Ang Pambansang Bae na si Alden Richards iniisip na rin ang magkaroon ng pamilya.
Pambansang Bae Alden Richards gusto muna ng kasal bago ang anak
Ngayong 31 na ang aktor, naisip na rin niya ang magkaroon ng sariling pamilya pagdating ng tamang panahon.
Nang magtanong ng talent manager na si Ogie Diaz,naitanong kung totoo bang wala pa rin jowa si Alden until now. Sinagot naman ito ng aktor sa YouTube channel ni Ogie.
“Wala talaga, Mama Ogs. Hindi naman sa hindi priority. Syempre po may mga pinagdaanan ako sa past, yung mga nakaraan. Hinanap ko siya (lovelife), ginusto ko siya,” paliwanag ni Alden
Pero parang hindi raw nagwowork pag hinahanap niya ang lovelife. Nagk
Asawa bago anak ang gusto ng aktor na si Alden Richards. Alamin Dito |Larawan mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz.
akaroon daw ng issue kapag pinilit ng binata, at mas mabilis pa daw ito na nawawala. Nabanggit rin ng Kapuso actor ang kagustuhan niya magkaroon ng asawa at sariling pamilya pag-abot niya sa edad na 35.
“Pero parang hindi nagwo-work kapag pinipilit ko. For some reason parang nagkakaroon ng ‘casualty’, I mean one way or another nagkakaroon ng issue. Ang sa akin naman po, the more siyang pinipilit, the more siyang nawawala.
Pero nabanggit ng aktor na plano niya pa rin ang magkaroon ng sariling pamilya.
“Pero nasa plano ko naman po ang magkapamilya,” saad ni Alden.
Gustong gusto daw ng pambansang bae ang magkaroon ng sariling anak dahil mahilig daw ito sa babies.
Dagdag pa niya, “Gustung-gusto ko talagang magkaroon ng mga babies po.”
Natanong naman ni Ogie kung pwede bang anak nalang, kahit walang maging asawa ang binata.
“Ay, gusto ko po may asawa. Mahirap po yung single parent. Tsaka ayoko pong i-deprive yung anak ko na lalaki siya na tatay lang yung kilala niya, gusto ko buo yung family niya.” sagot naman ni Alden sa tanong.
Nabanggit rin sa aktor ang walang katapusang gender issue pa tungkol sa kanya. Nasanay na lamang daw ito sa ganitong issue kaya hindi na lamang pinapansin ang mga paratang na ganito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!