Kahit na alam nating hindi tama, ang kaso sa pang aabuso sa kababaihan ay patuloy pa rin na tumataas hanggang ngayon. Hindi na ito bago sa ating pandinig ngunit isa itong tagpo na kailangang matigil at itigil ng mga mapang-abuso.
Matapos ang limang taong pagtitiis at paniniwalang maaayos ang kanilang relasyon, nakawala na rin sa pang-aabuso mula sa kaniyang partner ang 24-year-old na si Kayla Schramm.
“I️ painted the most beautiful picture of our family while living the horror.”
Matapang na ibinahagi ni Kayla ang kaniyang limang taon na naging karanasan sa puder ng partner nito. Kayaga ng iba, isa siyang tipikal na babaeng nangangarap magkaroon ng masayang pamilya.
Ngunit hindi niya akalain na mamumuhay pala siya sa takot at sakit.
Pang aabuso sa kababaihan | Image from iStock
Bukod sa unang taon ng kanilang pagsasama, marami agad siyang naranasan. Unang beses ng pagsisinungaling, unang pangangaliwa, unang pagdapo ng mabigat nitong kamay sa mukha niya. Ang mga unang beses na ito ay nasundan pa ng nasundan.
“I spent the last five years of my life only seeing what I️ wanted to see, despite living the abuse and toxicity. I️ painted the most beautiful picture of our family while living the horror. Never once did I️ label myself in a domestic relationship. For every first, there was countless seconds, thirds and so on. I️ didn’t see him as an abuser, I️ saw him as my partner, someone I️ needed and someone who needed me.”
Sobra-sobra ang kaniyang pagtitiis sa relasyon nila ngunit naghihintay pa rin siya ng positibong mangyayari. Pinalaki rin niya ang isang batang hindi naman niya kadugo dahil sa pagmamahal sa kaniyang partner.
Tiniis niya lahat ng masamang naranasan sa partner dahil sa pag-asa na maaaring mabago niya ito at maging masaya na ang pag-sasama. “I️ thought I️ could fix him. That he just needed someone there for him to truly care for him. I️ blurred out those memories every time and continued with the picture of our future. I️ thought if no one knew, it wasn’t a big deal. It was just one of those relationship problems we work on together.”
Pang aabuso sa kababaihan | Image from Unsplash
Naalala pa niya ang pagkakataon na hinampas nito ang kaniyang ulo sa pader at pilit na sinasakal sa ibabaw ng kama. Pilit na sinasabing, gusto na siya nitong mamatay.
Nabanggit din niya na dumoble ang takot niya nang ito ay bumili ng baril. Kapag alam niyang mag-aaway o sasaktan siya nito, agad niyang tinatago ang baril dahil sa takot na maaari siyang mabaril at mapatay ng partner niya.
“The feelings I had never made sense. I would love this man even after I was terrified of him. I would love this man, but still hide his gun every time I knew an argument was coming. And I would love this man, but I never trusted him. He showed why I should never trust him. He showed me why I should be afraid of him. And he showed me so many things, except a reason to stay… but I still did. This was a man I️ would’ve gave my last breathe for, but chances are he’d be the one taking it from me.”
Umabot ng halos 90k shares ang kaniyang Facebook post tungkol sa kaniyang naging karanasan sa abusive partner nito. Nagbigay ito ng mensahe sa ibang kababaihan na nakakaranas ng pang-aabuso.
Limang taon na pagtitiis, ngunit ngayon ay handa na siyang kumawa sa pang-aabuso mula sa kaniyang partner. “I️ am ready to start a new chapter of my life, the only way to do that was to stop skipping over the lines of the last one.”
#domesticviolence
I️ remember the first time I️ looked at him with admiration, the first of many butterflies.
I️…
Posted by Kayla Schramm on Friday, June 19, 2020
Kaso sa pananakit ng asawa
Ang Republic Act 9262 o mas kilala bilang Violence Against Women and their Children Act of 2004 ay isang kasong kailangang isampa sa mga mapang-abusong partner katulad ng:
- Legal na asawa o dating asawa
- Live-in partner o dating live-in parter
- Boyfriend/Girlfriend o ex-boyfriend/ex-girlfriend
- Dating partner o former partner
Maaari namang magsampa ng kaso bukod sa mga biktima ang:
- Magulang/guardian
- Grandparents
- Anak o apo
- Iba pang kamag-anak (Tito, tita, in-law, pinsan)
- DSWD workers
- Police
- Lawyers
- Health care providers
- Local officials
Pumapasok sa Republic Act 9262 kapag ikaw ay berbal, emosyonal, sekswal, economic o pisikal na inaabuso ng iyong partner. Mahigpit na pinoprotektahan nito ang mga kababaihan at bata. Ngunit pwede ring masampahan ng kaso ang mga partner na lesbian o girlfriend, former man ‘yan o kasalukuyan.
Pang aabuso sa kababaihan | Image from Dreamstime
Habang ang mga inaabusong lalaki naman ay maaaring mag complaint under Revised Penal Code.
Sa ilalim ng batas na ito, maaaring mag apply ng ‘Protection Order’ ang mga magsasampa ng kaso. Kung sakaling makumpirmang may sala o talagang nananakit ang akusado, maaaring umabot ang kaniyang pagkakakulong mula 20 years, depende sa kaniyang kinakaharap na kaso. Maaari namang magbayad ng danyos mula 100,000 pesos hanggang 300,000 pesos.
Bukod rito, kailangan ring dumaan siya sa psychological counseling o psychiatric treatment.
BASAHIN:
Papatawarin ko ba ang asawa ko kahit sinasaktan niya ako physically?
BEWARE: Trending challenge sa TikTok, dahilan ng pagka-overdose at death ng mga bata
Mister: “Bakit ko kailangan bigyan ng allowance ang misis ko? E, ako naman gumagastos sa lahat!”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!