Baby Nasal Aspirator: Produkto Na Pang Sipsip Ng Sipon At Paano Ito Gamitin

Namomroblema ka ba baradong ilong ng iyong chikiting? Narito ang ilang pang sipsip ng sipon ng baby at kung paano sila gamitin.

Talaga namang dagdag problema ang hindi matanggal-tanggal na sipon ni baby. Kaya ang resulta? Baradong ilong na dahilan ng discomfort at hindi maayos na paghinga.

Subalit alam niyo bang hindi lamang pag-inom ng gamot ang solusyon para mawala ang sipon ng inyong chikiting? May baby nasal aspirator sa market na makakatulong na pang sipsip ng kanilang sipon. Kung kailangan ito ng iyong little one, keep on scrolling para malaman mo ang aming recommended brands ng baby nasal aspirator na mabibili mo online!

Baby Nasal Aspirator: Best At Baby-Safe Brands Na Pangsipsip Ng Sipon | Image from iStock

Sanhi ng sipon sa bata

Ang pagkakaroon ng sipon sa bata ay isang pangkaraniwang sakit para sa kanila. Pero kailangan itong bigyang pansin dahil kung papabayaan, maaari itong lumala at mapunta sa seryosong sakit.

Prolema rin ang sipon dahil bumabara ang ilong ni baby dahilan para hindi ito makahinga. Kaya ano ba ang sanhi ng sipon ng bata?

Ang sipon o cold sa bata ay isang upper respiratory infection na sanhi ng virus. Naipapasa ito sa kanila ng mga taong may sipon o ubo sa pamamagitan ng maliliit na droplets.

Sintomas ng sipon sa bata

  • Baradong ilong
  • Pagbahing
  • Pagkakaroon ng sinat o lagnat
  • Tuyong ubo
  • Runny nose
  • Fatigue
  • Pagkawala ng ganang kumain
  • Iritable
  • Hirap sa pagtulog

Best baby nasal aspirator brands

Nasal aspirator ng baby
Chicco Traditional Nasal Aspirator
Best for Newborns
Buy Now
Orange and Peach Nasal Cleaner
Best travel-friendly
Buy Now
Combi Nose Aspirator
Best automatic
Buy Now
NoseFrida Nasal Aspirator
Best Pedia-recommended
Buy Now
Babymate Nasal Aspirator
Best easy-to-use
Buy Now
Graco Nasal aspirator
Best musical
Buy Now

Maraming mommy ang mas pinipinili ang gumamit ng pang sipsip ng sipon o nasal aspirator ng baby dahil ayon sa kanila, hindi na nila kailangang gumastos ng malaki para sa gamot sa sipon ng bata. Natural na paraan rin ito para matanggal ang sipon ng kanilang anak.

Narito ang ilang nasal aspirator na maaari mong bilhin at siguradong makakatulong sa baradong ilong ni baby.

Chicco Traditional Nasal Aspirator

Best for Newborns

Baby Nasal Aspirator: Best At Baby-Safe Brands Na Pangsipsip Ng Sipon | Chicco

Bakit ito maganda?

Una sa aming listahan ang ay Chicco Traditional Nasal Aspirator na ginawa para sa mga babies 0 month old at pataas. Mayroon itong ergonomic shape at soft nozzle na safe gamitin para sa delicate little nostrils ng iyong little one.

At dahil nga ito ay traditional type ng nasal aspirator, napakadali nitong gamitin. Gawa rin ito sa baby-safe materials kaya worry-free ka sa irritation na maaaring makuha ng iyong anak. Higit pa roon ay madali rin linisin ang nasal aspirator na ito.

Features:

  • Best for newborn babies
  • Ergonomic shape at soft nozzle
  • Easy-to-use
  • Made from baby-safe materials

 

Orange and Peach Nasal Cleaner

Best travel-friendly

Baby Nasal Aspirator: Best At Baby-Safe Brands Na Pangsipsip Ng Sipon | Orange and Peach

Bakit ito maganda?

