Ilang taon at henerasyon na ang lumipas, maraming pagbabago sa kasaysayan, kultura at paniniwala. Sa kabila ng pagiging parte ng modernong panahon, marami pa rin sa mga kaugalian ng mga Pilipino ang nananatiling matatag at pinaniniwalaan pa rin sa ngayon, isa na lamang diyan ay ang pamahiin. Mayroon ngang iba’t ibang pamahiin sa bahay na sinusunod ng mga Pinoy upang maiwasan umano ang kamalasan.
Nakamamangha na makita na sa kabila ng pagiging laganap ng siyensya at teknolohiya ay malakas at patuloy pa rin ang paniniwala ng mga Pilipino sa mga pamahiin, lalo na kung ito ay may hatid na suwerte.
Hanggang sa ngayon ay bitbit pa rin natin ang mga pamahiing ipinamana sa atin ng ating mga ninuno, mula sa pagkain, gawi o ultimo sa pagpapatayo ng bahay.
Ngayon, ating talakayin at alamin ang mga itinuturing na pampaswerte ng mga Pilipino, halina at isa-isahin ang mga pamahiing ito.
8 pamahiin sa pagpapatayo ng bahay
Narito ang mga ilang pamahiin sa pagpapatayo ng bahay na sinusunod ng mga Pilipino para swertihin umano at maiwasan ang malas.
1. Ang pangunahing pinto ng bahay ay dapat nakaharap sa pagsikat ng araw
Sa bansang tulad natin, ang Silangan at pagsikat ng araw ay importante. Kung magpapatayo ng bahay, i-posisyon ang pinto sa lugar kung saan ito ay nakaharap sa pagsikat ng araw. Pinaniniwalaan na ang sikat ng araw ay may dalang kasaganaan sa bahay.
2. Ang kusina ay ipatayo sa bahaging Silangan ng bahay
Ang pagpapatayo ng kusina sa bahaging Silangan ng bahay ay may hatid na suwerte, kasiyahan para sa lahat ng taong kakain ng mga pagkaing inihanda sa kusinang ito.
3. Huwag i-patayo ang banyo malapit sa kusina
Ilayo ang banyo sa kusina, bukod sa pinangangalagaan nito ang kalinisan ng pagkain. Paniniwalaan ng mga Pilipino na ang pagpapatayo ng banyo malapit sa kusina ay kawalan ng respeto sa pagiging sagrado ng pagkain.
4. Hindi dapat magkaharap ang mga pintuan
Kinakailangan na pag planuhan mabuti ang pagpoposisyon sa pintuan, lalo na sa mga kwarto. Ang pintuan ay dapat nakabukas sa gilid ng kama.
Hindi dapat nakatapat ang ang kama sa pintuan na tila ba palabas ito. Ayon sa paniniwala, ang ganitong gawi ay maaaring magpaiksi ng buhay ng taong natutulog dito.
5. Sikaping maging maaliwalas ang bahay
Kung magpapatayo ng bahay dapat maluwag ito at maayos na nakakaikot ang hangin. Ayon sa paniniwala ng ating mga ninuno ang aliwalas ay kabaligtaran ng kulob, tulad ng sa mga kweba kung saan namamahay ang mga maligno.
6. Magbaon ng mga medalya at barya sa pundasyon ng bahay
Ang paniniwalang ito ay may hatid di umano na suwerte. Ang mga barya bago man o luma ay makakatulong sa pagyaman ng pamilyang maninirahan sa bahay na pinapatayo.
7. Magbaon ng sili at asin sa mga pundasyon
Kung ang mga medalya at barya ay may hatid na yaman, ang pagbabaon naman ng mga sili at asin ay pantaboy sa masamang espiritu.
8. Magbaon ng mga lumang libro
Ang pagbabaon ng mga lumang libro habang pinapatayo ang bahay ay pinaniniwalaang may hatid na katalinuhan sa mga batang maninirahan dito. Maaari ding magbaon ng mga pahina na may kinalaman sa musika upang magkaroon ng harmony sa pamilya.
Kumplikado ito kung hindi tutugon sa mga experts pero narito ang ilang tips na puwede mo kaagad i-apply sa inyong household.
Pampaswerte sa bahay 2024: Feng Shui tips para ma-improve ang inyong bahay
- Maglagay ng mga cotton, plant at baskets dahil ito ay mga “yin” materials. Ito rin ay para ma-balanse ang mga metallic object sa inyong kusina.
