Panahon na naman ng dengue, at tumataas na naman ang bilang ng mga taong nagkakaroon ng Covid-19, kaya pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat. Pero ano ba ang pagkakaiba ng sintomas ng dengue at Covid-19? Ito ang aalamin natin ngayon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang Dengue at paano maiiwasan ito?
- Pagkakaiba ng sintomas ng dengue at Covid-19
- Paano maging ligtas mula sa Covid-19?
Dalawa sa mga kinatatakutang sakit ngayon ang dengue at Covid-19. Pareho kasi itong tumatama sa mga bata, nakakapagpahina ng katawan at kung hindi agad maagapan, maaari itong makamatay.
Pero minsan mahirap makilala kung ang sakit ng isang tao ay dengue o Covid-19, dahil may pagkakapareho ang sintomas ng dalawa. Nagiging rason ito kaya napapatagal ang paggamot sa pasyente.
Para matulungan ang mga magulang na matukoy kung ang sakit ay Dengue o Covid-19, isa-isahin nating ang sanhi, sintomas ng bawat isa at alamin kung paano natin maiiwasan ito.
Dengue
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), ang dengue fever ay isang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes species (Ae. aegypti or Ae. albopictus) na may taglay na virus.
Nagdudulot ito ng sakit na maaaring mahalintulad sa trangkaso o flu. Nagdadala ito ng mataas na lagnat at panghihina sa taong may sakit. Ang mga sintomas nito ay maaaring maging banayad lang, pero maaari ring maging seryoso.
Sinisira ng virus na ito ang iyong blood vessels na nagiging dahilan para bumaba ang iyong platelet (ito ang isang bagay na binabantayan sa dengue). Maaari itong magdulot ng shock, internal bleeding, pagkasira ng mga organ na siyang nakamamatay.
Ang pangunahing sintomas ng dengue ay mataas na lagnat (40 degrees C) na sinasamahan ng pananakit ng mata at buong katawan, pagkahilo, pagsusuka, at pagkakaroon ng rashes sa balat.
Dapat namang humingi ng medikal na atensyon kung mararanasan ang mga sumusunod, kasabay ang mga sintomas sa itaas:
- Pananakit ng tiyan
- Pagsusuka ng mahigit 3 beses sa loob ng 24 oras
- Pagdurugo ng ilong at gilagid
- Pagsusuka ng dugo
- Labis na pagkapagod o pagkabalisa
Hindi naman nakakahawa ang taong may dengue. Magkakaroon ka lang nito kung makakagat ka ng lamok na nagdadala ng dengue virus.
Mayroon nang naimbentong bakuna para labanan ang sakit na ito, pero pansamantalang itinigil ang paggamit nito dito sa Pilipinas.
Dengue sa Pilipinas
Ayon sa World Health Organization, bumaba ng 82 porsiyento ang kaso ng dengue sa bansa ngayong taon kumpara noong nakaraang taon. Mula Enero 2021, natatalang nasa 3,353 na ang kaso ng dengue sa Pilipinas.
Subalit hindi pa rin tayo dapat makampante sa impormasyong ito, dahil hindi naman nawawala ang banta ng dengue hanggang mayroong mga lamok sa ating paligid.
Dahil sa pagdalas ng pag-ulan, maaari na namang tumaas ang kaso ng dengue dahil sa tubig na naiimbak sa mga estero, bubong o madidilim na lugar na siyang pinamamahayan ng mga lamok at kanilang itlog.
BASAHIN:
COVID 19 Test Kits: Ano ang pagkakaiba ng PCR, Rapid at Saliva Test?
COVID-19 virus, kumakapit sa balat hanggang 9 na oras kapag nagkaroon ng contact dito
Para maiwasan ang pagkalat ng dengue, kailangang pigilan ang pagdami ng mga lamok.
Paalala ng NEA, makakatulong para hindi pagbahayan at itlogan ng lamok ang simpleng paglinis sa mga timba, flower pot, vase, at gutter sa iyong bakuran.
Siguraduhin na wala itong tubig at lagyan rin ng Bacillus thuringiensis israelensis (Bti), isang insecticide na makakatulong sa pagpigil ng mga lamok.
Sa loob naman ng bahay, maaaring mag-spray ng insecticide sa madidilim na sulok kung saan kadalasang namamahay ang mga lamok tulad sa gilid ng sofa, kama, likod ng kurtina, banyo at mismong sa bintana.
Para naman masigurong ligtas sa kagat ng lamok ang iyong anak, pwede mo siyang lagyan ng mosquito repellant patch sa kanyang damit o gumamit ng mosquito repellant spray o lotion sa kaniyang balat.
Covid-19
Marahil ang pinakasikat na sakit sa buong mundo ngayon ay ang Covid-19. Mula 2020, naitala na 2.75 milyon na ang namatay sa sakit na ito sa buong mundo.