Kakaiba naman ang uri ng nasal aspirator ng Orange and Peach. Napaka compact nito at si mommy o daddy ang may control sa pagsipsip ng sipon ni baby. Transparent rin ang lahat ng parts upang makita ang daloy ng sipon.

Sa kabila ng kaibahan nito sa traditional nasal aspirator ay madali lang din itong gamitin. Ang suction tube na may silicone tip ay nilalagay lamang sa ilong ni baby habang sa mouth piece ay nakalagay sa bibig ng parent para sipsipin ang sipon. Ligtas din ito for babies at parents dahil gawa ito sa sterilizable, BPA-free at phthalates-free materials.

May kasama na rin itong sterilizable na lalagyan para hygienic din ang pag store nito.

Features:

  • BPA at Phthalates Free
  • Transparent at sterilizable
  • Comes with sterilizable container

Combi Nose Aspirator

Best automatic

Baby Nasal Aspirator: Best At Baby-Safe Brands Na Pangsipsip Ng Sipon | Combi

Bakit ito maganda?

Para mas mapadali ang suction ng sipon ng iyong little one, magandang choice rin ang Combi Nose Aspirator. Ito ay motorized nasal sucker na effective para mawala ang sipon na nakabara sa ilong ni baby. Kahit na ito ay motorized ay gentle pa rin ito para sa delicate nose ng iyong little one.

Bukod pa roon ay hindi rin ito nagpoproduce ng ingay na maaaring makadestruct kay baby. May dalawang type rin ng nozzle na kasama ang product na ito na pwede mong pagpilian base sa laki ng nostrils ni baby. At huwag din mag-alala, madali lamang ito linisin. Removable ang mga parts nito at ang mga silicone parts ay maaaring idisinfect at sterilize.

Features

  • Automatic
  • Gawa sa silicone material
  • Madaling linisin
  • May dalawang type ng nozzle

 

NoseFrida Nasal Aspirator

Best Pedia-recommended

Baby Nasal Aspirator: Best At Baby-Safe Brands Na Pangsipsip Ng Sipon | NoseFrida

Bakit ito maganda?

Doctor-invented naman ang NoseFrida Nasal Aspirator. Ito rin ang isa sa mga brands na kadalasang inirerekomenda ng mga Pediatricians pag dating sa nasal aspirator. Maliit lamang ang suction nito at hindi kailangan ipasok sa loob ng ilong ni baby dahil ang suction ay gumagawa ng seal sa nostrils para sa mas komportableng snot sucking.

Karagdagan, ang parent din ang siyang may control sa pagsipsip ng sipon. Kahit na ganun ang proseso ay hygienic pa rin dahil ito ay may disposable filters na nakakapagprevent ng pagkalat ng sipon at germs. Ang materials na ginamit para sa nasal aspirator na ito ay BPA at phthalate-free rin.

Features

  • Doctor invented
  • Recommended by pediatricians
  • BPA & Phthalate free
  • With disposable filters

BabyMate Nasal Aspirator

Best easy-to-use

Baby Nasal Aspirator: Best At Baby-Safe Brands Na Pangsipsip Ng Sipon | BabyMate

Bakit ito maganda?

Another automatic at easy-to-use nasal aspirator sa aming listahan ang BabyMate Nasal Aspirator. Ito ay waterproof at kinakailangan ng AA batteries para mag operate. Less hassle nga itong gamitin dahil automatic na itong sumisipsip ng sipon ng baby.

Malambot at maliit lamang ang suction nozzle nito kaya’t siguradong hindi maiirita si baby. Bukod pa roon ay madali rin itong i-disassemble kaya naman mapapadali rin ang paglilinis at sterilize ng device na ito. Komportable ring magagamit ito ng mga parents dahil sa streamline penguin design nito na napakadaling hawakan.

Features:

  • Easy-to-use
  • Easy to grasp
  • Malambot at maliit ang suction nozzle
  • Hindi mahirap linisin

Graco Nasal aspirator

Best musical

Baby Nasal Aspirator: Best At Baby-Safe Brands Na Pangsipsip Ng Sipon | Graco

Bakit ito maganda?

