5 posisyon para sa morning sex

lead image

Hindi lahat ng mainit na sex ay nangyayari sa umaga. Maaari rin na maglaan ng panahon para sa pagtatalik sa umaga. | Photo by Jeremy Banks on Unsplash

Hindi lang kape ang mainit sa umaga. Minsan nakakaramdam din tayo ng pagnanasa sa ating asawa, mas lalo na kung tulog pa ang mga bata at tahimik pa ang bahay—puwedeng maisingit ang pagtatalik sa umaga.

Ayon kay Emily Morse, isang duktor ng human sexuality at host ng Sex with Emily podcast, maraming benepisyo ang pagtatalik sa umaga. Nakakataas ito ng mga hormones katulad ng serotonin at oxytocin na nakakapagpaganda ng mood at nakakapagparamdam na close ka sa asawa mo buong araw. Bukod pa ito sa ready and waiting na ang ari ni mister sa umaga dahil sa mataas na testosterone levels niya sa umaga.

Ngunit alam natin na limitado ang oras natin sa umaga. Mamaya'y gigising na ang mga bata at kailangan nang maghanda si mister para sa trabaho. Sino ba naman ang may gusto ng sex na minamadali!

Huwag mag-alala dahil may mga paraan upang hindi mo maramdaman na nagtalik lang kayo ni mister para makaraos. I-set na ang alarm clock ngayong gabi ng mas maaga nang sampung minuto at subukan ang mga posisyon na ito para sa mainit na pagtatalik sa umaga.

1. Mabagal na spooning

Lubos na simple lang ang posisyon na ito. Humiga nang nakatagilid at iposisyon si mister sa likuran nang nakahiga ng patagilid rin. Para maiba naman sa nakagawian, panatilihing nakasara ang legs matapos maipasok ni mister ang kaniyang ari.

Sa ganitong posisyon, libre ang mga kamay ni mister na pumunta sa kung saang parte mo siya gustong papuntahin. Maaari niyang imasahe ang iyong suso o di kaya'y i-rub ang iyong clitoris. Dahil maraming nangyayari ng sabay-sabay, maaaring mabilis mong ma-reach ang orgasm nang hindi mo nararamdaman na minadali ka.

2. Level-up missionary

Kadalasan na tinatamad pa tayong gumalaw matapos magising. Hayaan si mister na "magtrabaho" bago pumasok sa trabaho.

Maglagay ng unan sa ilalim ng pwet at isabit ang paa sa balikat ni mister. Sa ganitong posisyon, mas malapit ang katawan ninyo sa isa't isa at kitang kita niyo ang bawat reaksyon ng ka-partner. Puwedeng i-replay ito sa utak buong araw at mag-set ng round two sa gabi!

3. Doggy

Imbis na tumungkod gamit ang mga kamay, humiga sa iyong tiyan. Sa ganitong posisyon, maaaring i-adjust ang anggulo niyo ni mister at madaling mahanap kung saan masasarapan si misis. Maaari ring i-rub ni misis ang clitoris habang nagtatalik upang mapabilis ang kaniyang climax.

4. Oral

Hindi mo man gustong makipaghalikan sa umaga dahil sa morning breath, maaari namang ibang mga labi ang mangusap. Magsalit-salit sa pagbibigay ng pleasure sa isa't isa o di kaya'y sabay niyong paligayahin ang isa't isa (69 position). Sa ganitong paraan, makakatipid ng oras sa mahabang foreplay.

5. Sex sa shower

Tutal sa banyo rin naman kayo patungo, bakit hindi subukang maligo nang sabay. At habang sinasabon ang isa't isa, gamitin ang mga kamay para mag-climax kayong dalawa. Sa ganitong paraan, masa-satisfy kayong dalawa pero looking forward pa rin sa kung anong puwedeng mangyari pag-uwi nang bahay matapos ang trabaho.

Kayo, ano ang paborito niyong posisyon?

SOURCE: Health.com