Isa sa maituturing na challenge ng mga magulang ay patulugin ang kanilang mga anak. Talaga namang nakakawala ng pagod ang kanilang walang tigil na energy sa umaga. Ngunit pagdating naman ng gabi, masusubok ang iyong pasensya sa pagpapatulog sa mga chikiting.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kwento ng isang inang hirap patulugin sa gabi ang aktibong anak
- 5 paraan para madaling antukin at makatulog ang anak mo sa gabi
Isang nanay ang nag-post sa Reddit ng kaniyang naging karanasan tungkol sa pagpapatulog ng mga anak sa gabi. Inilarawan niyang ito ay nakakapagod!
“Ginawa ko na ang lahat para mapatulog lang siya.”
Ibinahagi ni Redditor KnifexCalledxLust, ang kaniyang naging karanasan sa pagiging magulang. Ayon sa kaniya, pakiramdam niya ay bigo siyang maging nanay ng 4-year-old toddler dahil sa pagpapatulog dito sa gabi. Kwento niya, may problema talaga sa pagtulog na kaniyang anak at ito ay sobrang aktibo.
“It’s not uncommon for him to be up multiple times at night. Some times he just wants snuggles. Other times he has a meltdown at 4 am about having to sleep alone.”
Halos lahat ng paraan ay ginawa na niya. Katulad na lamang ng pagbibigay ng night light, stuffed toy o kaya naman ang pagtabi ng t-shirt niya mismo para makatulog ito ng mabilis. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi gumana. Sinubukan din niyang patulugin ito sa tamang oras ngunit gaya ng nauna, hindi rin gumana para sa kaniyang anak.
Aminado siya na may mga araw na sobra na siyang napapagod sa pag-alaga ng kaniyang anak. “I hope one day this kid realises how awesome sleep is. Or he learns to entertain himself in his room in the morning,”
BASAHIN:
Tamang oras ng tulog ng mga bata: Kahalagahan sa kanilang kalusugan
Hirap makatulog si baby sa gabi? 5 things na puwede mong gawin
Totoo bang mahihirapan matulog mag-isa ang anak ko kapag nasanay siya sa bed sharing?
“Nararanasan din ito ng iba.”
Marami namang magulang ang naka-relate sa post ng nanay na ito.
Ayon pa sa isang user na isang ina rin na si Dwarfakiin5, “You’re not at all a crappy mom, we all have times like this. The fact that you worry you are a crappy mom, shows that you aren’t.”
Nagbigay rin siya ng magandang payo.
“My only suggestion in terms of trying to help him sleep longer, would be to maybe make him exhausted a few days in a row, and try get him to a point where he is so tired he can’t really wake up. Disclaimer though, I’ve only got two girls, oldest being 2 in a little under a month so I don’t really have an experience with 4yo, but that doesn’t change the fact that you’re still a good parent,”
5 paraan para madaling antukin at makatulog ang anak mo sa gabi
Umamin na tayo moms. Hindi na natin kayang makipagsabayana sa energy ng ating mga chikiting. Ngunit ‘wag mawalan ng pag-asa! Hindi ka masamang ina kung mayroon kang problemang katulad nito. Sa katunayan, ipinapakita pa nito ang pagiging responsable at maalaga mong ina.
Kung hirap kang patulugin ng maaga ang iyong anak sa gabi, narito ang limang paraan para madaling antukin at makatulog ang mga bata.
1. Consistent na bedtime ritual
Makakatulong ito para sa body clock ng iyong anak. Mapapanatili ang magandang oras ng pagtulog sa gabi. Bukod dito, masasanay ang kanilang katawan sa ibinigay mong oras ng pagtulog.
2. Iwasang umidlip ng mahabang oras
Hilig na ng mga bata ang matulog sa tanghali. Ngunit sikapin na mas mahaba ang tulog nila pagsapit ng gabi. Hayaan silang maging aktibo sa araw para kinagabihan ay makatulog ito ng mabilis dahil sa pagod.
3. Basahan ng bedtime story
Maaari rin namang kwentuhan ng bedtime story ang iyong anak kapag matutulog na siya. Hindi lang mare-relax ang kanilang isipan kundi papaganahin din nito ang kanilang imahinasyon.
4. Mag-set ng mood para sa kanila
Hayaan sila sa madilim at tahimik na kwarto. Samahan sila sa paghiga at pagkwentuhan ang mga bagay-bagay katulad ng nangyari sa kaniya sa buong araw nito.
5. Maging aktibo sa araw
Hayaan ang iyong anak na maging aktibo o energetic sa araw. Isang paraan ito para madaling antukin at makatulog ang bata sa gabi.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano