7 pamahiin para suwerte at hindi malasin ang bahay

7 pamahiin para suwerte at hindi malasin ang bahay

Ano nga ba ang mga pamahiin sa bahay na makatutulong para maging swerte?

Narito ang ilang pamahiin sa bahay na puwede mong subukan upang malayo sa malas ang inyong bahay at pamilya.

Pamahiin sa bahay

Maraming mga paniniwala at pamahiin ang mga Pilipino. Maging sa buhay man in general, sa love life, pamahiin sa bahay at kung anu-ano pa. Pero ang tinatawag na Feng Shui ay isang traditional practice kung saan ginagamit ang mga energy upang mapag-match ang mga elements sa isang environment.

pamahiin sa bahay

Image from Freepik

Kumplikado ito kung hindi tutugon sa mga experts pero narito ang ilang tips na puwede mo kaagad i-apply sa inyong household.

Feng Shui tips para ma-improve ang inyong bahay

  • Maglagay ng mga cotton, plant at baskets dahil ito ay mga “yin” materials. Ito rin ay para ma-balance ang mga metallic objects sa inyong kusina.
  • Palaging takpan ang inyong basurahan at ilagay ito sa kung saan hindi kaagad nakikita.
  • Ang suggested colors naman para sa kusina ay puti upang maalis ang power of fire at green naman para ma-balance ang fire at water elements sa wood.
  • Inirerekumenda rin ng mga experts na huwag itapat ang bukasan ng oven sa main entrance. Ito raw ay nakakaalis ng foul energy sa inyong kusina.
  • Iwasang maglagay ng salamin malapit sa main door dahil kung ito ang unang makikita ng isang tao, ang intensity ng “chi” ay maba-block at magre-reflect agad palabas.
  • Ang mga salamin ay representative din ng water element. Kaya naman ilagay ito kung saan kailangan ng water support gaya ng toilet o shower area.
  • Pagdating naman sa lighting, mas mabuti kung maaliwalas ang lahat ng sulok ng inyong kwarto.

Mga dapat ilagay sa bawat kwarto

Ayon naman kay Master Hanz Cua, narito ang mga bagay na puwede niyong ilagay sa bawat kwarto upang maging maswerte.

Kusina

pamahiin sa bahay

Image from Freepik

  • Dapat laging bukas din ang ilaw, bintana at pintuan. Kailangan ay maging maliwanag dito upang pumasok ang suwerte.
  • Linisin ang mga lutuan para sa magandang kalusugan at itapon na ang mga basag o may bungi na plato at baso.
  • Dapat puno ang bigasan, water dispenser, refrigerator, lalagyan ng asin at asukal, at LPG upang maging masagana.

Kwarto

  • Magpalit ng punda, bed sheet at bumili ng bagong unan kung kinakailangan para pumasok ang bagong enerhiya.
  • Maglagay din ng bagong laba na kurtina at ikabit ito nang maayos.
  • Maaaring maglagay ng asin sa bedside table upang mapaalis ang malas.
  • Dapat ay maglinis at alisin ang mga kalat. Maaari ring magsindi ng insenso.

Puwede bang maging malas ang inyong bahay?

Likas nang maraming pamahiin ang mga Pilipino. Mula sa mga maliliit na bagay tulad ng pagsabi ng “tabi-tabi po,” pati na sa pagsunod ng mga ilang pamahiin sa buntis, ay madalas sinusunod nating mga Pilipino. Isa na rito ang kung tawagin ay “oro plata mata” upang makaiwas sa malas na bahay.

Kadalasan ay hindi naman ito sineseryoso ng mga tao, ngunit ayon sa isang mag-asawa, ito raw ang nagdala ng matinding kamalasan sa kanilang pamilya.

Malas na bahay, nagdala raw ng panganib sa isang pamilya

Ayon sa mag-asawang si Lolo Celestino at Lola Nati, noong unang itinayo ang kanilang tahanan ay nagbigay ito sa kanila ng kaligayahan.

Matapos lang raw ang anim na buwan ay nakapagpatayo na sila ng kanilang sariling bahay, at mabuti raw ang buhay ng kanilang pamilya. Ayon sa kanila, hindi naman raw nila kabisado ang mga pamahiin pagdating sa pagtatayo ng bahay. Pamilyar lang daw sila sa “oro plata mata” na pamahiin. Dahil dito, ipinaubaya na nila ang paggawa ng bahay sa mga construction worker.

