selula at tisyu na makakatulong sa proseso ng katawan, kabilang ang enzyme at hormone.
Ayon kay Sheah Rarback, isang associate professor sa Mailman Center for Child Development sa University of Miami, ang protein ay isang mahalagang sangkap sa paglaki ng katawan.
“Protein is part of every single body tissue that gives you an idea of how important it is to children who are, by their very nature, growing all the time.”
4. Fiber
Ito ay kailangan ng mga bata para sa good nutrition at healthy growth. Nilalabanan din nito ang constipation,
5. Iron
Ang katawan ng bata ay likas na nangangailangan ng iron. Ang red blood cells ay nangangailangan ng iron upang maghatid ng oxygen sa bawat selula ng katawan. Ito rin ay mahalaga sa brain development at paggana ng utak.
Vitamins na effective na pampatangkad at pampataba
Narito ang mga vitamin supplement na pwedeng painumin sa iyong anak para sa mas epektibong pampatangkad at pampataba.
1. Cherifer PGM with Zinc
Ito ay may pinaghalong multivitamins, CGF, mineral, bitamina C, at zinc na makakatulong sa pangpatangkad. Ang Cherifer Pgm na may zinc vitamins upang mapabuti ang immune system. Samantala, ang zinc ay nakakatulong upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa pamamagitan ng paglaban sa mga impeksiyon.
2. Growee
Ang Growee ay vitamin supplement para sa mga bata na naglalaman ng CGF, choline, Vitamin D, at multivitamins. Ito ay makakatulong sa pangpatangkad kasabay ng malakas na buto at muscle.
3. Appebon Kid
Ang Appebon Kid ay naglalaman ng vitamin B1 + B6 + B12 + Iron + Lysine. Ang Appebon with iron ay maganda para sa pagpapalakas ng immune system at pampalakas ng appetite.
4. Propan TLC
Ang propan ay naglalaman ng multivitamins, Lysine, Taurine, at CGF. Ito ay may mga mahahalagang bitamina at multi-mineral na tumutulong upang palakasin ang katawan para sa paglaki at pagtangkad.
5. RiteMed Zinc-C
Ang zinc ay karaniwang kailangan ng katawan upang gamutin ang kakulangan sa zinc, kabilang ang pagpapagaling ng sugat, pag-unlad ng paglaki, at pagtatae. Nakakatulong din ang RiteMed Zinc-C multivitamins para sa mga bata na magkaroon ng mas matibay at masiglang pangangatawan.
Karagdagang ulat mula kay Kyla Zarate
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.