Pampatangos ng ilong procedure na magpapaganda dapat sa ilong ng isang 13-anyos na dalaga, naging dahilan para mabulag ang isang mata niya.
Pampatangos ng ilong procedure
Imbis na lalong gumanda ay binulag pa ng isang non-surgical procedure ang mata ng isang dalaga sa Vietnam.
Ayon sa isang report, ay hindi alam ng mga magulang ng dalaga na dadaan ito sa procedure na pampatangos ng ilong. Bagamat aware sila na hindi ito masaya sa itsura ng ilong niya.
Kwento ng dalaga ay wala din naman daw talaga sa plano niya na ipagawa ang ilong niya. Ngunit nakumbinsi siya ng may-ari ng spa na kaniyang pinuntahan matapos siya nitong offeran ng installment plan sa pagbabayad sa ginawang procedure. Ang procedure ay nagkakahalaga ng 2 million Vietnamese dong o kulang-kulang P4,500.00.
Non-surgical rhinoplasty gamit ang nose fillers
Ang pampatangos ng ilong procedure na isinagawa sa kaniya ay tinatawag na non-surgical rhinoplasty o kilala sa tawag na “liquid nose job”. Ito ay isang minimally invasive procedure na kung saan ini-injectionan lang ng fillers o hyaluronic acid ang ilong para maisaayos ang hugis o itsura nito.
Akala ng dalaga ay naka-jackpot na siya sa offer ng spa-owner sa kaniya. Hindi niya akalaing imbis na mas gumanda ay magdudulot pa pala ito ng probrema na labis na pagsisisihan niya.
Dahil matapos ang 30-minutes ng ma-injectionan ng nose fillers ay nakaramdam umano ng pananakit sa kanang mata ang dalaga. Ito ay sinabayan pa ng sakit ng ulo at nausea. Dito niya na tinawagan ang kaniyang pamilya at ipinaalam ang pinagdaanan niya.
Ayon sa doktor na tumingin sa kaniya na kinilalang si Than Trong Tuy, ang hyaluronic acid na ininject sa mata ng dalaga ay napunta daw sa kanang mata niya. Dahil dito ay nabara ang blood vessel sa kaniyang mata na naging dahilan para ma-deprived ng oxygen ang kaniyang retina. At ito ay nauwi sa tuluyang pagkabulag ng kanang mata niya. Maliban dito ay nakaranas din daw ng sign of necrosis o tissue death ang dalaga sa bandang noo at ilong nito.
Sa ngayon ay tumatanggap na ng treatment ang dalaga mula sa ginawang pamtangos ng ilong procedure sa kaniya. Ngunit ayon sa kaniyang doktor ay mababa ang tiyansang mabalik pa ang paningin ng kanang mata niya na labis na naapektuhan sa nangyari.
Kaso sa Pilipinas
Dito sa Pilipinas, isa ang non-surgical rhinoplasty sa mga nose job procedure na pinipili ng karamihan dahil sa ito ay hindi na nangangailangan ng surgery. At sa loob lamang ng 15-20 minuto ay maari ng makita ang resulta nito. Ngunit magkaganoon man, ang non-surgical procedure na ito ay may dulot ding peligro sa kalusugan at katawan ng isang taong susubok nito. Ito ay ang sumusunod:
- Vascular occlusions na maaring mauwi sa necrosis o tissue death
- Scarring
- Pagkabulag
Isa nga sa kilalang Pinoy na nakaranas nito ay ang singer na si Moira Dela Torre.
Sa isang press conference niya noong Agosto ay ikinuwento ni Moira ang pinagdaanan niya dahil sa nagkamaling non-surgical rhinoplasty.
“Well, basically, may nagkamali. And my nose went on necrosis. And it was a very simple procedure. It’s non-invasive. But it went wrong.”
“Hindi po siya naagapan agad because we had no idea what was happening. I was at high risk of being blind, of aneurysm, of heart attack, and stroke.”
Ito ang pahayag ni Moira sa kaniyang pinagdaanan. Para nga daw tuluyang gumaling o mag-recover mula sa nasabing pagkakamali sa ginawang nose job sa kaniya ay kinailangan niyang magpahinga ng tatlong buwan na nakaapekto sa trabaho niya.
Paalala sa mga kababaihan
Samantala, ang mga nabanggit na komplikasyong ay nararanasan lamang kung nagkakaroon ng pagkakamali sa pag-iinject ng nose fillers. Ngunit ayon sa mga surgeon, ang procedure ay 100% safe lalo na kung gagawin ng isang certified at lisensyadong doktor. Kaya naman kung naiisipang subukan ito o ng kahit ano pang medical o surgical procedure ay mas mabuting komunsulta muna sa isang doktor. Mabuti ring magtanong-tanong muna sa mga kakilalang nakasubok na nito. Upang malaman ang kanilang karanasan at para matukoy kung ito nga ba ang procedure na safe at swak para sayo.
Source: AsiaOne, Inquirer News, Huffington Post
Photo: Freepik
Basahin: How To Increase Breast Size Without Surgery
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!