Hindi na bago sa atin ang pagkakaroon ng dark spots o pangingitim ng tuhod. Nagiging sanhi ito ng embarrassment para sa iilan lalo na kapag nakasuot sila ng shorts or favorite dress nila. Alamin natin kung ano ang sanhi ng pangingitim ng tuhod ng isang tao at anu-anong mga produkto ang maaaring gamitin pampaputi ng tuhod.
Scroll down para matuto nang higit pa!
Sanhi ng pangingitim ng tuhod
Ang pagngingitim ng tuhod ay pangkaraniwan na sa ating may lahing kayumanggi. Subalit may mga ilang tao ang nais na pantay na kulay at makinis ng tuhod.
Nakakadagdag ito sa self-confidence at isa ring paraan ng self-care. Bakit nga ba nangingitim ang tuhod ng isang tao? Narito ang ilan sa mga sanhi:
1. Hyperpigmentation
Ito ang isang condition sa balat na kung saan nagkakaroon ng dark spots ang isang tao. Tumutubo ito madalas sa tuhod, siko, batok, at mukha. Ito rin ay dahil sa sobrang melanin na pino-produce ng balat. Ang melanin ang nagbibigay sa balat ng kulay kayumanggi.
2. Pagbuild-up ng dead skin cells o libag sa tuhod
Kapag ang balat ay madalas hindi maayos na nalinisan, nagpapatong patong ang dead skin cells at nagkakaroon ng pangingitim.
3. Madalas na pagkiskis ng balat sa suot na pambaba
Kung ang isang tao ay madalas magsuot ng tight fitting jeans o tela na magaspang sa balat, malaki ang chance na mangitim ang tuhod.
4. Mga taong may Atopic Dermatitis o Eczema
Ito ay isang skin condition na kung saan nagkakaroon ng makati at pamumula ang balat. Isa itong skin rashes na madalas tumubo sa mga baby o bata, at pati na rin sa matatanda.
5. Matagal na pagbabad sa araw
Ang madalas na pagbabad sa araw ay nagiging dahilan ng sun damaged sa balat at isa sa dahilan bakit maitim ang tuhod. Ang UV rays na galing sa araw ang siyang responsible sa pangingitim ng balat.
Pampaputi Ng Tuhod: Best Brands Para Sa Maputi At Makinis Na Tuhod
6. Mga taong may Diabetes (Acanthosis Nigricans)
Kapag ang isang tao ay may sakit na diabetes, malimit na nagkakaroon sila ng dark patches sa siko, batok, kili-kili, leeg, at tuhod. Tinatawag itong Acanthosis Nigricans.
7. Pagkakaroon ng melasma habang nagbubuntis
May ilang nagbubuntis ang nagkakaroon ng darks spots na kadalasan tumutubo sa mukha, leeg, batok, kili-kili, siko, at tuhod. Ito ay dahil sa hormonal imbalance na nararanasan kapag nagbubuntis. Ang tawag sa darks spots na ito ay melasma.
8. Mga taong may PCOS (Polycystic Ovary Syndrome)
Isa rin ang mga taong may PCOS ang nakakaranas ng hormonal imbalance. Kaya nagkakaroon ng pangingitim ng ilang bahagi ng balat nila, kabilang na rito ang kili-kili, batok, siko, leeg, at tuhod.
9. Side effect ng iniinom na medication
Ang isang taong may certain medical condition at may maintenance medicine ay nakakaranas ng mild side effect pamin-minsan katulad ng pangingitim ng balat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
10. Mga taong nagkaroon ng malalim na sugat o naoperahan sa tuhod
Kapag naghilom ang sugat sa tuhod, nagkakaroon ito ng hyperpigmentation na sanhi ng pangingitim.
Top products na pampaputi ng tuhod
May mga produkto na ginagamit sa katawan upang tayo ay pumuti. Ang ilan sa mga ito ay maaari ring gamitin na pampaputi ng tuhod.
