Ang paglalaro ay isang bagay kusang-loob na ginagawa upang makapagbigay ng kasiyahan, aliw, libangan, at pampalipas oras.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pakikipaglaro sa baby: Gampanin ng paglalaro sa paglaki ng iyong baby
- Pagpapasigla para sa mga sanggol na 0-3 months
- Paano makipaglaro sa bagong panganak na sanggol?
Ito ay nangyayari kapag ang isang baby ay nag-e-explore at nakikipag-ugnayan sa mga bagay na nasa paligid nito. Sa pamamagitan, sa pagsusubo ng mga laruan o pagdama sa mga bagay o texture na hindi pamilyar sa kanya.
Ang oras ng laro ay naghihikayat sa iyong anak na madiskubre ang kanyang kasanayan at kakayahan habang nakikipag-ugnayan sa iba at sa kanyang paligid.
Talaan ng Nilalaman
Pakikipaglaro sa baby: Gampanin ng pakikipaglaro sa paglaki ng iyong baby
Pananaw ni Dr. Tiff Jumaily, isang pediatrician sa Integrative Pediatrics and Medicine Studio City sa Los Angeles, natutuo ang baby o mga bata sa pakikipaglaro.
Ang pakikipaglaro ay isang mahusay na diskarte sa pag-develop ng motor skills, pandama, komunikasyon, at social-emotional development, na maaaring magsimula pagdating ni baby sa bahay.
Syempre, nag-iiba rin ang paraan ng pakikipaglaro ng baby habang tumatanda, pero narito ang ilang halimbawa ng maagang pakikipaglaro sa iyong baby. Mahalagang tandaan na ang oras ng pakikipaglaro ay nakatutulong sa iyong sanggol sa pagpapatibay ng mga makabuluhang pagkabata.
Nakakatulong din ang paglalaro sa pagpapawala ng stress sa kanila. Ayon sa isang pag-aaral ng Trusted Source noong 2012.
Paliwanag ni Jumaily,
“Play, on the whole, is linked to responses that improve learning… [and] work off stress.”
Alamin ang mga milestones na nakamit sa iba’t ibang bahagi ng pangkabuoang kalusugan ng iyong anak sa pamamagitan ng pakikipaglaro.
1. Physical development
Ang mga sanggol ay natututo sa pamamagitan ng pag-oobserba at karanasan. Habang tinutuklas nila ang kanilang paligid, ginagamit nila ang lahat ng kanilang pandama, kaya naman ang mga nursery room ay puno ng mga maaliwalas na kulay, texture, tanawin, at tunog.
Ang paglalaro ay nakakapagpagana ng lahat ng pandama. Nakakatulong ang pag-unlad ng pandama ng baby sa pakikipag-ugnayan sa ‘yo at sa paligid nito.
Ang mga sanggol ay nangangailangan na magkaroon ng kamalayan sa katawan at balanse bilang karagdagan sa kanilang limang pandama.
Kaya naman naglalaan tayo ng oras na kasama sila sa sahig – paggulong, paggapang, pag-akyat, at paglayag – upang makatulong na makakilos ng malaya at mapaunlad ang kanilang sensory system.
Malaki ang pakinabang ng paglalaro sa pyhsical development ng iyong anak. Sapagkat napapabuti nito ang hand-eye coordination, fine-tunes motor abilities, at nakakapagpalakas ng itaas at ibabang bahagi ng katawan.
Ang paglalaro ay nagpapabuti sa pisikal na pangangatawan ng mga bata sa maraming paraan, kabilang na ang pag-unlad ng kanilang motor skills.
2. Mental development
Ayon sa certified psychotherapis na si Mayra Mendez, PhD, LMFT,ang pakikipaglaro ay kapaki-pakinabang sa paglaki at kritikal na pag-iisip ng bata. Nakatutulong ito na matandaan ang mga bagay, maunawaan ang sanhi at epekto, at tuklasin ang mundo – at ang kanilang lugar dito.
“Through play, young children learn how things fit together. It allows kids to engage their senses and stimulates inquiry and curiosity, which are essential abilities for intellectual growth and cognitive processing.”
3. Emotional development
Ang paglalaro ang pangunahing paraan ng komunikasyon, interaksyon, at “pagiging nasa mundo” ng mga sanggol.
Ang paglalaro ay nakalilikha ng emosyonal na seguridad. Magkaroon ng cuddle-time: Ang ugnayan ng magulang at anak ay nakakapagtatag ng pakiramdam ng kaligtasan at tiwala sa mga sanggol.
Ikaw man ay nagbabasa, kumakanta ng lullaby, o gumagawa ng mga nakakatawang mukha. Ipinapakita nito sa mga baby na ang kanilang mga magulang, tagapag-alaga, o kahit sino man ay pinahahalagahan sila.
Ang emosyon ay pinagyayaman ng paglalaro. Ilabas mo ang iyong dila kapag nakikipaglaro sa iyong sanggol upang mapakita ang iyong kwelang bahagi habang hinihinakayat naman ang sa kanya.
