Natural sa bata ang maging mahilig sa hayop. Ito ang dahilan kung bakit marami rin sa kanila ang hindi tatagal makapanuod ng pang-aabuso sa hayop. Ngunit, sa isang viral video mula China, tinangkang patayin ng isang ama ang tuta ng anak sa harap mismo ng bata. Ang video ay mula sa CCTV ng isang veterinary clinic sa Anhui, China.
Mahal na medical bills
Ayon sa ama, binilhan niya ng tuta ang kanyang anak dahil narin sa pagmamaka-awa nito. Ngunit, para makatipid ay bumili ito ng murang tuta na may mga prublema pala sa kalusugan.
Sa kwento ng beterinaryo, mayroon itong sakit sa sakit sa puso. Dumaan ito sa apat na araw na treatment bago ang insidente. Subalit, ang medical bills ng aso ay umabot na sa 500 hanggang 600 Yuan (P3,600-P4,400). Nagkasundo ang duktor at ang ama na hindi na kailangang bayaran ang medical bills kung mamatay ang tuta. Nang bahagyang bumuti ang kalagayan ng tuta, kinailangan nito ng karagdagang treatment. Dahil dito, madadagdagan pa ng 300 Yuan (P2,200) kailangang bayaran.
Dahil sa laki ng nagiging gastusin, nagpasya ang tatay na ilabas na ng veterinary clinic ang tuta. Subalit, nang sinabihan na kailangan munang bayaran ang balanse sa bills, nagwala na ang tatay.
Pang-aabuso sa hayop
“Kapag namatay ang aso, hindi ko kailangang magbayad, di ba?” Ito ang mga salitang binitawan ng ama bago kunin ang aso sa kamay ng beterinaryo.
Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagbalibag ng tatay sa aso. Dito na pinagbubugbog ng tatay ang tuta sa tangkang pagpatay dito nang hindi na siya gumastos pa. Nangyari ang mga ito sa harap ng kanyang anak na siyang amo ng tuta.
Sa paulit-ulit na pagsipa ng tatay, pilit prinotektahan ng bata ang kanyang tuta. Hinarangan niya ito hanggang sa itinutulak niya na palayo ang kanyang ama para matigil ang pang-aabuso sa hayop.
Sa pag-viral ng CCTV, marami ang nagalit sa ama sa kanyang mga naging aksyon. Ayon sa mga netizens, hindi karapatdapat mag-alaga ng aso ang nasabing ama. Ang aso ay isang responsibilidad at kung hindi ito kayang gampanan, huwag kumuha ng aso.
Sa kabutihang palad ay nag-survive ang aso matapos ang mga pangyayari. Siya ngayon ay nasa maayos na kalagayan na.
Basahin din: Ayon sa mga pag-aaral, pag-aalaga ng aso, nakakapagpahaba ng buhay
Source: Asia One
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!