Products na pampaputi
| Belo Essentials Whitening Lotion with SPF30 Best fast-acting | | View Details | Bumili sa Shopee |
| GlutaMAX Lightening & Moisturizing Lotion with SPF 25 Best Moisturizing Whitening Lotion | | View Details | Bumili sa Shopee |
| Myra Classic Whitening Lotion Best Vitamin Lotion | | View Details | Bumili sa Shopee |
| Fresh Skinlab Milk White Salt Body Scrub Best Whitening Scrub | | View Details | Bumili sa Shopee |
| LUXE ORGANIX Velvet Salt Scrub Best Exfoliating | | View Details | Bumili sa Shopee |
| Garnier Bright Complete Vitamin C Serum Best Facial Serum | | View Details | Buy Now |
Best fast-acting
Pampaputi Ng Tuhod: Best Brands Para Sa Maputi At Makinis Na Tuhod | Belo
Bakit ito maganda?
Gawa ang lotion na ito sa kojic acid. Ang kojic acid ay isa sa mga kilalang component ng mga whitening products na effective bilang pampaputi. Mayroon din itong SPF 30 na nakakatulong upang maiwasan ang sun damage sa balat. Nagtataglay rin ito ng Vitamin D at Vitamin E na nagbibigay ng moisture at nagpapalusog ng skin.
Paano gagamitin?
Magpahid sa buong katawan especially sa tuhod. Gamitin dalawang beses sa isang araw para makita ang pagputi ng tuhod sa loob lamang ng 7 days.
Best Moisturizing Whitening Lotion
Pampaputi Ng Tuhod: Best Brands Para Sa Maputi At Makinis Na Tuhod | Glutamax
Bakit ito maganda?
Bukod sa effective bilang pampaputi ng balat, ang GlutaMAX Lightening and Moisturizing Lotion ay nagbibigay ng 24 hours na moisture. Hindi ka makakaranas ng dryness o mahapding pakiramdam sa pag gamit ng whitening product na ito. Mayroon din itong SPF 25 para protektahan ka mula sa harmful rays ng araw.
Bukod pa roon ay naglalaman ito ng premium glutathione na subok na sa pagpapaputi ng balat. Hinaluan din ito ng Vitamin B3 o Niacinamide na nakakatanggal ng blemishes, soybean extract at Superox C na fast-absorbing at nakakapagpanatili ng fresh na balat. Matutuwa ka rin sa texture nito dahil ito ay light at hindi malagkit sa balat.
Paano gagamitin?
Maglagay sa buong katawan lalo na sa sa bahaging expose palagi sa araw katulad ng tuhod. Gamitin ng dalawang beses bawat araw.
Best Vitamin Lotion
Pampaputi Ng Tuhod: Best Brands Para Sa Maputi At Makinis Na Tuhod | Myra
Bakit ito maganda?
Sino nga naman ang ayaw ng healthy at glowing skin? Kayang-kaya ibigay ‘yan ng ng Myra Classic Whitening Vitamin Lotion. Bukod sa whitening effect na mayroon ang formulation ng lotion na ito, mayroon itong Beauty Vitamins na talaga naman nagpapanatili ng magandang kalagayan ng balat.
Nagtataglay ito ng Vitamin E, Vitamin C, Vitamin B3, Vitamin B5, at Vitamin B6, kaya naman sure na sure kang maaachieve mo ang skin goals mo sa pag gamit nito! May taglay rin itong ActiLight na nakakapagpaputi at pinapantay ang kulay ng balat. Makikita ang pagputi sa loob lamang ng 7 days.
Paano gagamitin?
Maglagay ng dalawang beses sa isang araw particular na sa may tuhod. Gamitin araw-araw para makita ang resulta.
Best Whitening Scrub
Pampaputi Ng Tuhod: Best Brands Para Sa Maputi At Makinis Na Tuhod | Fresh
Bakit ito maganda?
