Paninigas ng tiyan ng buntis pagsapit ng 24 weeks at gabay sa ika-24 linggo ng pagbubuntis

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang mais. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 24 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit nga ba may nararanasan na paninigas ng tiyan ng buntis pagsapit ng 24 weeks? 

Sa ika 24-week ng pagbubuntis, nangangahulugan itong ikaw ay nasa ika-6 na buwan na. Tatlong buwan na lamang ang natitira bago mo masilayan ang iyong baby!

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 24 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay maaaring kasing laki na ng isang mais. Mayroon na siyang habang 30 cm at timbang na 598.7 g.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang development ng iyong anak

Narito ang mga development ng 24 weeks na baby sa loob ng sinapupunan.

  • Ang iyong anak 11 1/2 inches na ang haba at tumitimbang na 1 pound. Bumibigat pa siya ng 6 ounces per week. Ang kaniyang pagbigat ay dahil sa paglaki o pag-develop ng kaniyang mga organs, buto, muscles at namumuong baby fats.
  • Ang mukha ng iyong anak ay buo na rin ngayon. Mayroon na rin siyang mga tenga at mas nakakarinig na. Kaya naman naririnig ka na ng iyong baby at ang mga tugtugin na iyong pinaparinig sa kaniya.
  • Sa pagkakataong din ito maaari mo nang makita ang itsura ng iyong anak dahil formed na ito pagsapit ng 24 weeks.
  • Ang balat ng baby ay manipis at hindi pa gaanong nadedevelop hangga’t hindi namumuo ang fats, sa panahong ito ay malinaw pa ang kaniyang balat at maaari pang makita ang mga organ, buto, at mga ugat.  
  • Maaari ng sinukin ang baby kaya’t mararamdaman ang ilang paggalaw sa tiyan, ngunit huwag mag-alala dahil ito ay normal lamang.
  • Bumibigat na rin ang timbang ng iyong anak sa loob na iyong sinapupunan.
  • Ang iyong anak sa loob ng iyong sinapupunan ay mayroon na rin mga mata at pilikmata.
  • Magsisimula na rin ang kaniyang REM (rapid eye movement) sa linggong ito. Mararamdaman mo na ang paggalaw ni baby sa pamamagitan ng pagalagay ng iyong kamay sa iyong tiyan.
  • Ang kaniyang utak ay mabilis din na lumalaki.
  • Na-develop na ang kaniyang mga tastebuds.
  • Sa ngayon, ang kaniyang baga ay nagkakaroon nan g mga sanga-sanga.
  • Ang mga sanggol na ipinanganak sa ika-24 na lingo ay may 50-50 na tiyansa na mabuhay.

Paninigas ng tiyan ng buntis 24 weeks: Sintomas ng buntis ng 24 weeks

  • Kapansin-pansin na ang iyong tiyan.Ang iyong matris tumaas na sa iyong pusod at maaaring kasing laki na ng bolang pang-football.
  • Maaaring ang iyong pusod ay nakausbong din dahil ito ay naitutulak ng iyong matris. Sa panahon na ito, maaaring ikaw ay nadagdagan na  ng 5 o 7 kilo at sa bawat pagdaan ng mga araw ay lalaki pa lalo ang iyong tiyan. Sa paglaki ng iyong tiyan, maaaring gumamit nan g maternity belt o belly band upang masuportahan ang tiyan sa oras ng pag-eehersisyo.
  • Mapapansin mo na may mga stretch mark ang iyong tiyan at dibdib.
  • · Mayroon din na maitim na guhit na tinatawag na linea negra sa ilalim ng iyong pusod samantalang ang kulay kayumanggi naman na lilitaw sa mukha ay tinatawag na chloasma. Ang mga ito ay kusa ding matatanggal sa paglipas ng panahon.
  • Mababa ang iyong libido sa ngayon dahil ikaw ay laging nakakaramdam ng pagod.
  • Maaaring magkaroon ng vaginal discharge simula ngayon.
  • Posible ka pa ring makaranas ng constipation dahil ito sa iyong lumalaking uterus na itinutulak ang iyong ibang organs. Higit pa rito, pinapanatili rin ng iyong hormones na maging relax ang iyong mga muscles upang makatulong na panatilihin ang pagkain sa iyong digestive system ng sa ganoon ay ma-absorb ng maayos ni baby.
  • Maaari ka ring makaranas ng paninigas ng tiyan ng buntis sa 24 weeks o pananakit dahil ang iyong matris ay patuloy na sa paglapad na siyang pinagmumulan ng sakit. Ang madalas na pagsakit nito ay normal lamang ngunit kung may kasama na itong lagnat, chills, o pagdudugo, maagap na pumunta sa iyong doktor.