Kapag ngumisi naman ang iyong baby, ngumiti ka rin. Ang pagpapahayag at pagbabalik ng emosyon ay nagtuturo sa kanila kung paano kilalanin at ipahayag ang iba’t ibang emosyon.
4. Social development
Ang paglalaro ay kapaki-pakinabang sa sosyal na kaunlaran ng bata sapagkat itinuturo nito kung paano makikipag-ugnayan sa ibang tao. Kausapin, ngitian, at makipag-ugnaya sa iyong anak habang ikaw ay nag-aalaga sa kanya.
Bigyang-pansin ang mga senyales ng iyong baby at kung nakakatugon ng maayos. Isaalang-alang kung paano kumilos ang iyong baby o magsimulang tumugon sa iyong mga sinasabi. Bigyan ng pagkakataon na mag-usap ang isa’t isa. Dito natututo kung paano makipag-usap ang iyong baby.
Stimulation para sa mga baby na 0 to 3 months old
Narito ang ilang mungkahi upang para matuto at maglaro ang iyong baby:
1. Kausapin, ngitian, at makipag-ugnayan sa iyong baby kapag inaalagaan ito.
Bigyang-pansin ang mga senyales ng iyong baby at kung nakakatugon ng maayos. Isaalang-alang kung paano kumilos ang iyong baby o magsimulang tumugon sa iyong mga sinasabi. Bigyan ng pagkakataon na mag-usap ang isa’t isa.
Ito ang paraan kung saan matututo ang iyong anak na makipag-usap. Ilabas mo ang iyong dila, ngumiti, at gumawa ng iba pang mga ekspresyon na mapag-aaralan at magagawa ng iyong baby.
2. Payagan ang iyong baby na hawakan at tuklasin ang mga makukulay na laruan na may iba’t ibang kayarian, hugis, at sukat.
Ang pag-unlad ng paningin ng isang baby ay sumisigla sa pamamagitan ng malalakas na contrast curves at symmetry. Maaari mo siyang pagamitin ng mga laruan na simple at naaayon sa kanyang edad.
Makakatulong ito para sa pagpapagana ng kanyang paningin, pandinig, at pandama, tulad na lamang ng musical toys, textured toys, rattles, at salamin sa crib na hindi nababasag.
Ang iyong baby ay mas magkakaroon ng ugnayan sa kanyang paligid habang umuunlad ang kanilang paningin at nagkakaroon na sila ng control sa kanilang paggalaw.
3. Magpatugtog ng malumanay na musika habang hawak ang iyong sanggol at umiindayog ng mabagal sa tunog.
Mamili ng malumanay na tunog o lullaby na aawitin sa iyong sanggol palagi. Ang nakakaaliw na tunog at mga salita ay makakatulong sa iyong baby na makapagpahinga.
BASAHIN:
Baby exercise na pwedeng subukan sa iyong baby at ang benepisyo nito sa kaniyang development
Ligtas ba ang walker sa mga baby? Ito ang sabi ng mga experts
Paraan ng pakikipaglaro kay baby
Malaking hamonang pakikipaglaro sa bagong panganak na sanggol dahil hindi ito nakakaupo, nakakagapang, nakakalakad, nakakapagsalita, o nakakatayo.
Ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP), ang playful learning ay nagsisimula sa unang ngiti ngbaby. Narito ang ilan sa mga simpleng paraan para makipaglaro sa iyong bagong silang na sanggol:
1. Makipagharapan kay baby
Ayon sa pananaliksik, ang mga bagong panganak na sanggol ay mahilig tumingin sa mukha – mas gugustuhin nila tumingin sa mukha kaysa anumang bagay, kahit pa mga laruan.
Ang pagharap sa iyong sanggol ay makakapagpasaya sa kanya at makapagpapatibay ng inyong ugnayan. Mas gusto ng mga sanggol ang mga mukha na:
- nakangiti
- nakabukas ang mata
- nakatingin sa kanilang mga mata
- mukha ng kanilang magulang o tagapag-alaga
- nakakatugon sa kanilang mga ginagawa
2. Baby talk
Panatalihin ang atensyon ng iyong baby sa pamamagitan ng pagsasalita gamit ang mataas na boses, o boses na panganta. Kausapin siya habang binibihisan, pinapakain, at pinapaliguan. Hindi mahalaga kung patungkol saan ang sinasabi, basta ang mahalaga ay kinakausap mo siya.
Napag-alaman sa pananaliksik na ang pakikipag-usap sa iyong anak ng tatlong oras sa isang araw, sa kanilang unang buwan ay nakakatulong na ma-develop ang bahagi ng kanilang utak na nagpoproseso sa tunog at nakakatulong din na makapagpokus sa boses ng tao.
3. Salamin
Ang salamin ay maganda sa pagtuklas at pagsisiyasat. Magsabit ka man ng salamin sa mababang bahagi ng dingding, magtaas ng soft-sided toy mirror kapag belly time, o magsalita sa harap ng salamin sa banyo. Sapagkat gusto palagi ng mga bagong panganak na sanggol ang tumingin sa salamin.
4. Monkey see, monkey do
Ang paggaya sa tunog o sinasabi, facial expressions at galaw ng iyong baby ay nagtuturo sa kanila ng komunikasyon. Ang palagiang pagtugon sa kanyang mga nais ipahiwatig ay nagpapakita na mahalaga ang kanyang mga sinasabi at ginagawa.
Pahigain si baby sa iyong nakaunat na binti o sa malambit na higaan at gumawa ng mga facial expressions habang nakikipag-usap sa iyong baby ay isa sa mga madaling paraan ng pakikipaglaro sa kanya anumang oras.
Gayahin ang ingay ng kanilang sinasabi at facial expressions, at panoorin kung paano nila subukang gayahin ang iyo. Ito ay nakakaaliw partikular na sa mga sanggol na nasa 2-3 buwang gulang.
5. Pagsayaw
Normal lang na isayaw natin ang ating mga anak habang hawak natin sila, pero magiging mas masaya ito kapag kinakantahan mo siya habang isinasayaw.
Maaari mo ring pahigain ang iyong baby at galaw-galawin ang kanilang mga kamay na parang nagsasayaw habang ikaw ay kumakanta.
Ito rin ay isa sa mga mahusay na paraan upang matulunganang iyong baby na makapag-unat at makabuo ng kamalayan. Makapaghihikayat ito sa kanilang motor skills sa nakakaaliw na paraan.
6. Sundan ang tunog
Ang paggawa ng tunog o pagpapatugtog ng musika ay nakakatulong na mapalingon ang iyong baby at ma-develop ang kanyang mga neck muscles.
Ang musika o tunog man ay galling sa’yo, sa isang laruan, o kahit ano pa man, ilagay ito sa iba’t ibang bahagi sa paligid ng iyong baby at panoorin silang hanapin kung ano ito at saan ito galling.
7. Sensory games
Bigyan ang iyong baby ng visual stimulation gamit ang makulay na cellphone, salamin o isang magazine. Bigyan ang iyong baby ng iba’t ibang bagay na maaaring hawakan.
Ang mga baby play gyms ay isang magandang kasangkapan sa larong ito. Maaari ka ring magbasa ng kuwento para sa iyong baby gamit ang makukulay na imahe sa libro.
8. Tummy time
Ang pakikipaglaro sa iyong bagong panganak na sanggol sa sahig ay mahalaga sa pag-develop ng motor skills ng iyong baby – pagdapa, pag-upo, paggapang, paglalakad, at iba pa.
Ang paglalagay ng tummy time pillow, nakapulupot na kumot o iba pang maaaring gamitin na supporta sa ilalim ng dibdib ng iyong baby.
Upang matulungan silang maiangat ang sarili at nagbibigay-daan sa mga bagong panganak na makapaglaro lalo na kung hindi nila kayang maiangat ang sarili gamit ang kanilang mga braso.
Independent play o paglalaro ng mag-isa ng baby
Kapag ang iyong baby ay nagsisimula nang maglaro gamit ang mga laruan at tinutuklas na ang mga bagay sa inyong bahay, ginagawa nila ito habang nakikipag-ugnayan sa’yo o sa kanilang sarili.
Ang paglalarong mag-isa o kilala din bilang Solitary Play, ay isang yugto sa pag-unlad ng isang sanggol kung saan ang mga bagong panganak ay naglalaro mag-isa.
Ang solitary play ay nagiging daan upang maaliw ng mga bagong panganak na sanggol ang kanilang sarili. Kung saan, ito ay nagiging kapaki-pakinabang kapag ikaw ay may kailangan gawin, at nakakapagturo sa bata kung paano maging independent sa hinaharap. Malungkot man itong tignan sa umpisa, magiging komportable ka rin na sila ay nagkakaroon ng mahalagang karunungan.
Ang mga bata na 0-2 taong gulang ay madalas na naglalaro mag-isa bago pa ito makipaglaro sa ibang bata. Samantala, ang mas matandang pre-schooler at bata ay maaari ring nasa yugto ng paglalarong mag-isa.
Ang kahalagahan ng paglalaro sa pag-unlad ng iyong anak ay hindi kayang lampasan ng kahit na ano. Habang napakarami naman ng benepisyo ng paglalaro.
Kung saan nakakatulong ito sa kaunlarang kognitibo, pisikal, sosyal, at emosyonal ng mga bata, ang paglalaro ay hindi lang basta laro at saya. Kaya makipaglaro na sa iyong baby at magkaroon ng masayang oras at bonding sa inyong dalawa!
Kung nais basahin ang English version ng artikulong ito, i-click dito!
Additional information from Matt Doctor