Kung gusto mo naman gumamit ng body scrub para pampaputi ng tuhod, ang Fresh Milk White Body Scrub ang dapat mong gamitin. Ito ay may microbeads na gawa sa walnut na nagpapakinis at nagtatanggal ng dumi, oil, at dead skin cells sa balat. Mayroon itong natural milk protein na nagpapaputi ng balat.
Paano gagamitin?
Maglagay sa tuhod at imasahe sa loob ng limang minuto. Gamitin ng dalawang beses araw-araw at maglagay ng moisturizer pagkatapos.
Best Exfoliating
Pampaputi Ng Tuhod: Best Brands Para Sa Maputi At Makinis Na Tuhod | Luxe Organix
Bakit ito maganda?
Para maalis ang dead skin cells na sanhi ng pangingitim ng tuhod, gumamit ng Luxe Organix Body Scrub. Ito ay may natural aloe vera at snail extract na nagpapaputi at nagtatanggal ng dead skin cells. Mayroon din itong Niacinamide para sa healthier, malambot, makinis at brighter na balat.
Paano gagamitin?
Maglagay sa kamay ng sapat na dami para sa dalawang tuhod. Ilagay at ikuskus ito ng dahan-dahan sa mga tuhod para maalis ang dead skin cells. Gamitin ito araw-araw para sa mabilis na pampaputi ng tuhod.
Best Whitening Serum
Pampaputi Ng Tuhod: Best Brands Para Sa Maputi At Makinis Na Tuhod | Garnier
Bakit ito maganda?
Ang Garnier Light Complte Vitamin C Serum ay sadyang ginawa para sa dark spots o nangingitim na balat sa katawan at mukha. Ito ay may 30x na Vitamin C kumpara sa ibang produkto. Ito rin ay nag-iiwan ng non-oily at non-greasy feel sa balat.
Nagbibigay ito ng instant glow at nababawasan ang pangingitim ng balat sa loob lamang ng 3 araw. Suitable rin ito sa lahat ng skin type. Dermatologically tested rin ito kaya naman hindi ka mangangamba kung ito ay iyong gagamitin.
Paano gagamitin?
Linisin ang tuhod at patuyuin. Maglagay ng thin amount sa kamay at ipahid sa tuhod. Imasahe sa loob ng limang minute. Gamitin ito araw-araw para mabilis na pagputi ng tuhod.
Price Comparison Table
|
Brand |
Pack size |
Price |
Price per g or ml |
Belo |
200 ml |
Php 265.00 |
Php 1.33 |
Glutamax |
90 ml |
Php 290.00 |
Php 3.22 |
Myra |
400 ml |
Php 326.00 |
Php 0.82 |
Fresh Skinlab |
300 g |
Php 109.00 |
Php 0.36 |
Luxe Organix |
300 g |
Php 99.00 |
Php 0.33 |
Garnier |
15 ml |
Php 349.00 |
Php 23.27 |
Mga dapat gawin para maiwasan ang pangingitim ng tuhod
May mga ilang paraan para maiwasan ang maitim na tuhod. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:
- Paglalagay ng moisturizing cream o lotion upang ito ay maging malambot at makinis.
- Pag-apply ng sunscreen tuwing lalabas ng bahay na naka-expose ang tuhod. Gumamit ng sunscreen na may tamang SPF sa balat para maiwasan ang skin irritation.
- Magsuot ng presko at maluluwang na damit lalo na kapag summer. Iwasan ang tight fitting jeans kung maaari.
- Iwasan ang pagbabad sa araw para maiwasan ang sun damaged na isa sa dahilan ng pangingitim ng tuhod.
- Gumamit ng exfoliating products na may natural microbeads para maalis ang dead skin cells sa tuhod.
- Gumamit ng moisturizer sa tuhod na may skin lightening para pumuti at kuminis ang tuhod.
- May mga over-the-counter na mga whitening product sa katawan na applicable gamitin sa bilang pampaputi ng tuhod. Bago gumamit ng mga ito, siguraduhing kumunsulta muna sa doktor kung ikaw ay may medical condition.