May kasabihan sa Chinese medicine na: “both food and medicine originate from the same source” ito ay dahil pareho silang nakakatulong na mapigilan ang naturang sakit. Kapag ang isang tao ay kumakain ng masustansiyang pagkain, sila’y lalaking malusog at mayroong sapat na kakayahan para mapigilan ang chronic diseases—katulad na lamang ng papaya leaves na gamot sa dengue.
Maraming pagkain ang nakakatulong sa ating katawan na pampalakas, katulad na lamang ng dahon ng papaya. Ang phenolic compounds at phytonutrient content na mayroon ang papaya leaves ay isang antioxidant na nakakatulong sa katawan ng isang tao para mapalakas ang immunity at labanan ang mga sakit katulad ng dengue.
Papaya leaves, gamot sa dengue?
Kilala na dati ang papaya leaves bilang traditional remedy o gamot sa maraming sakit katulad ng dengue, gastric upset at viral illnesses.
Papaya leaves, gamot sa dengue? | Image source: iStock
Bukod sa pagkakaroon ng mataas na lagnat, ang skin rashes ay isang sintomas ng delikadong sakit na dengue. Sa sakit na ito, bumababa ang bilang ng platelet ng isang tao—ito ay ang maliliit na blood cells na tumutulong sa katawan para mapigilan makabuo ng clot sa pagdurugo.
Kung sakaling bumagsak ang platelets mo, ito ay masasabing delikado na.
Ngunit ayon sa pag-aaral, ang papaya leaf ay may epekto sa phytochemical compounds, carpaine pati na rin sa blood cell types. Sa makatuwid, pinapakita na ang dahon ng papaya ay makakatulong suportahan ang blood platelet recovery pati na rin ang pagbaba ng tiyansa na tumagal sa ospital ang taong may dengue.
Dengue Fever Symptoms
Kapag kinagat ka ng infected na babaeng Aedes na lamok, ang dengue virus ay mapapasa sa iyong katawan at magkakaroon ka ng lagnat. Sa Pilipinas, pangunahing problema ang pagkakaroon ng dengue bawat taon.
Papaya leaves, gamot sa dengue? | Image source: iStock
Mayroong dalawang uri ang lagnat ng dengue, ang parehong fever ay seryoso ayon sa 2009 WHO recommendations. Kung alam mong ikaw ay nakagat ng lamok, bantayan ang mga posibleng sintomas nito.
- Dengue fever
- Lagnat
- Pananakit ng ulo
- Pananakit ng katawan
- Rashes
- Nausea
- Pagsusuka
- Leucopenia (low WBC count)
Ito ang mga senyales na ang iyong sakit ay malala na:
- Madalas na pagsusuka
- Pananakit ng tiyan
- Paglaki ng atay
- Pananamlay
- Mucosal bleeding
- Dengue haemorrhagic fever
- Mataas na lagnat
- Malalang plasma leakage na dahilan ng problema sa respiratory
- Malalang pagdurugo
- Internal organ impairment
Mataas ang tiyansa na magamot ang pasyente kung ito’y nasa mild condition pa ng dengue fever. Kung sakaling mahawaan, ang lagnat ay maaaring tumagal hanggang pitong araw. Habang pagpapagaling naman ay maaaring tumagal ng buwan.
Papaya leaves, gamot sa dengue? | Image source: Supplied
Papaya leaves gamot sa dengue: Paraan para gamitin ito
Maraming paraan para gamitin ang papaya leaves hindi lang gamot at pangontra ng sintomas ng dengue fever.
Ang tradisyonal na paraan ay kailangan mong kunin ang juice at pulp ng dahon ng papaya. Kailangan mong kumuha ng fresh leaves, maglagay ng kaunting mainit na tubig bago kunin ang katas ng dahon. Maaaring maglagay ng asukal para mabawasan ang kaunting pait nito.
Puwede namang uminom ng Akesi’s Bio-Fermented Papaya Leaf Tonic, isang supplement mula sa extract nito. Makakatulong ito sa digestive health pati na rin mapangalagaan ang maayos na bowel habits at siunusuportahan rin ang immune system ng taong iinom nito.
Matatagpuan sa dahon ng papaya ang enzyme, vitamin at phyto-rich nutrients na dahilan kung bakit mahalaga ang ginagampanang role nito sa pagpapagaling mula dengue.
Iba pang paraan para mapigilan ang dengue fever
Bukod sa pag-inom ng papaya leaf extract, ang proper hygiene ay isang bagay na dapat na ugaliing gawin. Makakatulong din ito sa paglaban sa sakit na dengue.
Narito ang mga kailangang tandaan:
- Gawin ang 5-step Mozzie wipe-out routine.
- Laging i-check ang mga storage na may tubig at kailangang may takip ito.
- Lagyan ng takip ang mga drainage at gutter.
- Laging tignan ang paligid ng iyong bahay kung may mga nakatambak na tubig na posibleng pagbahayan ng lamok.
- Gumamit ng mosquito repellent, nets at screen.
- Kung maraming lamok, magsuot ng mahahabang damit.
Ang Aedes mosquito ay may dala ng dengue virus. Maaari silang mangagat kahit na sa umaga. Gumamit lang ng insect repellent cream at lotion pangprotekta sa lamok. Makakatulong rin ang insecticide spray sa loob ng bahay.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Paano maiiwasan ang dengue ngayong mayroong COVID-19?
Kaso ng dengue naitala sa Kidapawan matapos ang sunod sunod na pag-ulan
11 indoor plants na puwedeng pangontra sa dengue at lamok
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!