Isang ina ang kasalukuyang nasa kulungan matapos mapag-alamang guilty siya sa pang-aabuso ng sanggol. Ayon pa sa ina, ito raw ay dahil wala siyang nararamdamang pagmamahal para sa sarili niyang anak.
18 buwan na niyang ginagawa ang pang-aabuso ng sanggol
Ang mag-ina ay nagmula sa Istanbul, Turkey, at napag-alaman ng mga awtoridad na napakaraming pang-aabuso ang ginawa ng ina sa kaniyang anak.
Naging biktima raw ang sanggol ng pambubugbog, paghiwa gamit ng blade, at kung anu-ano pang pang-aabuso.
Dinagdag pa ng ina na noong 1-buwan pa lamang ang kaniyang anak ay tinuturukan niya ito ng bleach at sabon sa tenga, ilong, at puso hanggang nagsimula raw itong magdugo. Pagkatapos raw ay dinala niya ang bata sa ospital upang gamutin, pero hindi pa rin dito tumigil ang pang-aabuso.
18 buwan raw niyang ginawa ang pag-torture sa sanggol, at sinabi niyang nagawa niya ito dahil hindi siya nakaramdam ng pagmamahal sa bata.
Naloko pa raw niya ang mga pulis
Ang ama ng bata, na isang doktor, ay nagtaka kung bakit puno ng pasa at nagdudugo ang katawan ng kaniyang anak. Ngunit hindi niya agad naisip na ang asawa niya ang may gawa nito.
Naghinala rin ang mga awtoridad, dahil paulit-ulit raw na nagpupunta sa ospital ang bata. Ngunit nang kausapin ng mga pulis ang ina, naloko niya ang mga pulis at hindi siya agad hinuli o kinasuhan.
Ngunit nang maulit nanaman ang pagdala ng sanggol sa ospital, tumanggi na ang mga doktor na hayaang makita ng ina ang sanggol. Katagalan, umamin na sa mga kasalanan ang ina, at sinabin nakonsyensya raw siya sa kaniyang mga ginawa.
Patong-patong na kaso ang isasampa laban sa ina, at kasalukuyan siyang nasa kulungan. Ang sanggol naman ay nasa pangangalaga ng kaniyang ama.
Paano maiiwasan ang pang-aabuso sa mga bata?
Napaka-importante ang buhay ng mga bata. Sila ay dapat alagaan at buhusan ng pagmamahal ng kanilang mga magulang.
Kaya’t kapag mayroong insidente ng pang-aabuso ng bata na nagaganap, kailangang gawin natin ang ating makakaya upang pigilan ito.
Heto ang ilang mga hakbang upang pigilan ang child abuse.
- Kapag nakakita ka ng senyales ng pang-aabuso, huwag mag-atubiling lumapit sa mga pulis
- Protektahan ang mga batang sinasaktan o minamaltrato ng kanilang mga magulang
- Kapag mainit ang iyong ulo sa iyong anak, magpalamig muna bago sila kausapin o pagsabihan
- Huwag na huwag pagbuhatan ng kamay ang iyong anak
- Iwasan ring sigawan ang iyong anak
- Turuan ang iyong mga anak na maging mapagmahal at mapag-unawa ng iba
- Tandaan, hindi pa lubos na naiintindihan ng mga bata ang kanilang mga ginagawa. Kaya’t mahalagang intindihin at unawain sila.
Source: Mirror
Basahin: Sanggol, pinatay ng magulang at isinilid sa loob ng freezer
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!