- Palaging takpan ang inyong basurahan at ilagay ito sa kung saan hindi kaagad nakikita.
- Ang suggested colors naman para sa kusina ay puti upang maalis ang power of fire at green naman para ma-balance ang fire at water elements sa wood.
- Inirerekumenda rin ng mga expert na huwag itapat ang bukasan ng oven sa main entrance. Ito raw ay nakakaalis ng foul energy sa inyong kusina.
- Iwasang maglagay ng salamin malapit sa main door dahil kung ito ang unang makikita ng isang tao, ang intensity ng “chi” ay maba-block at magre-reflect agad palabas.
- Ang mga salamin ay representative din ng water element. Kaya naman ilagay ito kung saan kailangan ng water support gaya ng toilet o shower area.
- Pagdating naman sa lighting, mas mabuti kung maaliwalas ang lahat ng sulok ng inyong kwarto.
Pamahiin sa bahay: Mga dapat ilagay sa bawat bahagi ng bahay
Ayon naman kay Master Hanz Cua, narito ang mga bagay na puwede niyong ilagay sa bawat kwarto upang maging maswerte.
Kusina
- Dapat laging bukas din ang ilaw, bintana at pintuan. Kailangan ay maging maliwanag dito upang pumasok ang suwerte.
- Linisin ang mga lutuan para sa magandang kalusugan at itapon na ang mga basag o may bungi na plato at baso.
- Dapat puno ang bigasan, water dispenser, refrigerator, lalagyan ng asin at asukal, at LPG upang maging masagana.
Kwarto
- Magpalit ng punda, bed sheet at bumili ng bagong unan kung kinakailangan para pumasok ang bagong enerhiya.
- Maglagay din ng bagong laba na kurtina at ikabit ito nang maayos.
- Maaaring maglagay ng asin sa bedside table upang mapaalis ang malas.
- Dapat ay maglinis at alisin ang mga kalat. Maaari ding magsindi ng insenso.
Puwede bang maging malas ang inyong bahay?
Likas nang maraming pamahiin ang mga Pilipino. Mula sa mga maliliit na bagay tulad ng pagsabi ng “tabi-tabi po,” pati na sa pagsunod ng mga ilang pamahiin sa buntis, ay madalas sinusunod nating mga Pilipino. Isa na rito ang kung tawagin ay “oro plata mata” upang makaiwas sa malas na bahay.
Kadalasan ay hindi naman ito sineseryoso ng mga tao, ngunit ayon sa isang mag-asawa, ito raw ang nagdala ng matinding kamalasan sa kanilang pamilya.
BASAHIN:
Dapat bang sundin? 10 na pamahiin at paniniwala ng matatanda sa pagbubuntis
Malas na bahay, nagdala raw ng panganib sa isang pamilya
Ayon sa mag-asawang si Lolo Celestino at Lola Nati, noong unang itinayo ang kanilang tahanan ay nagbigay ito sa kanila ng kaligayahan.
Matapos lang raw ang anim na buwan ay nakapagpatayo na sila ng kanilang sariling bahay, at mabuti raw ang buhay ng kanilang pamilya. Ayon sa kanila, hindi naman raw nila kabisado ang mga pamahiin pagdating sa pagtatayo ng bahay. Pamilyar lang daw sila sa “oro plata mata” na pamahiin. Dahil dito, ipinaubaya na nila ang paggawa ng bahay sa mga construction worker.
Marami raw silang biyayang natanggap matapos maitayo ang kanilang tahanan. Mayroon raw silang tatlong jeepney, isang farm ng mga baboy, at nakapagpundar rin ng isang lote ng lupa.
Tila nabiyayaan nga ang mag-asawa ng swerte sa kanilang buhay. Ngunit di nila inakalang bigla na lang babaliktad ang buhay na kanilang kinagisnan.
Nagsunod-sunod bigla ang kamalasan
Noong 2003 raw ay nagulat ang mag-asawa nang mamatay ang isa sa kanilang mga anak. Nasaksak raw ito, at kakauwi lang mula sa Saudi. Dahil dito, napilitang magbenta ng ilang jeepney at baboy ang mag-asawa para sa gastusin sa abogado.
Sa kabutihang palad ay mayroon pa rin namang mapagkakakitaang mango farm ang mag-asawa, at sapat na ang kanilang kinikita mula dito.
Pero 2 linggo matapos mamatay ang kanilang anak, nagkaroon naman ng dengue ang isa nilang apo. Sa pagkakataong ito, kinailangan nilang gastusin sa ospital ang kinikita nila mula sa kanilang farm. Sa kabutihang palad ay nabuhay naman ang kanilang apo.
Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang kamalasan ng mag-asawa. 2 taon matapos ang mga insidente ay nagkaroon ng cervical cancer ang isa pa nilang anak. At matapos ang 2 taon ay pumanaw siya. Bukod dito, nasira ng bagyo ang kanilang inaasahan na farm.
Nakabawi rin naman silang mag-asawa, at nagdesisyon na gawing taniman ng palay ang kanilang dating mango farm.
Pero tila napaglaruan sila ng tadhana dahil ngayong taon lang ay namatay naman sa cancer ang kanilang nag-iisang nabubuhay na anak.
Malas daw ang kanilang bahay
Ayon sa isang pari, ang bahay raw nila ang nagdala ng malas sa kanilang pamilya, dahil sa pagkakagawa nito. Nakatutok raw kasi ang hagdanan sa pinto, kaya’t minalas silang mag-asawa.
Bukod dito, kahit raw sinunod nila ang “oro plata mata” nagkaroon naman ng 13 na hakbang ang hagdanan sa bahay. Ang 13 ay isa ring malas na numero, ayon sa pamahiin.
Dahil sa mga nangyaring ito, nagdesisyon ang mag-asawa na ipaayos na ang bahay at nagpakonsulta pa sa isang feng shui expert. Sana raw ay tumigil na ang kamalasan sa kanilang buhay, pero hindi rin nila maiwan ang kanilang tahanan dahil punong-puno raw ito ng masasayang alaala.
Pamahiin sa bahay: Mayroon nga bang malas na bahay?
Nakakalungkot ang kwento ng mag-asawang Lolo Celestino at Lola Nati. Ang isa siguro sa mga pinakakinakatakutan ng mga magulang ay ilibing ang sarili nilang mga anak, na nagawa ng mag-asawa ng tatlong beses.
Pero hindi rin naman natin masasabi kung malas nga ba o hindi ang kanilang tahanan. Wala namang tunay na basehan ang “malas” ayon sa siyensya, at hindi nga naman ito kapani-paniwala para sa ibang mga tao.
Kung tutuusin, wala rin namang masama kung sumunod sa mga pamahiin, lalo na kung sa tingin mo ay magbibigay ito ng peace of minda para sa iyo. Basta’t hindi ito nakakasama, o kaya ay hindi ka mapapagastos ng malaki, ay okay lang naman magpakonsulta sa mga feng shui expert at iba pa, upang maging kampante ka sa ipapatayo mong tahanan.
Ngunit kailangan rin nating tandaan na tayo rin ang gumagawa ng ating tadhana. At ang mahalaga ay gawin natin ang tama at mabuti, at huwag masyadong matakot sa kamalasan.
Pamahiing ginagawa ng mga Pilipino sa pagsalubong ng bagong taon
Kung ikaw ay kabilang sa isang pamilyang Pilipino, tiyak ay naranasan mo na ang mga sumusunod na pampaswerteng ito:
-
Pag-iingay sa pagsapit ng bagong taon
Kapag ang orasan ay tumuntong na sa ika 12 ng hatinggabi, kaliwa’t kanang ingay ang maririnig mo tuwing bagong taon. Hindi lamang ito paraan upang magsaya kundi pinaniniwalaang may hatid itong suwerte sa pamilya. Ang pagpupukpok ng kaserola, pagtotorotot, pagpapaputok ay pinaniniwalaang nagtataboy sa masamang espiritu.
Kasabay ng pag iingay na ito, ay ang pagbubukas ng lahat ng cabinets, pinto at bintana upang pumasok ang suwerte.
- Paghahanda ng 12 bilog na prutas
Kung nais mong maging swerte sa loob ng isang taon, siguraduhing mayroong 12 dalawang bilog na prutas sa hapagkainan pagsapit ng bagong taon. Ang 12 prutas na ito ay rumiripresenta 12 buwan na mayroon ang isang taon. Hatid nito ay kasiyahan at magandang kalusugan sa pamilya.
-
Magsuot ng mga damit na may polka dots
HIndi importante kung ano ang suot mo, basta ito ay mayroong polka dots na disenyo. ANg pagsusuot ng polka dots ay may hatid na yaman at kasaganaan.
