May mga taong nalilito kung ano nga ba ang pagkakaiba ng Pancit Palabok at Pancit Malabon. Marami ang nako-confuse dahil halos parehas lamang ang itsura ng dalawang putahe. Ang pagkakaiba ng dalawa ay ang ginagamit na noodles. Ang Pancit Malabon ay gumagamit ng rice noodles na mataba. Whereas sa Pancit Palabok ang ginagamit na noodles ay ‘yung payat na pancit bihon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sangkap sa pagluluto ng Pancit Palabok
- Paraan ng pagluluto sa Pancit Palabok
Pancit Palabok vs. Pancit Malabon, ano ang pagkakaiba ng dalawa?
Isa pang pagkakaiba, sa Pancit Malabon ang sauce ay hinahalo na sa noodles before it is served. Samantalang ang palabok, inilalagay sa plato or platter and noodles at saka ibubuhos ang sauce on top of it.
Isa pang pagkakaiba ng dalawa ay, ang Pancit Malabon ay walang sauce. In fact, it has just enough sauce to coat the noodles. Samantalang ang Pancit Palabok, mas saucy.
Halos nagsu-swimming sa sauce iyong noodles. Isa pa, ang sauce ng Palabok is thicker and richer dahil it is usually flavored with crab fat o taba ng talangka and/or alimasag.
They both have a lot of different toppings. Pero ang Pancit Malabon ay gumagamit ng mas maraming shelfish katulad ng hipon (shrimps), tahong (mussels) and even talaba (oysters). Sinasahugan din ito ng pusit (squids).
Katulad ng Pancit Malabon, Palabok gets its orange color from the atsuwete that’s generously used in the dish. Palabok mixes different proteins. May seafood na, like hipon, may pork pa at minsan, hinahaluan pa ng chicken.
Palabok is saucy, creamy, but also crunchy at the same time dahil may kahalo ring chicharon and crunchy toasted garlic as toppings. Ang pagamit ng patis as pantimpla gives the sauce a deep umami taste.
Aside from the bright orange color of the sauce that already makes it looks appetizing, the way the different toppings are arranged and piled up makes anyone who sees a plate of Palabok wants to gobble it all up. Usually eaten as a merienda or snack any day of the year, Pancit Palabok is also a favorite fare for birthday parties and other special occasions.
Gagawin naming madali sa inyo ang pagluluto nito.
BASAHIN:
Ang reyna ng streetfood na Kwek-kwek na pinasarap ng special manong sauce
Palabok Recipe
Mga Sangkap Palabok recipe (Ingredients):
- 500 grams Bihon noodles
For the Sauce:
- 2 kutsarang mantika
- ¼ kilo giniling na baboy
- 1 kutsarang atswete powder 3 cups water
- 1 shrimp buillon cube
- 5 kutsarang harina dissolved in ¾ cup water 2 kutsarang patis
- ¼ kutsaritang pamintang durog
Para sa toppings:
- ¼ kilo pork, thinly sliced, boiled with salted water until tender
- ½ cup dinurog na chitcharon
- ¼ cup flaked tinapa, slightly fried
- 2 pirasong tokwa, slightly fried, cut into small cubes 2 hard-boiled eggs, peeled, sliced
- ½ cup shrimps, steamed, sliced in halves
- ¼ cup fresh sibuyas na mura (green onion) 2 kutsarang toasted garlic
- Sliced calamansi or lemon
Paraan ng Pagluluto Pancit Palabok recipe (Procedure):
- Ibabad ang bihon noodles sa tubig, about 15 minutes. Drain. Itabi muna.
- Sa kawali, painitin ang mantika. Ilagay ang giniling na baboy. Haluin. Cook until slightly golden brown, about 8 minutes
- Ihalo ang annatto/atsuwete powder sa tatlong basong tubig. Ihalo sa nilulutong giniling. Pakuluin.
- Ilagay ang shrimp cube. Tunawin. Simmer for a couple of minutes.
- Unti-unting ibuhos ang tinunaw na harina habang hinahalo.
- Ilagay ang patis at pamintang durog. Simmer hanggang sa lumapot ang sauce.
- Magpakulo ng tubig sa malaking kaldero. Ilagay ang binabad na noodles, haluin and strain quickly. Make sure it’s cooked but still firm at hindi malabsak.
- Ilagay ang noodles sa plato or platter. Pour the sauce on the noodles.
- Ibudbod ang dinurog na chitcharon, and tinapa flakes. Add tokwa.
- Arrange the sliced eggs and shrimps on top. Sprinkle sliced green onions and toasted garlic.
- Serve with slices of calamansi or lemon.