Hindi nga naman komportable sa pakiramdam ng baby ang magkaroon ng baradong ilong. At malaki ang chance na umiyak siya at mairita kapag ginamitan mo siya ng nasal aspirator. Pero ang good news? May nakita kaming baby nasal aspirator na may 12 built-in kid’s tunes na makakakuha ng atensyon ng iyong anak at maiwasan ang kanyang pag-iyak. Ito ay ang Graco Nasal Clear Aspirator.

Effective ito para sa pagtanggal ng sipon na nakabara sa ilong ng iyong little one. Gentle lang din ang sucking process nito kaya naman komportable itong gamitin kay baby. Battery-operated din ang device na ito at kailangan lamang gamitan ng dalawang AA batteries.

Features:

  • Battery-operated
  • With 12 built-in happy tunes
  • Gentle sucking function

Price Comparison Table

Brand Price
Chicco Php 399.00
Orange and Peach Php 419.00
Combi Php 1,599.00
NoseFrida Php 799.00
BabyMate Php 1,995.00
Graco Php 1,550.00

Paano gamitin ang nasal aspirator?

Ang nasal aspirator o pang sipsip ng sipon ng baby ay may iba’t ibang klase. Ang pinakauna diyan ay ang traditional nasal aspirator o iyong maliit na bote na mayroong patulis na pangsipsip sa dulo.

Pinapasok lang ito sa ilong ni baby at saka pipisilian ang rubber bottle para masipsip ang nakabara sa ilong ni baby.

Sumunod na dito ay ang maliit na bote na mayroong maiksi na tubo. Ang dulo nito ay nilalagay sa ilong ni baby samantalang ang kabila naman ay kailangang higupin ni mommy para masipsip ang bara sa ilong ni baby. Don’t worry dahil mayroon naman itong pangsala ng mucus.

Mayroon din tayong nasal aspirator  na nilalagyan ng battery. No hassle na ito dahil kailangan lang na ipasok sa ilong nibaby ang device at saka pindutin ang button para masimulang masipsip ang nakabara sa ilong.

Baby Nasal Aspirator: Best At Baby-Safe Brands Na Pangsipsip Ng Sipon | Image from Freepik

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Ang sipon sa bata ay karaniwan lamang. Nagkakaroon sila nito sa kanilang edad. Ngunit kung si baby ay under 3 months pa lamang at nagkaroon ng unang lagnat, mas mabuting magpakonsulta sa kanyang doctor para matignan at masuri siya ng maigi lalo na kung nasa 39°C pataaas ang kanyang lagnat.

Kailangan rin na komunsulta sa doktor kung mapapansin mo na ang sipon ni baby ay lumala at sinamahan pa ng ubo. Agad siyang dalhin sa ospital kung ang sipon nya ay tumagal ng halos 10 araw.

Mga natural remedies sa sipon ni baby

  • Painumin ng maraming liquids si baby katulad ng breast milk.
  • Tanggalin ang nakabarang sipon o dumi sa ilong ni baby
  • Gumamit ng humidifier para sa maginhawa at preskong hangin ni baby. Tanungin sa iyong doctor kung ano ang pwedeng mist sa iyong anak.
  • Painumin ang iyong anak ng 1/2 teaspoon ng honey bago matulog. Ngunit ‘wag bibigyan ng honey ang mga batang wala pang 1 year old.
  • Pataasin ng bahagya ang ulo ng bata kapag matutulog. Gumamit ng extra unan o blanket para rito.
  • ‘WAG gumamit ng aspirin dahil bawal ito sa bata at baby.

Gamot sa sipon ni baby

Mahalagang paalala: Ayon sa Food and Drug Administration, Hindi pinapayuhan na painumin ng over-the-counter cold medications ang mga baby nasa edad 2 years old pababa.

Ang pag-inom ng gamot sa mga infant ay may seryosong side-effects. Kaya mas mahalagang kumonsulta muna sa iyong doctor bago painumin ng gamot sa sipon ang iyong anak. Dito mabibigyan siya ng tamang gabay at paalala kung paano magagamot ang kanyang sipon.

Source:

Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.


Sinulat ni

Mach Marciano