Pancit o pansit? Isang letra lang ang pinagkaiba. Pero pareho ng ibig sabihin. It’s rice noodles na maraming sahog like (laman, atay, puso ng)manok, baboy, hipon, at may kasama pang mga gulay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sangkap o ingredients sa Pancit Bihon Guisado recipe
- Paraan ng pagluluto ng Pancit Bihon Guisado
Always present sa mga handaan pag may birthday celebration kasi ang paniniwala ng mga Pinoy, kapag naghanda ka ng pancit sa iyong kaarawan, hahaba ang buhay mo. Kaya traditionally, pag nagluluto ng pancit, hindi ito ginugupit o pinuputol.
Pancit Bihon Guisado na love na love ng mga Pinoy
Ang mga Chinese ang nag-introduce ng noodles or pancit dito sa Pilipinas long before dumating ang mga Espanyol sa ating bayan. Ang salitang pancit ay mula sa Hokkien phrase pian isit na ang ibig sabihin ay konbinyente o mabilis lutuin.
Sa Ingles ang tawag nila sa ganitong pagluluto ay stir fry. Sa atin, ang equivalent nito ay ‘yung tinatawag nating guisado–which of course comes from the word gisa which literally translates to saute’.
Pancit is a complete meal by itself. You get your carbs from the noodles, your protein from the chicken, pork, etc. and of course your dose of healthy vegetables. All in one plate! But believe it or not, may mga kakilala ako na ginagawang ulam sa kanin ang pansit. O, debah, carbs overload, anyone?
Larawan mula sa iStock
Pancit na yata ang pinakamaraming variations sa lahat ng lutuing Pinoy. Kasi nga iba’t ibang klase ng noodles ang gamit sa iba’t ibang bersyon ng pagluluto. Pero ang tawag sa kanilang lahat ay pancit. Sa Wikipedia nga, nakalista ang limampu’t limang klase o variations ng pancit.
Kabilang na dito ang Pancit Alanganin ng Bulacan, Pancit Bato ng Bicol, Pansit Pusit ng Cavite, at Pancit Mayaman ng Guinayangan sa probinsya ng Quezon. But here, we will do the recipe for Pancit Bihon Guisado. Ito ang pagkain na totoong busog-lusog!
BASAHIN:
Easy to make Beef Mechado recipe na mae-enjoy ng buong pamilya!
Sinigang na Bangus sa Bayabas: Healthy Sinigang Dish ng mga Kapampangan
Crispy Pata Recipe: Ang crunchy crispy pork knuckle na love ng mga Pinoy!
Pancit Bihon Guisado recipe
Mga sangkap (Ingredients):
Larawan mula sa iStock
- ¼ kilo (250 grams) pork, cut into thin slices
- ½ tasang tubig
- 3 kutsarang mantika
- 1 kutsarang tinadtad na bawang
- 4 pieces atay at puso ng manok, cut into small chunks
- 1 medium sibuyas na puti, chopped
- 2 tasang shredded repolyo Salt and pepper to taste
- 1 piece boneless chicken breast, cut into thin slices
- 2 tasang chicken broth (or water with 1 chicken cube dissolved)
- 1 kutsarang patis
- 2 tasang bitsuwelas, cut into ¼ inch pieces 1 medium carrot, cut into strips
- 1 tasang sliced celery
- ½ kilo (500 grams) Pancit Bihon 1 kutsarang toyo
- 1 bunch sibuyas na mura (green onion) sliced thin diagonally, for garnish
Paraan ng Pagluluto (Procedure):
Larawan mula sa iStock
- Sa malaking kawali, maglagay ng kalahating tasa ng tubig. Ilagay ang thin slices of pork. Cook until tender. Set aside.
- Heat the same pan, ilagay ang mantika. Igisa ang bawang at sibuyas for a few minutes.
- Ilagay ang slices of chicken breast. Cook through for a few minutes. Ilagay ang atay at puso ng manok. Lutuin ng dalawang minuto. Add slices of cooked pork. Haluin.
- Pour chicken broth. Stir.
- Add patis. Bring to a boil. Ilagay ang bitsuwelas, carrots, celery. Cook until almost tender, about 4 minutes
- Drain the bihon. Marahang ilagay ang bihon sa sabaw. Keep stirring. Add soy sauce, this will give the noodles a light color. Ilagay ang shredded repolyo. Mix well.
- Season with salt and pepper to taste. Add more liquid if the noodles still look too dry.
- Sprinkle thin slices of green onion on top.
- Serve with calamansi sliced in half.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!