Ayon sa mga eksperto, ito raw ang pinakamagandang oras pagdating sa sex

lead image

Alamin ang sinasabi ng mga pagaaral ng mga eksperto mula sa mga luma man o bagong pagaaral tungkol sa pinakamagandang oras sa sex.

Ayon sa bagong pagsusuri mula sa U.K., kung makaramdam na nais makipag-talik sa umaga, huwag pigilan ang sarili. Ang bagong pagsusuri ay isinagawa upang malaman ang pinakamagandang oras sa sex. Ang pagtatalik sa 7:30 ng umaga o kaya 45 minuto mula pagkagising ay makakapagpaganda sa samahan ng mag-asawa.

Suportado ng pag-aaral

Ang pagaaral ay isinagawa ng Forza Supplements sa 1,000 katao. Ang mga lumahok ay itinanong tungkol sa pinakamagandang oras na gusto nilang gumawa ng iba't ibang aktibidad. Nalaman dito na ang paggising ay ang mga oras na pinakamataas ang energy levels ng isang tao.

Sinusuportahan ito ng mga nakaraang pagaaral na nagsasabing ang umaga ang pinakamagandang oras sa sex. Sa katunayan, isang survey sa 2,000 tao ang nagsabi na linggo, alas-9 ng umaga ang pinakamagandang oras.

Ayon kay Debby Herbenick, Ph.D., ang sumulat ng Because It Feels Good, may dagdag na benepisyo ang pakikipagtalik sa umaga. Ayon sa kanya, nakakapagpalabas ito ng oxytocin sa katawan na kinikilalang, feel-good chemical. Dahil dito, ang mga nagsasama ay makakaramdam na sila ay nagmamahalan at bonded buong araw.

 

Paano ito gagawin

Kung nais itong subukan, maaaring i-set ang alarm clock upang tumugtog ng mga tugtog na hindi masakit sa tainga. Tanggalin ang pantulog at himasin ang hita ng lalaki nang mababagal na paghawak. Ang spooning position ay isang magandang istilo para sa umaga.

Kung naiilang sa morning breath, iminu-mungkahi ng mga eksperto na laktawan na ang pagha-halikan. Maaaring dumiretso na sa cowgirl position o kaya naman sa standing doggy position.

Ang magandang balita para sa mga kababaihan na nagnanais makipagtalik, ang mga kalalakihan ay kadalasang handa para dito sa umaga. Maaaring samantalahin ang kanyang morning wood at bigyang buhay ang inyong mga umaga.

 

Source: Women's Health

Basahin: Ayon sa mga eksperto, ganitong oras daw dapat mag-sex para mas malaki ang chance na mabuntis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner