Isang grupo ang nagsasaalang-alang na magsumite ng second motion for reconsideration sa korte Suprema. Ito ay para sa desisyon ng korte Suprema na tanggalin ang Filipino at panitikan bilang pangunahing mga paksa sa kolehiyo.
Ang nasabing grupo ay kilala bilang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika. Isa itong samahan na nabuo nuong 2014. Kinabibilangan sila ng 300 mga propesor, estudyante, manunulat, at mga aktibistang pangkultura ng De La Salle University-Manila.
Sa pahayag ng Tanggol Wika, kanilang ikinalulungkot ang pagtanggi ng korte Suprema na bigyan ng kurso ang kanilang unang motion for reconsideration. Sila ay naniniwala na walang hustisyang naibigay ang pagbaliwala ng korte Suprema sa kanilang mga argumento na tanggalin ang panitikan.
Ito ay sa dahil sa hindi ipinatawag ang mga nag-petisyon upang pakinggan ang mga daing. Ngunit, sila ay nakagawa ng desisyon base lamang sa mga babasahin ng libo-libong argumento na ipinadala ng Tanggol Wika.
Pagtanggal ng Filipino, Panitikan, at Philippine Constitution subjects sa kolehiyo
Nauna nang pinanigan ng korte ang CHED sa pagtanggal sa mga nasabing subjects sa college dahil isinama na ang mga ito sa curriculum ng elementary at high school.
Depensa ng Tanggol Wika na imbis tanggalin ang mga asignatura ay dapat pa itong pagtuonan ng pansin dahil sa huling National Achievement Test ay bagsak ang karamihan ng mga estudyante sa Filipino.
Sa panayam ng DZMM, ipinaliwanag ng Tanggol Wika spokesperson na si David Michael San Juan ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga subjects na ito sa university level.
“Malaki ang implikasyon nito sa klase ng matututuhan ng ating mga estudyante sa kakayahan nilang makipag-ugnayan sa mga kapwa Pilipino.”
Ayon pa sa ulat, hindi nililimitahan ng CHED ang mga kolehiyo at unibersidad kung gusto pa rin ng mga ito na isali ang mga subjects na mga ito.
Source: Yahoo News, Tanggol Wika, Rappler, ABS-CBN
Basahin: Emotional wellness education to be introduced to K-12 students
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!