Alam niyo ba na hindi lamang limitado sa kalusugan ng ngipin ang benepisyo ng pagsisipilyo? Ang pagsisipilyo ng ngipin ay nakakatulong rin upang makaiwas sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Ngunit bukod dito, nakakatulong rin daw ang pagsisipilyo upang makaiwas ang mga lalaki sa pagkakaroon ng erectile dysfunction.
Ano nga ba ang meron sa ating mga ngipin, at ano ang kinalaman nito sa erectile dysfunction?
Pagsisipilyo ng ngipin, nakakatulong laban sa erectile dysfunction
Ang erectile dysfunction, o ED ay isang kondisyong kung saan nahihirapang magkaroon ng erection ang isang lalaki. Karaniwan na itong nararanasan ng mga matatanda, ngunit posible rin na mangyari ito sa mga mas bata.
Malaking problema ito sa mga kalalakihan dahil naaapektuhan nito ang kanilang sex life. Ang pagpapagamot nga sa ED ay isa sa mga pinakaginagastusan ng mga lalaki pagdating sa mga medical procedures.
At ayon sa isang pag-aaral, may kinalaman raw ang pagkakaroon ng gum disease, o sakit sa gilagid, sa pagkakaroon ng ED.
Nagsagawa ng pag-aaral ang ilang mga researchers mula sa Jinan University sa China tungkol sa koneksyon ng gum disease sa erectile dysfunction. At kanilang natagpuan na mahigit doble raw ang posibilidad na magkaroon ng ED ang isang lalakeng may gum disease.
Naniniwala silang konektado raw ang gum disease sa ED dahil parehas nitong naaapektuhan ang mga blood vessels. Posible raw na naaapektuhan nito ang blood flow sa ari ng lalaki, kaya’t nahihirapan silang magkaroon ng erection.
Nirekomenda naman ng mga researcher na ugaliing magsipilyo ng ngipin ng at least 2 beses sa isang araw. Makakatulong raw ito upang maging malusog ang mga ngipin, at mabawasan ang inflammation na nakakaapekto sa gums at sa blood vessels.
Huwag balewalain ang oral hygiene
Mahalaga ang oral hygiene para sa ating lahat. Mapa-sanggol man, o matanda, hindi dapat natin pinapabayaan ang ating mga ngipin. Ito ay dahil posible itong magdulot ng iba’t-ibang mga sakit na nakakaapekto sa pangkabuuan nating kalusugan.
Upang maiwasan ang mga ganitong karamdaman, mahalagang alamin natin ang mga hakbang upang alagaan ang kalusugan ng ating mga ngipin. Heto ang ilang mga hakbang na puwedeng gawin upang mapanatiling malusog ang mga ngipin.
- Magsipilyo ng 2 beses sa isang araw
- Umiwas sa pagkain ng mga matatamis na pagkain, dahil nakakasira ito ng ngipin
- Ugaliing gumamit ng dental floss upang malinis ang pagitan ng mga ngipin
- Gumamit ng toothpaste na mayroong flouride upang maging matibay ang mga ngipin
- Magpunta sa dentista upang ma-check ang kalusugan ng iyong mga ngipin
Source: Radio
Basahin: Rason kung bakit kailangan mag-toothbrush ng buntis at least twice a day
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!