Sa magkarelasyon, mahalaga ang komunikasyon. Kung magkagalit, para magkaayos ay kinakailangang pag-usapan. Para mapaalam sa minamahal ang mga nararamdaman ay kailangang pag-usapan.
Madalas kasing kahit ramdam na natin ang kanilang pag-aaruga at pag-ibig, iba pa rin ang dala ng mga salita. Lalo kung ang love language mo ay “words of affirmation.”
“I love you” o “Mahal kita”
Ito ang mga katagang nais nating parating naririnig sa mga mahal natin lalo sa ating mga asawa. Sa matatagal nang magkasama, hindi namamalayan na mas bihira na itong nasasabi kumpara noong mga unang taon pa lamang.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Rason kung bakit nahihirapan si mister na magsabi ng “I love you”
- Mga paraan upang manumbalik ang sweetness at intimacy ng mag-asawa
Rason kung bakit nahihirapan si mister na magsabi ng “I love you”
Sa pagtagal ng relasyon, maaaring masanay at makaramdam ng pagkasawa sa isa’t isa. Minsan nawawala na ang pagka-sweet ng mag-asawa sa gawa o salita man ‘yan. Kung gaano kahirap kadalas ang pagsasabi ng “i love you” sa simula at ganun naman kadalang na sa paglipas ng panahon.
Lalo na sa mga kalalakihan.
“macho” na kultura.
Ibig sabihin, sinasanay sila sa pagiging “matigas” sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng kanilang mga nararamdaman. Mula pagkabata pa lamang ay ginagawang insulto na ang salitang “bakla” o “bading” sa tuwing iiyak o magpapakita ng emosyon ng pagkahina. Kaya naman nadadala nila ito hanggang sa pagtanda.
Bakit nahihirapan si mister sa pagsasabi ng I love you. | Larawan mula sa Shutterstock
Mapapansin na kumpara sa kababaihan, mas hindi sweet ang relasyon ng mga kalalakihan sa kanilang mahal sa buhay. Kahit pa sa mga kaibigan nila ay makikitang ilag sila sa pagiging sweet sa isa’t isa. Kung minsan ay nagkakantyawan pa kung makapagpakita ng maliit na pagpapakita ng sweetness.
Makikita rin ito kadalasan sa pamilya, kung saan madalang magpakita ng emosyon ang tatay kumpara sa nanay. Kadalasang sinasabi na ito raw kasi ay kakornihan. Kaya naman parating nakikita at napararamdam ang intimacy ng mga anak sa kanilang nanay.
Nahihirapan kasi silang i-express ang mga nais sabihin lalo kung ito ay nagpapakita ng mahina nilang side. Maaari itong maging isang dahilan kung bakit hindi “expressive” o “vocal” ang iyong mister na magsabi ng mga salita gaya ng “i love you.”
Bukod sa rason na nilikha ng lipunan ang ganitong bersyon ng kalalakihan, ay mayroong isang dahilan pa. Kung nararamdamang hindi na kasing init ng pagmamahal noon ang inyong pagsasama ay marahil may mali sa relasyon.
Siguro ay may problemang hindi kayo napag-uusapan. Ang problemang ito ay maaaring magsanhi ng pagkalayo ng bong sa isa’t isa.
Bakit nahihirapan si mister sa pagsasabi ng I love you. | Larawan mula sa Shutterstock
BASAHIN:
8 na sikreto para isang matagal at masayang pagsasama ng mag-asawa ayon sa eksperto
REAL STORIES: “Sinabihan kami na may 36% chance lang kaming makabuo dahil sa kundisyon na ito ng asawa ko”
Hindi naa-appreciate ng asawa? 6 senyales na hindi balanse ang effort sa relasyon
O kaya naman ay nawawala na pag-iibigan. Hindi puwedeng isa lamang ang ikonsidera kung bakit hindi na nagsasabi ng “i love you” ang karelasyon. Baka kasi kaya hindi na niya ito sinasabi ay labag na sa kanyang kalooban. Mahalagang mabukas ang ganitong usapin sa mag-asawa.
Bakit nahihirapan si mister sa pagsasabi ng I love you. |Larawan mula sa Pexels
Mga paraan upang manumbalik ang sweetness at intimacy ng mag-asawa
- Sa inyong free time ay subukang magnight date o kahit simpleng date.
- Ibalik ang mga bagay na ginagawa kagaya noong ligawan niyo pa lamang.
- Gawin ang mga bagay na nakapagpapakilig sa isa’t isa. Halimbawa ay pagtitimpla ng kape, pagyayakapan o pagbibigay ng mga regalo kahit walang okasyon.
- Sabay na gumawa ng bucket list. Ilista ang mga bagay na nais niyong gawin na dalawa lamang.
- Lagyan ng “spice” o ng pampagana ang inyong pagtatalik.
- Magkaroon ng sariling “me time” o oras para sa sarili lamang.
- Gawing selebrasyon pa rin ang anibersaryo kahit ilang taon na kayong nagsasama.
- Lumikha ng “sexy wish list” o mga bagay na nais ninyong gawin sa kama.
- Respetuhin ang espasyo sa tuwing kailangang mag-isa.
- Mag-isip at sumubok ng mga “new adventures.”
- Meet and talk with new people.
- Sumama sa mga gimik o gala ng kaibigan ng iyong asawa.
- Pag-usapan ang kahinaan at kalakasan ninyogn dalawa.
- Mahalin ang sarili habang minamahal ang isa’t isa.
Sa lahat ng relasyon, kahit pa kaibigan o kasintahan ‘yan hindi maiiwasan ang sawaan. Hindi parating masaya at nakakaexcite ito. Darating sa puntong nakakawala ng gana lalo kung mas marami na ang pagbabangayan.
Gaya ng nasabi na, hindi dapat kalimutan ang komunikasyon. Sa paraan kasi ng komunikasyon malalaman ang nadarama ng isa’t isa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!