Alam mo bang kahit sanggol pa lamang ay maaari nang sanayin sa pag-eehersisyo ang iyong anak? Tulad ng sa mga mas nakakatanda, mahalaga ito sa patuloy na pagdevelop ng kaniyang katawan at kalusugan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Nakakakuha ba ng sapat na ehersisyo ang iyong sanggol?
- Paano i-ehersisyo ang iyong sanggol
- Mga exercise para sa baby na maaari mong subukan
Exercise para sa baby
Photo by Sarah Chai from Pexels
Ang pisikal na aktibidad ay normal at kailangan para sa malusog na paglaki at pag-unlad ng sanggol at bata. Ito ay mabuti para sa kanilang mga katawan at kanilang isip. Ang exercise para sa baby ay mahalaga sa araw-araw dahil ito ay:
- tumutulong sa pag-unlad ng utak
- nagpapalakas ng mga kalamnan, kasukasuan, at buto
- nagpapabuti ng koordinasyon, balanse, at flexibility
- nagbibigay-daan na makamit at mapanatili ang isang malusog na timbang
- nakakarelaks sa katawan at nagpapabuti ng pagtulog
- nagpapalakas ng kanilang pagpapahalaga sa sarili, kaligayahan, at mga kasanayang panlipunan
- nagbibigay-daan sa mga bata na matuto nang mas epektibo sa paaralan
Nakakakuha ba ng sapat na ehersisyo ang iyong sanggol?
Ayon sa mga pediatric expert mula sa National Association for Sport and Physical Education (NASPE), ang mga magulang na gumagamit ng mga stroller, playpen, kotse, at upuan ng sanggol sa mahabang panahon ay maaaring makaantala sa pisikal at mental na pag-unlad ng kanilang anak.
Higit pa rito, sinabi ni Jane Clark, PhD, propesor at tagapangulo ng Kagawaran ng Kinesiology ng Unibersidad ng Maryland, na ang mga magulang ay madalas na hindi nare-realize ang mga mahahalagang physical activity para sa mga anak.
Ang mga mas batang sanggol, maliliit na bata, at mga preschooler na exposed sa pang-araw-araw na paggalaw at ehersisyo ay may mas mataas na pagkakataong umunlad nang normal sa susunod na buhay.
Ang exercise para sa baby ay nagtataguyod ng growth and development na magiging kapaki-pakinabang sa kalusugan ng isang tao sa hinaharap sa buhay. Ito ay dahil ang utak ay bumubuo ng mga landas at koneksyon sa mga muscles ng bata.
Ang mga bata na hindi nakakakuha ng sapat na ehersisyo ay maaaring mawalan ng pagkakataon na bumuo ng malakas na brain-muscle connections na ginagawang mas kasiya-siya at mas madali ang pisikal na aktibidad.
Ang pisikal na kakayahan ng bata ang dahilan kung bakit ang pag-eehersisyo ay mas malamang na maging life-long habit habang siya ay lumalaki at tumatanda.
Paano mag-ehersisyo kasama ang iyong sanggol
Upang magsimulang mag-ehersisyo kasama ang iyong sanggol sa isang regular na batayan, kakailanganin mo munang pukawin ang kanyang atensyon. Magsimula sa pamamagitan ng pagsanay sa iyong anak na nakikita kang nag-eehersisyo at malusog at maayos ang katawan dahil dito.
BASAHIN:
9 exercises to help your baby develop good head control
8 brain exercises na pampatalino
Paraan para ma-boost o mapalakas ang immunity ni baby at 2 months old
Ang mga batang lumaki na may aktibong mga magulang ay natututong tingnan ang ehersisyo bilang normal at mahalaga, na siyang unang hakbang tungo sa pamumuhay ng aktibo at malusog.
Narito ang ilang pang mga ideya kung paano isama ang pisikal na aktibidad sa pang-araw-araw na gawain ng iyong bagong panganak.
Sa oras na umabot sila sa isang buwang edad (o nabawi ang kanilang buong timbang ng kapanganakan), ang mga sanggol ay nangangailangan ng paghihikayat ng kanilang mga magulang na maging aktibo at gumalaw-galaw.
Ang paggalaw at exercise para sa baby ay tumutulong sa sanggol na mapanatili ang balanse, bumuo ng lakas, at gumamit ng mga bagong muscles habang siya ay tumatanda. Ang ehersisyo ay nagsisimula sa murang edad at bumubuo ng isang ugali ng pagkilos na tumatagal hanggang sa pagtanda.
