Nakakatulong umano ang 'bacteria' upang lumakas ang immune system ni baby

lead image

Muli, ayon sa isang bagong pag-aaral, walang tutumbas sa naibibigay na benepisyo ng gatas ng ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bacteria na sinasabing pampalakas ng immune system ng bata mahalaga umanong makuha ng sanggol sa unang 100 days ng kaniyang buhay.

Mababasa sa artikulong ito:

Bacteria na pampalakas ng immune system ng bata

pampalakas ng immune system ng bata

Baby photo created by KamranAydinov – www.freepik.com 

Tayong mga magulang ninanais na laging malusog at walang sakit ang ating mga anak. Kaya naman hangga’t maaari ay sinisiguro natin na laging healthy ang mga pagkaing ibinibigay natin sa kanila. Ganoon din ang i-encourage sila na maging active sa pamamagitan ng paglalaro o pag-iexercise.

Pero base sa isang bagong pag-aaral, ang pagkakaroon ng healthy at malakas na immune system ay dapat sinisimulang ibigay sa isang bata sa unang 100 days ng kaniyang buhay matapos maipanganak.

Ito ay sa pamamagitan ng breastfeeding at sa isang strain ng friendly bacteria. Ang bacteria na ito ay tinatawag na Bifidobacterium infantis EVC001 o B. infantis.

Nakakaimpluwensiya ito sa immune system development ng isang sanggol. Nakakatulong din para mabawasan ang tiyansa niyang magkaroon ng allergy at autoimmune conditions.

Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na ginawa ng mga researcher mula sa University of California. Ang kanilang findings ay nakuha nila matapos i-analyze ang immune system ng 208 na mga breastfed babies, mula sa isang ospital sa Sweden mula noong 2014 hanggang 2019.

Gamit ang kanilang blood samples natuklasan nilang mas malakas ang immune system ng mga batang may mataas na level ng B. infantis bacteria sa kanilang tiyan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa tulong ng bacteria na ito ay name-metabolize ang beneficial sugars mula sa breastmilk na tinatawag na human milk oligosaccharides o HMOs.

Ang HMO nakakatulong sa development ng immune cell networks ng katawan at natutulungang maiwasan nito ang systemic inflammation.

Ano ang Bifidobacterium infantis?

Ang Bifidobacterium infantis o B. infantis ay isang friendly strain ng bacteria. Ito ay uri ng lactic acid bacteria na makikita sa ating oral cavity at gastrointestinal tract.

Ang bacteria na ito nakukuha ng isang sanggol mula sa breastmilk na nakakatulong para panatilihing healthy ang digestive tract niya. Ganoon din para gawing mas malakas ang katawan niya laban sa mga sakit, allergies at mga inflammatory disease.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pahayag ng mga eksperto, pasusuin ang mga bagong silang na sanggol

Baby photo created by valuavitaly – www.freepik.com 

Kaya naman dahil sa natuklasan, rekumendasyon ng mga eksperto, napakahalaga ng breastfeeding sa mga bagong panganak na sanggol. Dahil sa ito ang nangungunang paraaan bilang pampalakas ng immune system ng bata.

Lalong-lalo na sa unang 100 days ng kanilang buhay. Dahil sa tulong ng B. infantis bacteria na taglay nito ay maaaring magkaroon ng mas malakas na immune system ang isang sanggol hanggang sa kaniyang paglaki.

“More and more evidence is helping us understand how important the gut microbiome is in supporting the development of the immune system.

This is most critical during infancy and early life, specifically the first 100 days of life. The adult microbiome is relatively stable.

But a baby’s microbiome is adaptable and reflects a unique window of opportunity to influence lifelong health, including allergies, asthma, and other inflammatory diseases.”

Ito ang pahayag ni Elena Ivanina, isang gastroenterologist mula sa Hill Hospital, New York City, USA.

Samantala, kung ang breastfeeding naman ay hindi possible may paraan naman para makakuha pa rin ng nasabing bacteria ang isang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pamamagitan ito ng B. infantis supplement na kailangan ng payo at gabay ng iyong pediatrician bago ibigay kay baby. Sapagkat ayon pa rin kay Ivanina, maaari kasing may taglay itong allergen na imbis na makatulong sa iyong sanggol ay maaaring makasama pa sa kaniya.

Saan pa puwedeng makuha ang B. infantis bacteria?

Food photo created by rawpixel.com – www.freepik.com 

Dagdag pa niya, para naman maiwasan o mabawasan ang tiyansa ng isang sanggol na magkaroon ng autoimmune conditions at allergies, mahalaga na sa pagbubuntis ay laging healthy na ang kanilang kinakain.

Dapat din hanggat maaari ay gawin nila ang lahat para manganak ng normal. Siyempre, higit sa lahat ay ang magpasuso sa kanilang sanggol.

Kung pupuwede ay dapat iwasan din nila ang mga antibiotics. Sa halip, kumain ng mga pagkaing rich in probiotics o ang mga supplements na nagtataglay nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagdaan ng panahon, habang lumalaki ang isang bata ang bilang ng bacteriang ito sa kanilang tiyan ay nababawasan. Ito ay maaaring dahil sa mga pagkaing kanilang kinakain .

O kaya naman sa stress na nararanasan, pag-inom ng antibiotic at pagkakaroon ng sakit. Pero may paraan naman para muling ma-restore ang mga friendly bacteria na ito sa kanilang tiyan.

Ito ay sa pamamagitan ng mga pagkain na nagtataglay ng B. infantis bacteria. Tulad na lang ng mga yogurt, olives, sauerkraut, salami, at cheese. Ang mga pagkaing ito proven na pampalakas ng immune system ng bata.

Maaaring makita rin ito sa mga formula milk. Pero pagdating sa healthy amount nito, payo ng mga eksperto wala pa ring tutumbas mula sa gatas ng ina.

Sapagkat hindi lang naturang bacteria ang tinataglay nito kung hindi sari-saring nutrients. Ang mga ito mahalaga sa health at development ng isang sanggol hanggang sa paglaki niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Healthline