Sintomas ng ADHD mas madalas daw na mapapansin sa mga estudyanteng mas bata kumpara sa iba niyang kaklase. Ngunit hindi daw ito talaga ADHD, kung hindi palatandaan lamang na hindi pa sila handang mag-aral.
Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na isinagawa ng Harvard Medical School researchers.
Sintomas ng ADHD sa mga bata
Sa nakalipas na dalawang dekada ay patuloy na tumataas ang rate ng ADHD diagnosis sa United States. Nito lamang 2016, naitalang 5% ng mga batang Amerikano ang dumadaan sa medication laban sa ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder.
Isa sa natuklasang dahilan ng Harvard University researchers sa patuloy na tumataas na bilang na ito ay ang edad na nagsisimula ang mga batang mag-aral. Na kung saan ang mga sintomas ng ADHD na ipinapakita nila ay palatandaan lamang umano na hindi pa sila handang mag-aral sa kanilang edad.
Disadvantage ng pag-aaral ng maaga ng mga bata
“Our findings suggest the possibility that large numbers of kids are being overdiagnosed and overtreated for ADHD because they happen to be relatively immature compared to their older classmates in the early years of elementary school.”
Ito ang naging pahayag ni Timothy Layton, assistant professor mula sa Harvard Medical School at lead author ng ginawang pag-aaral.
Napatunayan nila ito matapos ikumpara ang records ng 407,000 elementary school children na ipinanganak mula 2007 hanggang 2009 na sinubaybayan hanggang nitong 2015.
Dahil karamihan ng eskwelahan sa US ay may enrollment cut-off ng September 1 birthdate, ang mga ipinanganak sa buwan ng August ay isang taon na mas bata kumpara sa iba nitong kaklase.
Base sa nakalap na record, naitalang 85 sa 10,000 na estudyante na ipinanganak noong August ay na-diagnose o nagamot sa ADHD. Habang 64 sa 10,000 na estudyante naman na ipinapanganak noong Setyembre ang may parehong kaso.
Ilan sa ipinakitang gawi ng mga batang na-diagnose ng may ADHD ay hirap na manatiling nakaupo at ang mag-concentrate sa klase. Ngunit, ito naman daw ay hindi nakakagulat para sa kanilang edad at hindi masasabing sintomas ng ADHD na agad, paliwanag ni Layton.
Advantage ng mga mas nakakatanda sa klase
Sinuportahan naman ito ng isang pag-aaral na isinagawa ng Standford University. Base sa pag-aaral, ang mga batang nag-enroll sa kindergarten sa edad na anim kumpara sa lima ay nakakuha ng mas magandang score sa test sa self-control ng tumungtong na sila sa edad na 7 at 11 years old.
Ang self-control ay ang executive function na nagpapahiwatig na kayang i-budget ng isang bata ang kaniyang oras at mag-focus kahit na may distractions sa paligid niya.
Inayunan naman ito ni Anupam Jena na associate professor sa Harvard Medical School at senior author ng pag-aaral.
“As children grow older, small differences in age equalize and dissipate over time, but behaviorally speaking, the difference between a 6-year-old and a 7-year-old could be quite pronounced”, aniya.
Ipinunto ni Jena ang isang phenomenon sa librong Outliers. Base sa libro mas mature at naisasama sa elite leagues ang mga players na mas matanda kumpara sa iba nitong teammates. Dahil sila ay mas nakakapag-concentrate at naco-coach nang maayos kaya naman ang resulta mas nagiging maganda ang performance nila.
Ini-halimbawa niya rin ang isang 2017 working paper mula sa National Bureau of Economic Research. Ayon sa research, mas maganda at long term ang educational performance ng mga estudyanteng mas matanda kumpara sa mga nakababata nitong kaklase.
Kaya naman paliwanag ni Jena, hindi dapat gawing basehan o ituring na sintomas ng ADHD ang ipinapakita ng mga estudyanteng nagsisimulang mag-aral ng maaga.
“The diagnosis of this condition is not just related to the symptoms, it’s related to the context. The relative age of the kids in class, laws and regulations, and other circumstances all come together. A child’s age relative to his or her peers in the same grade should be taken into consideration and the reasons for referral carefully examined”, dagdag pa niya.
Image from Freepik
Recommended age sa mga batang mag-aral
Samantala, ang mga bata ay maari ng magsimulang mag-aral sa nursery mula 0-3 years of age. Tatlo hanggang limang taon sa pre-school at 4-6 years old sa kindergarten. At kung tumungtong sa edad na anim ay maari na silang mag-aral sa grade school.
Ngunit ito ay recommended age lamang, nakadepende parin sa mga magulang kung kailan nila nararamdaman na handa na ang kanilang anak na mag-aral. Ang dapat nilang gawing batayan ay ang social at emotional readiness ng anak pati narin ang cognitive ability o ang learning at problem solving skills nito.
Source: Business Insider, Harvard News, Our Kids, Great Schools, Manila Bulletin
Photo: Freepik
Basahin: What’s the appropriate age for kids to start kindergarten?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!