Paghahanda sa mga exercise para sa baby
Sinabi ni Dr. Stephen Sanders, propesor sa College of Education sa University of South Florida at may-akda ng Encouraging Physical Activity in Infants sa Fatherly na:
Ang mas maraming pisikal na aktibidad na maaari mong gawin sa isang sanggol ay katumbas nang siya ring dami ng pagkakataon ng sanggol na magkakaroon ng isang matibay na pundasyon ng mga pisikal na kasanayan.
Natututo ang mga bata tungkol sa kanilang mga katawan at kapaligiran sa pamamagitan ng paggalaw. Kaya naman, mas mabuti kung sila ay mas maging physically active.
1. Sanayin ang physical activity
Maliban kung oras na ng pagtulog, iwasang ilagay ang iyong anak sa playpen o kama. Hayaan siyang gumapang sa sahig at mag-explore hangga’t maaari kapag gising siya.
Kung ang bata ay dapat nasa isang playpen, magbigay ng mga manipulative na bagay tulad ng mga bloke, mga nesting box, at mga laruan na may mga dial.
2. Maging consistent sa exercise para sa baby
Kung ang mga aktibidad ay ginagawa sa parehong lugar araw-araw, ang bata ay magiging sanay sa pakiramdam ng sahig, kama, o tuwalya.
Bilang resulta, kapag siya ay inilagay sa posisyon na iyon, siya ay tiiyak na sisipa, kumukuya, umiikot, at ngumingiti upang ipakita na siya ay handa na.
3. Ihanda ang setup
Bihisan ang bata ng maluwag na mga lampin, swimsuit, o iba pang maluwag na damit. Maaari ring hayaang siyang mag-ehersisyo nang nakahubad. Sa ganitong setup, ang temperatura sa silid ay dapat na kaaya-aya.
Magpatugtog ng music. Nagbibigay ito sa iyong anak ng pagkakataong bumuo ng positibong relasyon sa pagitan ng tunog at paggalaw.
4. Mag-ehersisyo kasama si baby
Gawin ang pag-eehersisyo kasama ang pamilya. Hindi lamang ito para sa kalusugan ngunit pati na rin sa pagsasama at relasyon ng buong pamilya.
Mga exercise para sa baby
Narito ang mga baby workouts na madaling matutunan.
1. Tummy time
Pagulungin siya sa kanyang likod. Ang tummy time ay mabuti sa motor skills ng iyong anak. Ang leeg at core ng iyong sanggol ay lalakas bilang resulta nito.
2. Baby Situps
Ilagay ang iyong sanggol sa isang kumot sa sopa o kama. Pagkatapos ay hawakan nang bahagya ang mga kumot sa itaas ng kanilang mga ulo sa magkabilang gilid, habang ang iyong sanggol ay nasa gitna ng iyong mga braso.
Maaari mo ring ilagay ang iyong mga kamay sa ilalim ng kanilang mga ulo para sa suporta. Dahan-dahang itaas ang kumot upang dalhin ang iyong sanggol sa posisyong nakaupo. Pagkatapos ay ibaba ang mga ito pabalik sa kanilang orihinal na posisyon.
3. Bicycle Legs
Ilagay ang iyong sanggol sa kanyang likod at dahan-dahang hawakan ang kanyang mga ankle. Dahan-dahang igalaw ang kanyang mga paa sa isang bilog, na para bang siya ay nagbibisikleta.
Kasabay nito, bigkasin ang salitang bisikleta habang ginagawa ang exercise. Sabihin ang salitang bisikleta nang pabilis nang pabilis habang pabilis ng pabilis ang paggalaw ng kanyang mga paa.
4. Mag-ehersisyo sa pagtayo
Dahan-dahang idikit ang mga daliri ng paa ng iyong sanggol sa lupa o ang iyong kandungan habang nakahawak sa kanyang mga kilikili. Hayaan siyang magbalanse nang bahagya at may kaunting suporta.
Gawing pagkakataon ang mga exercise para sa baby na ito bilang bonding time. Para sa mas ligtas na ehersisyo, maaari ka ring kumunsulta sa iyong doktor para sa mga wastong paraan at mas angkop na pag-eehersisyo ng sanggol.
Isinalin sa wikang Filipino ni Margaux Dolores
Kung nais basahin ang English version ng article na ito, i-click dito!
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!