Epektibong paraan ng pagtuturo sa mga bata ba ang hanap mo? May sagot dyan ang isang pag-aaral na siguradong makakatulong sa learning development ng anak mo.
Epektibong paraan ng pagtuturo sa mga bata
Ayon sa isang pag-aaral, ang mga bata ay mas natuto kapag pinauulit-ulit mo sa kanila ang isang bagay na nais mong ituro.
Dahil maliban sa nakakabisado nila ito ay nag-eenjoy din sila sa excitement na ibinibigay ng pag-aabang sa isang bagay na alam na nila ang susunod na mangyayari.
Ito ang paliwanag kung bakit gusto ng mga bata na manood ng parehong TV show ng paulit-ulit. O kaya naman ay ang ipabasa sa iyo ang parehong story book gabi-gabi bago siya matulog.
Ayon iyan kay Vanessa LoBue, isang associate professor of psychology sa Rutgers University-Newark.
Sinuportahan ang pahayag nito ni LoBue ng mga pag-aaral na nagpakita sa kung ano ang epekto ng repetition sa mga bata.
Pagtuturo sa mga bata: Mga pag-aaral
Sa unang pag-aaral ay nag-present ang mga researchers ng mga bagong salita gamit ang tatlong storybook sa mga tatlong taong bata.
Sa loob ng isang linggo, kalahati sa mga bata ay binasahan ng tatlong pare-parehong kuwento habang paulit-ulit na ginagamit ang mga bagong salita sa pagkukuwento.
Habang ang kalahati naman ay binasahan ng tatlong magkakaibang kuwento ngunit paulit-ulit paring ginagamit ang mga bagong salita sa pagkukuwento.
At matapos ang eksperimento, natuklasang mas natutunan ang mga bagong salita ng mga batang nakarinig nito ng paulit-ulit sa tatlong magkakaparehong kuwento. Kumpara sa mga nakarinig ng mga bagong salita nang paulit-ulit sa magkakaibang kwento.
Ganito rin ang kinalabasan ng isa pang pag-aaral na ginawa naman sa mga 18 to 24 months old na mga bata.
Gamit parin ang storybook ay binasa ng dalawa at apat na beses sa mga bata kung paano nilalaro at pinapatunog ang isang toy rattle. Natuklasan ng mga researchers na habang mas binabasa ng paulit-ulit ang libro sa mga bata ay mas nagagaya nila o nai-imitate kung paano nagagawa ang isang action ng tama.
Pagtuturo sa mga bata: Paliwanag ng mga eksperto
Dahil ayon sa mga eksperto ang repetition o pag-uulit ay isa sa mga epektibong paraan ng pagtuturo sa mga bata.
At ito daw ay maaring gawin mga magulang sa pamamagitan ng pagkanta sa mga bata ng parehong kanta ng paulit-ulit, pagbabasa ng parehong kwento, o kaya naman ay ang paulit-ulit na pagrerecite ng isang nursery rhyme.
“A baby needs 1,000 repetitions to learn a word; by the time he’s a toddler, he might need 50 repetitions; and when he’s in kindergarten, he may need only a few repetitions to master it because the brain connections have been laid out.”
Ito ang paliwanag ni Judith Wright, isang literacy specialist sa Ontario Early Years Centres sa London.
Dagdag pa niya nagbibigay daw ng confidence ang repetition sa mga bata. Dahil ito sa alam na nila ang mangyayari o kabisado na nila ang isang bagay kaya naman mas nai-encourage silang makinig, mag-aral at mas matuto pa.
“They learn that’s how you acquire a skill. They’re set up to know that if they don’t understand something, they can work at it and, with repetition, they really come through. That satisfaction sets them up with confidence for later learning — in school and beyond,” sabi ni Wright.
Habang ayon naman kay Karin Borland, ang kada repetition na ginagawa sa isang bata ay nagbubukas sa kaniya ng oportunidad na matuto sa kahulugan ng isang salita na magpapabilis ng pagkatuto niyang magbasa. Si Borland ay isang administrative coordinator ng youth services sa Winnipeg Public Library.
Kaya naman kahit nakakasawa ng tingnan ang iyong anak sa paulit-ulit niyang ginagawa ay dapat suportahan lang siya. Dahil sa ganitong paraan ay natuto siya sa paraang magiging mas madali sa kaniya.
Source: Psychology Today, Todays Parent
Photo: Getty Images
Basahin: STUDY: Ang disadvantage kapag pinag-aral nang maaga ang bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!