Marami raw silang biyayang natanggap matapos maitayo ang kanilang tahanan. Mayroon raw silang tatlong jeepney, isang farm ng mga baboy, at nakapagpundar rin ng isang lote ng lupa.

Tila nabiyayaan nga ang mag-asawa ng swerte sa kanilang buhay. Ngunit di nila inakalang bigla na lang babaliktad ang buhay na kanilang kinagisnan.

Nagsunod-sunod bigla ang kamalasan

Small dark-haired girl and parents which arguing behind her Premium Photo

Noong 2003 raw ay nagulat ang mag-asawa nang mamatay ang isa sa kanilang mga anak. Nasaksak raw ito, at kakauwi lang mula sa Saudi. Dahil dito, napilitang magbenta ng ilang jeepney at baboy ang mag-asawa para sa gastusin sa abogado.

Sa kabutihang palad ay mayroon pa rin namang mapagkakakitaang mango farm ang mag-asawa, at sapat na ang kanilang kinikita mula dito.

Pero 2 linggo matapos mamatay ang kanilang anak, nagkaroon naman ng dengue ang isa nilang apo. Sa pagkakataong ito, kinailangan nilang gastusin sa ospital ang kinikita nila mula sa kanilang farm. Sa kabutihang palad ay nabuhay naman ang kanilang apo.

Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang kamalasan ng mag-asawa. 2 taon matapos ang mga insidente ay nagkaroon ng cervical cancer ang isa pa nilang anak. At matapos ang 2 taon ay pumanaw siya. Bukod dito, nasira ng bagyo ang kanilang inaasahan na farm.

Nakabawi rin naman silang mag-asawa, at nagdesisyon na gawing taniman ng palay ang kanilang dating mango farm.

Pero tila napaglaruan sila ng tadhana dahil ngayong taon lang ay namatay naman sa cancer ang kanilang nag-iisang nabubuhay na anak.

Malas daw ang kanilang bahay

Ayon sa isang pari, ang bahay raw nila ang nagdala ng malas sa kanilang pamilya, dahil sa pagkakagawa nito. Nakatutok raw kasi ang hagdanan sa pinto, kaya’t minalas silang mag-asawa.

Bukod dito, kahit raw sinunod nila ang “oro plata mata” nagkaroon naman ng 13 na hakbang ang hagdanan sa bahay. Ang 13 ay isa ring malas na numero, ayon sa pamahiin.

Dahil sa mga nangyaring ito, nagdesisyon ang mag-asawa na ipaayos na ang bahay at nagpakonsulta pa sa isang feng shui expert. Sana raw ay tumigil na ang kamalasan sa kanilang buhay, pero hindi rin nila maiwan ang kanilang tahanan dahil punong-puno raw ito ng masasayang alaala.

Mayroon nga bang malas na bahay?

Nakakalungkot ang kwento ng mag-asawang Lolo Celestino at Lola Nati. Ang isa siguro sa mga pinakakinakatakutan ng mga magulang ay ilibing ang sarili nilang mga anak, na nagawa ng mag-asawa ng tatlong beses.

Pero hindi rin naman natin masasabi kung malas nga ba o hindi ang kanilang tahanan. Wala namang tunay na basehan ang “malas” ayon sa siyensya, at hindi nga naman ito kapani-paniwala para sa ibang mga tao.

Kung tutuusin, wala rin namang masama kung sumunod sa mga pamahiin, lalo na kung sa tingin mo ay magbibigay ito ng peace of minda para sa iyo. Basta’t hindi ito nakakasama, o kaya ay hindi ka mapapagastos ng malaki, ay okay lang naman magpakonsulta sa mga feng shui expert at iba pa, upang maging kampante ka sa ipapatayo mong tahanan.

Ngunit kailangan rin nating tandaan na tayo rin ang gumagawa ng ating tadhana. At ang mahalaga ay gawin natin ang tama at mabuti, at huwag masyadong matakot sa kamalasan.

 

Source:

Fengshui.net, Bandera

Basahin:

2020 Horoscope predictions ayon sa feng shui expert na si Master Hanz Cua

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner