X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

64-anyos na tricycle driver, nagtapos ng kolehiyo

3 min read

Lahat tayo ay may kakayanan na mapagtagumpayan ang kahit ano mang pagsubok na ibato sa atin. At para sa 64-anyos na tricycle driver na si Generito Yosores, ang kaniyang pagpupursigi sa pag-aaral ang nagdala sa kaniya ng tagumpay.

Ito ay dahil bagama't matanda na at nagtatrabaho bilang isang tricycle driver, ay nakapagtapos siya kamakailan ng kaniyang pag-aaral.

Pagpupursigi sa pag-aaral, ipinakita ng tricycle driver

Tubong Zamboanga del Sur si Generoso, at pangarap niya ang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Dahil dito, nag-ipon siya ng pera sa pamamasada sa umaga, pati na rin ang kaniyang natatanggap na allowance bilang senior citizen. Sa gabi raw siya nag-aaral, at inabot ng ilang taon bago makapagtapos ngunit sa wakas nakamit na rin niya ang kaniyang pinapangarap na diploma.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Secondary Education, major in English sa Western Mindanao State University-Molave External Studies Unit. Ayon kay Dr. Regina Menioria, External Studies Unit Coordinator sa paaralan, masipag raw at mabuting estudyante si Generoso.

Nag-viral ang kaniyang graduation picture

Nagsimulang kumalat ang balita tungkol kay Generoso nang i-post sa Facebook ng isang photo studio ang kaniyang larawan. Dahil dito, umani ng papuri ang tricycle driver dahil sa kaniyang kasipagan sa pag-aaral.

Sa graduation raw ni Generoso ay kasama niya ang kaniyang kapatid, at kitang-kita ang tuwa sa mukha ng matanda. 

Sana ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat si Generoso, upang mapagtagumpayan natin ang ating mga pagsubok sa buhay.

Mahalagang gawing inspired ang mga bata

Bukod sa pag-aalaga at pagbuhos ng pagmamahal sa mga anak, importante rin na gawing inspired ng mga magulang ang kanilang anak.

Mahalaga ang inspirasyon dahil ito ang magsisilbing driving force ng mga bata upang maging successful sa buhay. Heto ang ilang mga tips para sa magulang:

  • Huwag masyadong bigyan ng pressure ang mga bata. Iparamdam sa kanila na basta't ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya, ay sapat na iyon para sa iyo.
  • Suportahan sila sa kanilang mga pangarap at plano sa buhay.
  • Bigyan sila ng mga pagkakataon na sumubok ng iba't-ibang mga bagay upang malaman ang kanilang passion sa buhay.
  • Ipakilala sa kanila ang iba't-ibang mga role model na magsisilbing inspirasyon sa kanila.
  • Ituro sa kanila ang pagpupursigi, at ang pagkakaroon ng tibay ng loob na mapagtagumpayan ang kahit ano mang pagsubok.
  • Turuan silang huwag mawalan ng loob kapag nagkakamali, o kaya nakararanas ng failure sa buhay.
  • Ipaalala sa kanila na mahalaga ang curiosity, at ang palaging pagkakaroon ng interes na matuto.

 

Source: Abante

Basahin: Yaya nagtapos ng cum laude sa kolehiyo

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 64-anyos na tricycle driver, nagtapos ng kolehiyo
Share:
  • Barangay tanod, nagtapos na cum laude sa kursong civil engineering

    Barangay tanod, nagtapos na cum laude sa kursong civil engineering

  • Ogie Diaz: "Ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas ng eskwela."

    Ogie Diaz: "Ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas ng eskwela."

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Barangay tanod, nagtapos na cum laude sa kursong civil engineering

    Barangay tanod, nagtapos na cum laude sa kursong civil engineering

  • Ogie Diaz: "Ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas ng eskwela."

    Ogie Diaz: "Ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas ng eskwela."

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.