Ang COVID-19 ay isang respiratory disease na sanhi ng coronavirus na SARS-CoV2. Gaya nang nakikita natin, napakabilis kumalat ng sakit na ito. Siguradong mayroon kang kakilala na nagkaroon na ng Covid-19.
Kumakalat ang virus sa pamamagitan ng droplets na nialalabas ng isang taong may Covid-19 sa pamamagitan ng pagbahing, pag-ubo o pagsasalita. Kapag nahawakan mo ang virus na ito at humawak ka sa iyong mata, ilong o bibig, maaari ka na ring magkaroon ng Covid-19.
Tulad ng dengue, maaring magsimula sa banayad na sintomas ang Covid-19 na naihahalintulad din sa trangkaso. Ilan sa mga ito ay ubo, lagnat, panghihina, pananakit ng katawan, pagtatae, pananakit ng ulo, kawalan ng panlasa at pananakit ng lalamunan.
Bagamat may mga taong tinatawag na “asymptomatic” o walang nararamdamang sintomas at mabilis na gumaling mula sa sakit na ito, maaari pa rin itong magdulot ng mga seryosong karamdaman sa ibang tao.
Ang mga taong may pinakamataas na risk factor sa COVID-19 ay ang mga taong may sakit sa baga. Ang iba pang taong mataas ang risk sa mga kumplikasyong dala ng Covid-19 ay mga buntis, mga taong may edad 65 pataas at may mga pre-existing medical condition gaya ng sakit sa atay, asthma, renal failure, sakit sa puso, altapresyon at diabetes.
Gayunpaman, ang lahat ang pinag-iingat dahil walang pinipiling edad ang sakit na ito.
Humingi agad ng tulong kapag naramdaman mo ang mga sintomas na ito:
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
- Pagkabalisa at pagkahilo
- Nahihirapang maging alerto
- Pamumutla ng balat, labi at kuko
Covid-19 sa Pilipinas
Dito sa Pilipinas, tinatayang nasa 13 libo na ang namamatay sa Covid-19. Kasalukuyan pang tumataas ang bilang nito.
Bilang pag-iingat, nagpatupad ang gobyerno, sa pamamagitan ng IATF ng ilang panuntunan para mabawasan at pagkalat ng sakit na ito. Isa rito ang pagbabawal sa mga bata at matatandang edad 65 at pataas na lumabas para hindi sila mahawa ng virus. Kasama rin sa listahang ito ang mga buntis at mga taong may pre-existing medical condition.
Ipinagbawal rin ang pagkain sa labas, at paglabas ng bahay ng walang suot na face mask at face shield.
Mga dapat tandaan para makaiwas sa Covid-19
Bukod sa mga batas na ipinatupad ng gobyerno, kailangan din ang sariling pag-iingat laban sa virus na ito. Ayon sa CDC, ito ang mga paraan para maprotektahan ang iyong sarili at mga mahal sa buhay laban Covid-19:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Umiwas sa matataong lugar
- Iwasan ang paglabas ng bahay kung walang importanteng pupuntahan
- Panatilihin ang social distancing – panatiliing 6 feet apart ang distansya mula sa taong hindi nakatira sa parehong bahay
- Ugaliing maghugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Panatiliing malinis ang iyong paligid – mag-disinfect ng mga lugar at kagamitan sa bahay
- Panatiliing malusog ang iyong katawan at bantayan kung makakaramdam ng mga sintomas
Mayroon na ring naimbentong bakuna laban sa Covid-19 at nakarating na rin ito sa bansa ngayong taon.
Pagkakaiba ng sintomas ng dengue at Covid-19
Bagamat may mga pagkakapareho ang sintomas ng dalawa, mahalagang suriing mabuti para hindi magkamali at maibigay ang tamang lunas sa iyong karamdaman.
Narito ang isang chart na nagpapakita ng pagkakaiba ng sintomas ng dengue at Covid-19:
Dengue |
Covid-19 |
Tumatagal ang sintomas ng 2 hanggang 7 araw | Lumalabas ang sintomas 2 hanggang 14 araw matapos mong ma-expose sa virus
Tumatagal ng isang linggo ang mga sintomas sa mga mild cases |
Mga sintomas:
|
Mga sintomas:
|
Dapat namang humingi ng medikal na atensyon kung mararanasan ang mga sumusunod, kasabay ang mga sintomas sa itaas:
|
Humingi agad ng tulong kapag naramdaman mo ang mga sintomas na ito:
|
Tandaan: Huwag mag-atubiling kumonsulta sa inyong doktor kung nakakaramdam ng isa o higit pa sa mga sintomas na ito. Mas makakatulong sila na tukuyin ang sakit at kung paano gagamutin ito.
Sources: