Mababasa sa artikulong ito:
- Mga dapat gawin kung parating sinisigawan ng asawa
- Ang mga posibleng dahilan kung bakit ganito ang ugali niya
Parating sinisigawan ng asawa? Ito ang mga dapat mong gawin
Ang hindi pagkakaintindihan o pag-aaway sa isang relasyon ay normal lang. Minsan nga ay magkakataasan pa ng boses, magsisigawan at makakapagpalitan pa ng masasakit na salita.
Pero paano kung parating sinisigawan ng asawa o ang pagsigaw ay parang naging habit niya na at paulit-ulit niyang ginagawa?
Ayon sa psychologist na si Leon F. Seltzer, walang sinuman ang deserve na maranasan ito. May mga maaari kang gawin upang ang pagsigaw ay hindi humantong sa mas malalang eksena. O kaya naman ay mapigilang magdulot ng lamat na makakasira sa inyong pagsasama.
Ayon kay Seltzer, narito ang mga posibleng dahilan kung bakit parating sinisigawan ng asawa mo. Ang mga dapat mong gawin kung paano pakikitunguhan ang ugali niyang ito.
Hand photo created by wayhomestudio – www.freepik.com
1. Huwag basta aalis sa tuwing nagsisigaw ang iyong asawa.
Madaling umiwas o umalis kaysa makinig sa pagsisigaw ng iyong asawa. Pero ayon kay Seltzer, ito ay maaring magpalala pa ng kaniyang galit o ng inyong sitwasyon.
Sapagkat ang biglaan pag-alis o hindi mo pagpansin sa kaniya ay maaaring magpahiwatig na hindi mo binibigyan pansin ang sinasabi niya.
Ito ay lalong mas magpapalala ng kaniyang galit na kung saan ang verbal attack ay maaring mauwi sa pisikal na.
BASAHIN:
Bakit may lumalanding asawa? Ito ang 7 posibleng dahilan niya
2. Manatiling kalmado. Pakinggan ang sinasabi ng iyong partner o asawa ngunit huwag masyadong dibdibin ito.
Sa oras na magsimula ng magsisigaw ang partner o asawa mo ay manatiling kalmado at makinig lang sa sinasabi niya. Subalit iwasan na ito ay dibdibin.
Ilagay sa isip lalo na kung alam mong wala kang kasalanan, na ang pagsigaw niyang ito ay temporary insanity o saglit na pagkawala niya ng katinuan.
Paliwanag ni Seltzer, ito ay maaring dahil sa isang nakaraan na hindi pa na-oovercome ng iyong asawa na ikaw ang nag-tritrigger o nagpapa-alala.
Pero hindi naman fair na ikaw ang sumalo ng galit at negativity niya ‘di ba? Kaya payo ni Seltzer sa oras na galit at nagsisigaw siya, kumalma ka lang at makinig.
Subalit siguraduhin na hindi ka papaapekto sa sinasabi niya. Paano ito gagawin? Ayon kay Seltzer, makakatulong ang pag-iwas ng tingin sa kaniya o ang pag-posisyon sa 45 degrees angle ng iyong katawan mula sa direksyon ng iyong asawa.
Ito’y para maiwasang maramdaman mo na patama sayo ang lahat ng sinasabi niya. Makakatulong din ang paghinga ng malalim at pagsasabi sa ‘yong sarili ng salitang, “Kalma” o kaya naman ay “Relax. Kaya ko ito.”
3. Manatiling tahimik at huwag na lang patulan ang mga sinasabi niya.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Bagamat nakagagalit at napakasarap sagutin, mabuting huwag na lang muna makipag-usap sa iyong asawa kapag siya ay galit at nagsisigaw na.
Sapagkat unang-una, hindi niya rin naman maiintindihan ang mga paliwanag mo dahil sa labis na galit niya. Pangalawa ay baka mas palalain lang nito ang galit niya at ang inyong sitwasyon.
Hayaan lang muna siyang magsalita ng magsalita. Sapagkat malaki ang posibilidad na ang ginagawa niyang ito ay defense mechanism niya lang sa mga nararamdaman niya.
Ito’y maaaring bunga lang ng pagiging helpless, defective, rejected, ashamed, or unlovable feeling na nararanasan niya. Kaya hayaan lang muna siyang ilabas ito at kausapin siya tungkol sa side mo kapag siya ay mahinahon na.
4. Kausapin siya kapag siya ay mahinahon na.
Paliwanag ni Seltzer, ang taong laging galit panigurado ay may pinagdadaanan. Hindi man nila ito maamin sa kanilang sarili, makatutulong na may taong kakausap sa kanila at makikinig sa kanilang nararamdaman.
Para sa asawa mong palasigaw, ang taong ito ay maaaring ikaw. Kung kaya sa oras na mahimahon na siya ay saka siya kausapin. Pakinggan ang hinaing niya.
Makakatulong ito para mabawasan ang burden na dinadala niya. Ganoon din upang maintindihan mo ang pinanggagalingan ng galit niya. Isa pa ito sa maari mong gawin upang maiwasan ng ma-trigger o maulit pa ito.
5. Kung patuloy o mas napapadalas pa ang pagsigaw niya sa ‘yo ay humingi na ng tulong sa isang eksperto o propesyonal.
Photo by Priscilla Du Preez on Unsplash
Ayon pa rin kay Seltzer, walang sinuman ang deserve na makaranas ng verbal abuse. Lalo na mula sa iyong asawa na inaasahang mamahalin at poprotektahan ka.
Kung ito ay nagpapatuloy o paulit-ulit na tila nakakaapekto na sa ‘yo at sa inyong pagsasama ay humingi na ng tulong sa isang professional. May mga paraan o therapy na maaaring gawin upang maisaayos ito ng iyong asawa.
Ngayon kung ayaw niya ay tanungin ang iyong sarili, dapat ka pa bang mag-stay sa relasyon ninyo o hindi na? Sapagkat ayon kay Seltzer, ang isang pagsasama ay dapat puno ng feelings na dapat nag-iinspire at nag-iencourage sa isang magkarelasyon. Hindi feelings na maaaring maka-damage o makasakit sa isa’t isa.
“Neither you nor anyone else should repeatedly endure such abuse. And if it happens more than once or a few times—and seems neverending—then you definitely need to ask yourself why you remain in such a relationship, and whether you may need professional help to extricate yourself,” ani ni Seltzer.
Pero dagdag pa niya, bawat isa sa atin ay dapat pahalagahan at intindihin. Kung bibigyan mo ng oras na makinig at intindihin ang ipinapakitang ugali ng iyong asawa malaki ang tiyansang ma-overcome niya ito. Sa tulong mo at ng pagmamahal mo sa kaniya.
Kailan nagiging pang-aabuso na ang pagiging palasigaw ng iyong asawa?
Ngunit may hangganan din dapat ang iyong pag-iintindi o pasensya. Lalo na kung ang pagiging palasigaw ng iyong asawa ay nauwi na sa pang-aabuso o verbal abuse. Masasabing pang-aabuso na ito kapag ang iyong asawa ay nagpapakita ng sumusunod:
- Iniinsulto o pinapahiya ka niya.
- Inaakusahan ka niya ng kung ano-ano kahit wala ka namang ginagawa.
- Palagi lang siyang nakasigaw makipag-usap sayo.
- Bigla-bigla nalang siya nagsisimula ng pagtatalo sa pagitan ninyong dalawa.
- Lagi niyang pinaparamdam na siya ang biktima at dapat ay ma-guilty ka.
- Lagi ka niyang sinasabihan ng masasakit na salita.
- Mahilig rin siyang magbato o manira ng mga gamit.
Epekto sa relasyon kapag palasigaw ang asawa
Ayon naman sa philosophy professor na si Elliot D. Cohen, ang pagiging palasigaw ng asawa ay may negatibong epekto sa pagsasama.
Ito ay ang mga sumusunod:
- Kahit na nagpapaliwanag lang ngunit ito ay pasigaw iniisip ng iyong asawa na masyado ka ng defensive at ang mga sinasabi mo ay personally offensive na.
- Dahil sa sumisigaw mas nagiging mainit ang usapan ninyong mag-asawa na nauuwi lalo sa mas malalim na bangayan.
- Dahil sa parehong mainit o mataas na ang tensyon sa pagitan ninyong dalawa ay hindi na kayo lalong magkakaintindihan.
- Kung hindi mapag-usapan ng maayos at hindi na nagkakasundo ay maaring maging banta ito sa inyong relasyon na kapag hindi ninyo naayos ay maaring mauwi sa nakakalungkot na hiwalayan.
6 Epekto kapag parating sinisigawan ng asawa
Woman photo created by dashu83 – www.freepik.com
Kung ang pagiging palasigaw ng iyong asawa ay maituturing na verbal abuse na, ito ay maaring magdulot ng long-lasting effect sa iyong physical at mental health. Ito ay maaring magdulot ng chronic pain, depression at anxiety. Ikaw rin ay maaring makaranas ng mga sumusunod:
- Pag-kuwestyon sa iyong memorya o iniisip mo kung nasa tamang pag-iisip ka pa ba.
- Naging matatakutin ka sa bawat mong galaw na iniisip mong baka magalit ang iyong asawa.
- Nahihiya o na-guguilty ka kahit wala namang ginagawa.
- Pakiramdam mo ay wala kang magawa at wala ng pag-asa.
- Pakiramdam mo ay namamanipula, nagagamit at nakokontrol ng iyong asawa.
- Na-isstress ka sa mga nararanasan mo at nakakaramdam na labis na kalungkutan.
Paano makikitungo sa isang abusado at palasigaw na asawa?
Madalas ang mga verbal abuser ay hindi napipigilan ang kanilang ugali kahit sa harap ng ibang tao. Kaya naman, kung pakiramdam mo ikaw ay biktima na ng isang abusado, marapat na malaman mo ang gagawin sa tuwing ginagawa niya ito sa harap ng ibang tao. Ito ay ang sumusunod:
- Huwag kang umiyak at gumawa ng eksena. Sa halip ay manatili kang kalmado, at kung maari ay umalis nalang at umuwi sa inyong bahay.
- Sa inyong bahay, manatili paring kalmado at huwag patulan ang galit niya.
- Bigyan siya ng oras na ma-realize na may mali siyang ginawa at kausapin siya sa oras na humingi na siya ng tawad sayo.
- Ipakita sa kaniya na ikaw ay mature at marunong makitungo sa imaaturity na ipinapakita niya.
- Mag-set ka rin ng boundaries sa ipinapakita niyang pang-aabuso. Sa oras na ito ay mauwi na sa pisikalan ay agad ka ng umalis ng inyong bahay.
- Kailangan mong maging malakas para maipaalam sa kaniya ang immaturity niya.
- Huwag kang iiyak at huwag ipakita sa kaniya ang iyong kahinaan. Kailagan mong iparamdam sa kaniya na hindi mo deserve ang pang-aabuso niyang ginawa. At bilang kaniyang asawa, ikaw ay dapat na ginagalang at nirerespeto rin niya.
- Tanong na ang iyong sarili kung tama pa bang manatili sa inyong pagsasama kung patuloy ang pang-aabuso na ito.
Maaari rin i-report sa mga ikauukulan ang mga nararanasang verbal abuse na ito. Ayon sa batas may kaukulang itong parusa. Sapagkat bilang mag-partner at mag-asawa kahit hindi ka man sinasaktan ng pisikal ay hindi tama na lagi kang sinisigawan at nakakaranas ng verbal abuse.
Saan maaaring tumawag o humingi ng tulong kung nakakaranas ng verbal abuse?
Kung nakakaranas ng verbal abuse, ay maaring makipag-ugnayan at humingi ng tulong sa mga sumusunod na opisina at numero.
PNP Hotline: 177
Aleng Pulis Hotline: 0919 777 7377
PNP Women and Children Protection Center
24/7 AVAWCD Office: (02) 8532-6690
Email address: wcpc_pnp@yahoo.com / wcpc_vawcd@yahoo.com / avawcd.wcpc@pnp.gov.ph
O kaya tumawag sa Inter-Agency Council ng Violence Against Women and Their Children Secretariat sa mga sumusunod na contact details:
iacvawc@pcw.gov.ph
(632) 8733-6611 / 8735-1654 loc.122
0917-867-1907
Source: Psychology Today, Healthline, PCW, Very Well Mind