Paninigas ng tiyan ng buntis 24 weeks | Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Posible rin ang panlalabo ng iyong mata, sanhi ito ng iyong pregnancy hormones na nagpapababa ng tear production na nagdudulot ng eye irritation at nagpapataas ng fluid buildup sa iyong mata. Subalit temporarily lamang ito at maawawala rin matapos mong manganak.

  •  Dahil sa lumalaking tiyan, may mga oras na mahihirapan magbalanse ang isang ina.
  • Maaari ka ring makakaranas ng migraines na kung saan ay tumatagal ng ilang araw, maaaring ito ay may kasamang pagkahilo at panlalabo ng paningin. Magpa-check up sa doktor upang malaman ang nakakapagpa-trigger sa iyong migraine upang maiwasan ito.
  • Maaari ka ring makaranas ng leg cramps. Upang mawala ito subukan na unti-unting ideretso ang iyong binti pataas at i-flex ang iyong ankle upang huminto ang spasm o ang iyong leg cramps.
  • Sa pagkakataon ding ito, maaari kang makaranas ng pamamaga ng iyong paa at bukung – bukong. Kaya naman maaaring lumaki na ang sukat ng iyong paa at hindi na magkakasiya sa iyo ang mga sapot o tsinelas. Upang maiwasan ito, i-elevate lagi ang iyong binti o legs kapag umuupo.

Paninigas ng tiyan ng buntis 24 weeks: Iba pang posibleng dahilan

Muli, normal lang na makaranas ng paninigas ng tiyan ng buntis sa ika 24 weeks ng pregnancy. Ito ay dahil lumalaki ang bata sa iyong sinapupunan at ang matris ay patuloy na sa paglapad na siyang pinagmumulan ng sakit.

Pero may iba pang posibleng dahilan ang paninigas na ito ng iyong tiyan. Ang paninigas ng tiyan sa isang buntis na 24 linggo ay maaaring sanhi ng iba’t ibang bagay, kabilang ang:

  • Braxton Hicks Contractions: Ito ay mga “practice contractions” na karaniwang hindi masakit at irregular. Normal ito at madalas maranasan sa kalagitnaan ng pagbubuntis.
  • Gas at bloating: Dahil sa mga pagbabago sa hormones, maaaring magdulot ito ng mas mabagal na digestion at gas buildup na maaaring magdulot ng paninigas ng tiyan.
  • Dehydration: Ang kakulangan sa tubig ay maaaring magdulot ng uterine contractions. Siguraduhing uminom ng sapat na tubig araw-araw.
  • Urinary Tract Infection (UTI): Ang UTI ay maaaring magdulot ng paninigas at pananakit ng tiyan. Kung may iba kang sintomas tulad ng pananakit sa pag-ihi, dapat magpakonsulta agad sa doktor.
  • Physical activity: Minsan ang sobrang paggalaw o pag-eehersisyo ay maaaring magdulot ng paninigas ng tiyan.

Kung ang paninigas ng tiyan ay regular, masakit, o may kasamang iba pang sintomas tulad ng pagdurugo, pag-ihi na masakit, o matinding pananakit, makabubuting magpakonsulta agad sa iyong OB-GYN upang masuri at matiyak ang kalagayan ng iyong pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pangangalaga sa buntis 

  • Uminom ng gatas o kumain ng mga keso at soya upang mabawasan ang stretch marks.
  • Kumain ng mga pagkain na mayayaman sa Vitamin C pati na din mga gulay.
  • Kung makati at namumula ang iyong mga palad, iwasan ang mga bagay na mas lalong nakakapagpainit ng iyong kamay dahil ito’y maaaring lumala at kumalat sa ibang bahagi n katawan.
  • Makakatulong ang prenatal massage sa iyo, maaari itong gawin ng iyong asawa para sa ‘yo.
  • Ang pagkain ng masustansiyang pagkain at regular na pag-eehersisyo ay makatutulong para gumanda ang pakiramdam sa parehong pisikal at emosyonal na aspeto.

Larawan mula sa iStock

Checklist o mga dapat na isaisip sa ika – 24 week ng pagbubuntis

  • Habang patuloy ang paglaki ng tiyan ng ina, siya at ang kaniyang asawa ay mapapaisip kung ligtas pa ba ang pagtatalik habang buntis si misis. Kung ang iyong pagbubuntis naman ay umuusad sa normal na paraan, maaaring ito ay ligtas naman.
  • Ngunit kung ang pagbubuntis naman ay may mga komplikasyon, ang iyong doktor o health provider ay magpapayo na huwag na muna itong gawin. Dahil ang bawat sitwasyon sa pagbubuntis ay magkakaiba-iba, ang iyong doktor ang pinakamagandang pagtanungan sa espesipikong sitwasyon.
  • Sumailalim sa glucose screening test na siyang ginagawa sa mga buntis na nasa pagitan ng 24 o 28 weeks.  Ang pagsusuring ito ay isinasagawa upang malaman kung ikaw ay may gestational diabetes. Ang kondisyon na ito ay nangyayari kapag hindi sapat ang insulin sa katawan upang ma-regulate ang sugar levels.
  • Sumailalim sa mga test na kinakailangang gawin upang masigurado ang kalusugan ni baby pati na rin ng ina.
  • Ang pag-inom ng maraming tubig ay isa sa pinaka-importanteng bagay ngunit madalas na nakakalimutang gawin. Bilang isang soon-to-be mommy, kinailangan mo na uminom ng maraming tubig ng sag anon ay manatiling malusog at masuportahan si baby. Inirerekomenda ng mga eksperto na uminom ng 10 baso sa isang araw.
  • Mainam na uminom ng tubig ngunit maaari din naman ang okasyonal na pag-inom ng juice o kape. Kung nakakalimutan uminom ng tubig ay mag-set ng paalala sa smartphone.

  • Sa paglaki ng tiyan, maraming pag-aadjust ang kinakailangan na gawijn para sa pangaraw-araw na gawain at isa na dito ay kung papaano nga ba ang tamang paglalagay ng seatbelt.  Pakatandaan na hindi dapat na mag-krus ang anumang parte ng seatbelt sa itaas ng iyong tiyan. Ang isang strap ay dapat na sa ilalim ng iyong tiyan at nakalapat sa buto ng iyong beywang samantalang ang isa naman ay nasa may nasa pagitan ng iyong dibdib at hindi sa ilalim ng iyong braso.
  • Magandang ideya na maagang pag-usapan ang paraan ng panganganak na ninanais kasama ang inyong asawa, doktor, at midwife. Kung maaga nilang malaman ang paraan ng panganganak na gusto mo ay mas mabibigyan ka nila ng suporta para rito.
  • Bagaman ilang buwan pa ang hihintayin bago ang panganganak, habang maaga pa ay ihanda na at ayusin ang magiging space ni baby sa bahay. Ito ay sa kadahilanang mas may lakas pa para sa pag-aayos dahil sa oras na lumabas na si baby ay marami na ang mga ibang bagay na kailangang asikasuhin. Mas magandang masiguradong  ang lugar ay baby-proof at ligtas na lugar para kay baby.

Mga maaaring itanong sa doktor sa ika – 24 weeks ng pagbubuntis

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • May mga screening o tests bang dapat na gawin sa susunod at natitirang mga buwan ng pagbubuntis?
  • Pwede ring tanungin kung may mga pagkain ba na mas mainamn kainin sa ika-24 week ng pagbubuntis?
  • May mga bakuna ba na dapat na kunin habang buntis? Kailan ang mainam na oras para magpabakuna para masigurado ang pinakamagandang proteksyon sa ina at sa baby?
  • Ano ang magandang gawin sa tuwing nalulungkot habang buntis?

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Karagdagang impormasyon isinulat ni Sophia Joco at Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jasmine Yeo