Paolo Contis sa engagement ng ex niyang si LJ Reyes: “I am very happy for her”

Aktor binabalak ring bisitahin ang anak na si Summer sa US.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paolo Contis masaya sa naging engagement ng dating kinakasamg si LJ Reyes.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Reaksyon ni Paolo Contis sa engagement ng ex na si LJ Reyes.
  • Paolo balak bisitahin ang anak na si Summer sa US.

Reaksyon ni Paolo Contis sa engagement ng ex na si LJ Reyes

Larawan mula sa Facebook account ni Paolo Contis

Nitong nakaraang linggo ay marami ang nabigla at natuwa sa isa sa mga latest post ng aktres na si LJ Reyes. Si LJ na kasalukuyang nasa Amerika ngayon ay nagpost ng mga larawan ng tila wedding proposal sa kaniya ng isang lalaking nagngangalang Philip Evangelista. Si LJ makikita sa mga larawan na masaya at naiyak sa proposal sa kaniya. Ang aktres ay nasa Amerika ngayon matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ng aktor na si Paolo Contis noong 2021.

Sa bagong update na ito sa buhay ni LJ Reyes ay syempre hindi naiwasang matanong ang dati niyang ka-relasyon na si Paolo Contis sa reaksyon nito. Sa isang panayam ibinahagi ni Paolo na tulad ng marami ay masaya rin siya para sa dating kinakasama.

“Of course, I am very happy for her, very happy. Nabalitaan ko on the way na ako sa shoot. Again, I am very, very happy for her."

Ito ang masayang pagbabahagi ni Paolo sa isang panayam.

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paolo balak bisitahin ang anak na si Summer sa US

Pagdating naman sa anak nila ni LJ na si Summer, ayon sa aktor ay binabalak niyang bisitahin ito sa Amerika. Pero kung gagawin man ito ng aktor ay sisiguraduhin niyang hindi niya ito isasapubliko. Para narin umano makaiwas sa mga negatibong komento umano ng mga netizens.

"Malamang hindi niyo mababalitaan kasi privately ko siyang gagawin pero hindi ibig sabihin ay hindi siya nangyayari.”

Ito ang sabi pa ni Paolo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naging kontrobersyal ang paghihiwalay ni Paolo Contis at LJ Reyes dahil sa 3rd party umano sa katauhan ng aktres na si Yen Santos. Si LJ nagdesisyong lumayo at magpunta sa Amerika kasama ang mga anak niyang si Aki at Summer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement