X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Makabayan girl: Grade 7 na nagpakita ng pagmamahal sa bayan hinangaan ng netizens

2 min read
Makabayan girl: Grade 7 na nagpakita ng pagmamahal sa bayan hinangaan ng netizens

Alamin ang kuwento sa kabila ng Facebook post tungkol sa isang grade 7 na estudyante na umani ng daan-daang papuri dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan.

Isang estudyante sa Ilocos Sur National High School ang nag-viral dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan. Makikita sa nasabing larawan ang bata na nagbibigay galang sa pambansang awit kahit pa nauulanan.

Grade 7 student binansagang “Makabayan Girl”

Ang nagpost ng kanyang larawan ay ang kanyang guro na si Rouenne Marie Ablog. Ayon sa kanyang post, ang estudyanteng nag-viral ay ang Grade 7 na si Chelsea Angel Rapisura. Naglalakad daw ito nang nagsimulang tumunog ang pambansang awit. Imbes na sumilong muna, huminto si Chelsea kahit pa nauulanan at nagbigay galang. Tinapos ni Chelsea ang kanta kahit pa nauulanan kahit pa tinatawag siya para sumilong.

Ayon sa caption sa post ng guro, “This young girl stopped walking and stood still under the rain during the singing of the Philippine National Anthem. Nice one, ading!”

Marami ang natuwa sa pinakitang pag-ibig sa bayan ng bata. Dahil dito, nabansagan si Chelsea ng mga netizens na ‘Makabayan girl.’

pagmamahal sa bayan

Larawan mula sa Facebook ni Rouanne Marie R. Ablog

Paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan

Maraming paraan para maipakita ang pagmamahal sa bayan. Bukod sa ipinakita ng nasabing Grade 7 student, marami pa tayong pwedeng gawin para maipakita natin ang ating pagmamahal sa bansang sinilangan.

Narito ang ilang paraan para maipakita ang nasyonalismo:

pagmamahal sa bayan
Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

Larawan kuha ni Krisia mula sa Pexels: www.pexels.com/photo/philippine-flag-902288/

  • Huwag kalilimutan ang pinanggalingan saan man mapunta. Ipakita sa lahat ang iyong pagiging Pilipino.
  • Maging aktibong mamamayan. Makiisa sa mga programang makabubuti sa mga mamamayan ng bansa.
  • Pag-aralan at isapuso ang kasaysayan ng bayan. Mahalagang alamin ang mga aral ng kasaysayan. Kung paano ipinakita ng mga tao sa nakaraan ang kanilang pagmamahal sa bansa.
  • Pagtuunan din ng pansin ang mga current events o maging aware sa mga nangyayari sa bansa.
  • Bilang magulang, maaaring magbasa ng mga kwento, alamat, o patriotic legends sa iyong anak. Sa pamamagitan nito, maibabahagi mo sa kaniya ang iyong pagmamahal sa bansa.
  • Maging mabuti sa kapwa mamamayan. Dahil ang pagmamahal sa bayan ay nangangahulugan din na pagmamahal sa kapwa mamamayan.

Abante

Basahin: Grade 1 student, nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa simpleng paraan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Makabayan girl: Grade 7 na nagpakita ng pagmamahal sa bayan hinangaan ng netizens
Share:
  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko