6 na pamamaraan sa pagdidisplina sa anak at kalahagahan nito

Alamin ang 6 paraan ng pagdidisiplina sa bata ni Mommy Jennlyn Monte na kaniyang ginagawa sa kaniyang mga anak. Basahin ito rito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paraan ng pagdidisiplina sa bata? Paano kayo nagdidisiplina ng iyong anak?

Ang pagdidisiplina ay isa sa responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang magulang. Marahil marami sa atin ang hirap sa ganitong parte ng ating pagiging magulang.

Sapagkat sa realidad ay nakabase lamang tayo sa ating mga nakagawian, natutunan o nakalakhang pagdidisiplina din sa atin ng ating mga magulang.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 6 na paraan ng pagdidisiplina sa mga bata o sa iyong mga anak
  • Payo ng isang ina

Ang iba sa atin ay naging maayos ang pagdidisiplina, ang iba naman ay hindi naging maganda ang karanasan at ayaw natin itong gawin sa ating mga anak.

6 na paraan ng pagdidisiplina sa mga bata o sa iyong mga anak

Narito ang aming mga paraan ng pagdidisiplina sa bata na natutunan namin sa pagdidisiplina sa aming mga anak na nais naming ibahagi sa inyo.

Sa pagtukoy natin kung bakit natin kailangang disiplinahin ang ating mga anak ay kaakibat nito ang mga iba’t ibang pamamaraan ng ating pagdidisiplina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paraan ng pagdidisiplina sa bata. | Larawan mula sa author

1. Maging malinaw sa ating layunin sa pagdidisiplina.

Kung kayo ang aking tatanungin ano nga ba ang kahalagahan ng pagdidisiplina sa bata?

Para sa amin ng aking asawa dinidisiplina namin ang aming anak dahil mahal namin sila at para sila ay matuto at malaman ang tama sa mali.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong pamamaraan at sa murang edad pa lamang ay naitutuwid na natin agad ang mga pagkakamali nila. Mas maliit ang chance na sila ay mapariwara o mapahamak sa buhay.

Sapagkat sila’y mga bata pa lamang likas sa kanila ang makukulit, malilikot, at minsan nananakit. Kaya dito papasok ang purpose ng pagdidisiplina. Naririto tayong mga magulang upang ituro at ma-guide silang natutukoy ang mga tama at maling gawain.

Nakapaloob dito ang pagkakaisa ninyo bilang ama at ina ng tahanan. Sa inyo pa lamang mismo ay nauunawaan ninyo na ang layunin sa pagdidisiplina.

2. Maging clear sa usapan. Maglagay ng boundaries.

Isa pa sa paraan ng pagdidisiplina sa bata’y dapat may malinaw tayong usapan tungkol sa mga dapat at hindi nila dapat gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagsunod sa atin ng ating mga anak kahit sa mga simpleng bagay ay napakahalaga. Dito nahuhubog ang kanilang karakter na babaunin nila sa kanilang pagtanda.

Kasama na rito ang pagkakaroon din nila ng sariling pamilya balang araw. Kapag dumating ang panahon na iyon ay ipapasa rin nila ito sa kanilang mga anak.

Halimbawa rito,  ang paglalagay ng basura sa tamang lagayan. Maaaring napakababaw nito pero dito natin masusubok kung nauunawaan na nila ang mga simpleng instructions.

BASAHIN:

Black sheep nga ba o parati lang nasisisi? 6 signs na hindi patas ang pagdidisiplina sa mga anak

7 warning signs na kulang sa disiplina ang isang bata

6 healthy tips kung paano disiplinahin ang batang mainitin ang ulo

Larawan mula sa author

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito rin ang stage na madali pa silang disiplinahin, hubugin, matuto at makagawian ang mga bagay. Magandang matututunan na nila hangga’t sila ay kaya pang hulmahin.

Ilan pa dito ang hangganan nila sa paglalaro sa labas ng bahay o paggamit ng gadget at marami pang iba. Hindi puwedeng iwanan natin sila at hayaang sila ang magdesisyon.

Sapagkat sa murang isipan nila’y hindi pa nila kayang magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga limitasyon nila. Kagaya ng sa oras, sa gawa at pagdedesisyon sa mga bagay-bagay.

3. Discipline with self-control.

Minsan ay hindi nating maiwasang mainis, malungkot o madismaya dahil sa pagkakamali ng ating mga anak. Hangga’t maaari ay maging aware at magkaroon tayo ng self-control sa mga sasabihin.

Ipaparamdam at ikikilos natin sa kanila kapag sila ay nagkakamali. Maaari natin silang kausapin, o magbigay ng mga warning o kung ano mang mga iba’t ibang pamamaraan. Upang ma-communicate natin ang ating mga pinag-usapan sa mga posible nilang gawing hindi tama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat karamihan sa atin ay “stress” sa work man o sa bahay. Dapat lagi nating tatandaan na bago natin sila disiplinahin ay alam at kaya nating pigilan ang ating damdamin at salita. Maglaan muna ng kaunting oras para sa katahimikan bago natin sila kausapin para maiwasan ang pagdidisiplina ng wala sa lugar.

Sa aming pamilya kami ay gumagamit ng “spanky” ito ay isang kahoy na pamalo sa kanilang pwet (at hindi kung saan-saan). Sapagkat ang bahagi ng katawan na ito ang malaman at walang damage na puwedeng maidulot. Namamalo lamang kami kapag paulit-ulit na silang hindi nakikinig o kapag matindi na ang kanilang ginawang mali.

Ang sobra-sobrang pamamalo ay tinatawag na physical abuse. Kaya naman maging maingat sa mga salita, aksyon o emosyon natin. Sapagkat sila’y fragile at maaaring sa murang edad nila’y makaranas na sila ng abuse. Sila ay tao din na may pakiramdam at maaari natin silang masaktan sa iba’t-ibang klaseng paraan.

Larawan mula sa author

4. Ang pagdidisiplina ay dapat na motivated with love.

Huwag nating kakalimutan na dinidisiplina natin ang ating mga anak dahil mahal natin sila at ayaw natin silang mapahamak o mapariwara ang kanilang landas.

Mararamdaman ng mga bata kung ang pagdidisiplina natin sa kanila ay motivated with love dahil hindi lang ang kapakanan natin bilang mga magulang ang ating iniisip kundi mas higit na dahil sa kapakanan nila.

Madalas naming sinasabi sa aming mga anak na, “anak, next time makikinig ka palagi kay nanay at tatay para hindi kayo masasaktan o maaksidente.”

Sa ganitong paraan ay hindi lang natin nako-communicate ang pagmamahal natin through verbal (words) kundi pati rin sa action.

Pagkatapos namin silang madisiplina sinisigurado naming may pag-uusap tungkol sa nangyari at bakit sila nadisiplina. Niyayakap namin sila, sinasabihan ng “I love you!” pagkatapos namin silang kausapin at patuloy na paalala na huwag na nilang uulitin ang ginawa nilang pagkakamali.

Maaaring makaramdam tayo ng kalungkutan habang sila ay ating itinutuwid o dinidisiplina. Ngunit pagkatapos natin silang maituwid at makita sila na maayos ang kanilang katatayuan at pamumuhay, tayo ay nagagalak dahil ginawa natin ang ating responsibilidad bilang mga magulang.

Larawan mula sa author

Lagi nating tatandaan na ang pagdidisiplina ay isa sa pinakamaganda ngunit napaka-challenging na parte ng pagiging isang magulang. Kaya’t habang bata pa sila ay taniman na natin sila ng mga magagandang aral na maaaring maghubog sa kanilang karakter at hindi nila ito malilimutan sa kanilang paglaki. Kailangan mayroon tayong pasensiya at paulit-ulit natin itong ipapaalala hanggang sa ito’y kanilang makasanayan at matutunang piliin na gawin ang tama.

Mga Hebreo 12:11 Magandang Balita Biblia
Habang tayo’y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.

Tungkol sa May-akda

Jennylyn Monte, is a supportive and a loving wife, mom of 3 kids, a content creator and loves capturing memories of my family and things!

Sinulat ni

VIP Parent