Ang pangangasim ng sikmura sa pagbubuntis ay isang sintomas na pangkaraniwan para sa ating mga nanay. Ang pangangasim ay pwedeng katamtaman lang ngunit maaari rin naman maging uncomfortable para sa mga pregnant moms.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang heartburn?
- Pangangasim ng sikmura, sintomas ng pagbubuntis
- 11 paraan para maiwasan ang pangangasim ng sikmura ng buntis
Tinatayang nasa 30-50% ng mga buntis ang nakakaranas ng pangangasim o heartburn. Lumalala ito lalo na kung papalapit na ang kanilang due date.
Pangangasim ng sikmura ng buntis, paano maiiwasan?
Sa katunayan, nagkakaroon ng heartburn ang isang buntis pagsapit ng kanilang pangawala at pangatlong trimester kung saan lumalaki na rin ang kanilang uterus.
Masasabing mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng heartburn ang mga mas matanda na buntis, nagkaanak na dati at nakaranas ng pre-pregnancy heartburn. Pasok din sa risk factor ang pagiging overweight habang buntis.
May ibang buntis na nararanasan ang pangangasim ng sikmura pagkatapos kumain. May iba namang nakakaramdam ng matinding “burning sensation” sa itaas na bahagi ng kanilang dibdib.
Tanong ng karamihan, paano nga ba maaalis ang pangangasim ng sikmura na siyang pangkaraniwang sintomas ng pagbubuntis? Una sa lahat, kailangan nating malaman na maaaring maalis ang pregnancy heartburn sa pagsasagawa ng ilang simpleng paraan. Hindi man ito maaalis ng tuluyan ngunit matutulungan naman nitong maalis ng kaunti ang sintomas.
Kung nakakaramdam ng pananakit ng dibdib, pagkawala ng hininga, pananakit ng braso o panga at iba pang sintomas, agad na tumawag ng ambulansya.
Ano ang heartburn?
Sa kabila ng pangalan ng kondisyon nito, walang kaugyanan ito sa puso kundi sa sikmura ng isang tao. Sapagat nga malapit sa isa’t isa ang puso at sikmura, minsan ay nararanasan nating may kakaiba sa ating puso.
Ang heartburn ay ang “burning sensation” sa likod ng sternum o kung tawagin ay breastbone. Minsan, ang reflux ay parehong nararanasan. Kung saan kapag ang acidic stomach content natin ay umaakyat sa esophagus kaya nakakaramdam ng init.
BASAHIN:
Foralivit Capsule: Ano ito at bakit ito nirereseta sa mga buntis?
Pag-iyak at hirap sa pagtulog ni baby, maaaring sintomas na ng kondisyon na silent reflux
Ang reflux ay isang kondisyon na may pagkakahawig sa “burning sensation”, ito’y mararamdaman sa likod ng lalamunan at may mapait na lasa.
Pangangasim ng sikmura, sintomas ng pagbubuntis
Sisihin ulit natin ang pregnancy hormones na kung tawagin ay progesterone. Kahit na tumutulong ang hormones para maipahinga ang muscle at ligaments ng pelvic floor ng buntis, ang epekto na ito ay hindi limitado. Ang valve sa itaas ng sikmura ay mas nagiging relax dahilan para kumawala at maging sanhi ng backflow ang content galing na dadaan sa oesophagus.
Pinapagabal ng progesterone ang digestion kaya naman hindi madaling maglabas ng dumi ang buntis.
Ang line sa ating mga tiyan ay may kakayahang makatulong para sa acid at digestive juices ngunit hindi para sa food pipe. Ito ang nagiging dahilan ng burning, indigestion at discomfort na siyang karaniwang sintomas ng heartburn.
Isa pang dahilan nito ay ang patuloy na paglaki ng uterus ng nanay.
11 paraan para maiwasan ang pangangasim ng sikmura ng buntis
Hindi mo maaalis ng tuluyan ang heartburn. Subalit sa mga paraang ito, matutulungan ka nito para mabawasan kahit papaano ang iyong naramdaman.
- Kaunti lamang ang kainin imbes na marami.
- Iwasan muna ang maanghang o mamantika na pagkain.
- Iwasang kumain sa gabi. Maglaan ng dalawang oras kapag matutulog pagkatapos kumain.
- Iwasang humiga ng diretso pagkatapos kumain. Umupo ng diretso para tuluyang bumaba ang kinain.
- Iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng alak o pag-inom ng medication na siyang dahilan sa paglala ng sintomas ng heartburn. Katulad ng anticholinergics.
- Iwasang kumain ng mga pagkain na ma-acid katulad ng kamatis o citrus fruits.
- Itigil muna ang mga inuming may caffeine. Katulad ng kape, tea, tsokolate at energy drinks.
- Magsuot ngmaluluwag na damit kung saan magkakaroon ng sapat na hangin ang iyong tiyan.
- Kapag matutulog, mas magadang ugaliin na magkaroon ng maraming unan sa paligid. Makakatulong ang pag-elevate ng ulo ng buntis para sa kondisyon na ito.
- Bantayan ang mga iniinom na fluid. Maraming buntis ang nabubusog agad kapag umiinom ng tubig bago kumain.
- Ang pag-inom ng tubig kapag kumakain ay mas magandang option.
Tandaan
Kung may alinlangan, ‘wag matatakot na magpakonsulta agad sa iyong doktor.
Speak with your maternity care provider if you are worried about anything during your pregnancy.
Jane Barry has qualifications in general, paediatric, immunisation, midwifery and child health nursing. She holds a Bachelor Degree in Applied Science (Nursing) and has almost 30 years specialist experience in child health nursing. She is a member of a number of professionally affiliated organisations including AHPRA, The Australasian Medical Writer’s Association, Health Writer Hub and Australian College of Children and Young People’s Nurses.
This article was first published in KidSpot and republished on theAsianparent with permission.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano