Normal na para sa mga first time na magulang ang makaramdam ng pangamba habang pinapalaki ang kanilang anak. Bukod sa kasiyahan at pagmamahal na mararanasan ng mga new parent, hindi natin alam na mayroon pa ring ibang magulang na kabaligtaran ang nararanasan.
Pagiging new parent
Nakita sa research na nararanasan karamihan ng mga babae ang kasiyahan sa unang taon ng pagkakaroon ng baby. Maaaring mahal ng mga magulang ang kanilang anak ngunit sino ba namang hindi mas-stress sa problema sa pera, walang tulog sa gabi at pagkawala ng koneksiyon sa asawa o kaibigan.
Marami sa ating mga magulang ang hindi ipinapakita ang emosyon na ito. Akala kasi nila na ito ay mali at maaaring masabihan na sila ay “masamang magulang”. Ang pangamba na ito ay isang pangunahing dahilan ng pakiramdam na hindi sila mabuting magulang at kadalasang sanhi ng postnatal depression.
Tinatalakay mula sa aking pinakabagong libro ang mental health ng mga bagong magulang pati na rin ang hindi inaasahang pangyayari sa kanilang unang taon ng pagiging magulang.
Bukod sa mga positibong nangyayari sa pagiging magulang, marami rin ang hindi inaasahang pangyayari ang mararanasan ng first-time parents. Narito ang ilan sa kanila:
1. Hindi pagbibigay ng pagmamahal sa anak
Pinapaniwala tayo ng media na kapag panganak ng isang sanggol, mahal na mahal na ito ng magulang. Nangyayari ito sa lahat ngunit may ilang magulang din na agad na nakakaramdam ng pagod at pakiramdam na walang koneskyon sa kanilang anak.
May iba rin na gulat pa rin na mayroon na silang anak. Maaaring maging mahirap ito para sa mga nanay na nagkaroon ng traumatic pregnancy/birth, IVF o pagkawala ng baby, o kaya naman premature baby.
Maaari pa rin namang hindi agad magkaroon ng bonding ang nanay at baby. Ngunit ang skin to skin contact katulad ng pagkarga o pagmasahe sa kanila ay nakakatulong sa pag-improve ng bonding at mental health.
2. Sobra-sobrang pakiramdam
Isa pang common na emosyon ay ang pagkatakot sa haharaping responsibilidad ng mga bagong magulang. Marami ang gulat pa rin at hindi makapaniwala na kailangan na nilang mag-alaga ng baby sa kabila ng walang training o test. Maraming magulang ang nakaranas nito. Tandaan natin na ang mga baby ay malalakas. Kaya naman okay lang na hindi maging perpekto lagi ang iyong ginagawa o pag-aalaga.
Kung nakakaranas ka ng ganito, maaaring makatulong ang pagka-usap mo sa ibang magulang at iyong health visitor. Malaki ang maitutulong nila sa pagsiguro ng iyong mga nararamdaman. Kung ang mga pangamba na ito ay nakakasagabal na sa iyo, magandang kumausap ka na ng therapist.
3. Pag-alala sa iyong nakaraang pamumuhay
Parte ng parenting ang pagbili ng pangangailangan ng isang sanggol. Sa pagdating ni baby, magbabago na ang iyong buhay.
Normal na ang makaramdam ng pagkagulat o regret sa nangyayari. Samahan pa ng alaala sa nakaraang buhay noong dalaga pa. Nararamdaman ng mga nanay na nawala na ng tuluyan ang kanilang identity dahil sa pagiging “ina” ngayon.
Kung nami-miss mo ang dati mong buhay noong dalaga ka pa, hindi ito dahilan para sabihan kang hindi mo mahal ang iyong anak o ikaw ay masamang ina. Magiging maluwag at madali na ito habang tumatagal.
4. Pagkaramdam na ikaw ay nakakulong pero ayaw naman kumawala
May mga magulang na gustong magpahinga ng matagal pero ayaw mawalay sa anak.
Kadalasang nararamdaman ng mga magulang ang pagkainggit sa kanilang asawa kapag umaalis ito sa bahay para magtrabaho. Ngunit agad ring malulungkot kapag naisip ang maiiwan na anak. Mayroon pang mga nanay na gustong-gustong sumapit ang gabi para makapagpahinga ngunit agad na hinahanap ang presensya ng anak. Maaaring mainis ang ibang tao sa’yo sa ganitong sitwasyon ngunit hayaan lamang sila. Hindi mo kailangang iwanan ang iyong anak kung ayaw mo. Ang kailangan mo ay ang matinding suporta sa ibang bagay katulad ng mainit na pagkain o pagtulog.
Kung isa kang magulang na nakakaranas nito, alalahanin lamang na normal para sa inyo ang magkaroon ng negatibo at halo-halong nararamdaman. Makakatulong ang pagkausap sa ibang magulang para mawala kahit papaano ang iyong dinadala. Ang pagkakaroon ng negatibong emosyon sa ibang tao at karaniwang ginagawa ay normal. Ayon sa research, may ibang nanay na hilig na ang magbahagi ng positive messages sa social media at dumadating na sa puntong kailangan na nilang mag sinungaling.
Ang pagiging magulang ay hindi madali. Kaya naman para sa ating moms and dads na nakakaranas nito, naiintindihan namin kayo.
“Worried About Negative Thoughts As A New Parent? You’re Not Alone” by Amy Brown, Professor of Child Public Health, Swansea University
This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated by Mach Marciano
BASAHIN:
I love being a mom pero minsan iniisip ko na lang ulit maging dalaga
Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na
Headache, pagkahilo at pagod: Maaaring ito ang sanhi ang mga sintomas na ito