-
Pagkain ng pancit
Sa bawat okasyon ay mayroong pancit, hindi lamang ito masarap may hatid ding swerte sa pamilya. Ang paghahanda ng pancit tuwing bagong taon ay pinaniniwalaang pampahaba ng buhay. Siguraduhin lamang na huwag putulin ang mga noodles bago ito kainin.
-
Lagyan ang pitaka at bulsa ng bagong pera
Ang paglalagay sa pitaka at bulsa ng bagong pera isa pa sa mga pamahiin ng mga Pinoy na pinaniniwalaang may hatid na swerte. Pinaniniwalaan na kapag ginawa ito hindi ka na mawawalan ng pera sa susunod na taon.
-
Pagtalon pagsapit ng bagong taon
Marami sa mga Pilipino ang lubos na naniniwala sa pamahiin na ito. Pinaniniwalaan na ang pagtalon pagsapit ng bagong taon ay makakatulong upang tumangkad ang isang tao.
-
Pagbabayad ng utang bago sumapit ang bagong taon
Pinaniniwalaan na importanteng mabayaran ang utang bago tumuntong sa susunod na taon, dahil maaari lamang mabitbit ang gawing ito at kinalaunan ay mas dumami pa ang pinagkakautangan.
-
Paglilinis ng bahay
Siguraduhing malinis ang bahay bago sumapit ang bagong taon. Ang paglilinis ng bahay ay may hatid na harmony sa pamilya para sa darating na taon, gayundin siguradong may hatid itong swerte.
-
Paghahagis ng barya papasok ng tahanan
ANg paghahagis ng baraya papasok ng tahanan tuwing bagong taon ay pinaniniwalaang may hatid na swerte. Pagkatapos ihagis ang barya hayaan muna at huwag pulutin hanggan kinabukasan.
-
Sikaping mapuno ang mga lagayan ng pagkain
Isa pang paraan upang masiguro ang swerte, ayon sa paniniwala ng mga Pilipino ay ang pagpupuni ng mga lagayan, halimbawa na lamang ay lagayan ng bigas. Isa umano ito sa paraan upang maghatid ng kasaganaan sa pamilya.
-
Iwasan ang pagkain ng manok at isda sa bagong taon
Sa Pilipinas iniiwasan ang paghahanda ng isda at manok tuwing bagong taon. Ang mga pagkaing ito ay pinaniniwalaang simbolo ng kahirapan at kakapusan. Kung ayaw maging isang kahig isang tuka tulad ng mga manok ay huwag itong ihain sa bagong taon.
-
Kumain ng mga kalamay o malagkit na pagkain sa bagong taon
Karamihan sa mga Pilipino ay may handang kalamay tuwing bagong taon, ito ay impluwensya ng mga Chinese at pinaniniwalaang may dalang swerte. Ayon sa mga paniniwala ang pagkain ng mga malagkit na pagkaing ito ay mas nagpapatibay sa samahan ng isang pamilya.
Iba pang mga pamahiin sa bahay na may hatid na malas ayon sa paniniwala ng mga Pinoy
- Pagwawalis tuwing gabi ay pinaniniwalaang nagtataboy ng swerte sa tahanan.
- Ang mga hagdan ay hindi divisible by 3 ang bilang ng mga baitang.
- Itim na paru-paro ay pinaniniwalaang may hatid na kamatayan.
- Hindi dapat nakatapat ang orasan sa pinto, dahil maaaring kumatok si kamatayan.
- Ang mga bahay na may dalawang palapag ay hindi dapat gawing isang palapag lamang dahil pinaikli nito ang buhay ng mga taong naninirahan doon.
- Isang paniniwala na ang mga salamin na nakaharap sa higaan ay may dalang malas.
- Sa tuwing dadaan sa mga liblib na lugar, kinakailangan na magsabi ng ‘tabi-tabi po’ upang hindi makatuwaan ng mga maligno.
- Iwasan ang pagkuha ng litrato ng tatlong tao, dahil posibleng mamatay ang nasa gitna.
- Huwag mag-uwi ng pagkain mula sa patay .
- Pagkatapos magpunta sa malamay, siguraduhing nakapag pagpag muna bago umuwi ng bahay upang hindi sumama ang espiritu ng patay.
Karagdagang ulat mula kay Joyce Vitug