Paano nga ba maging mabuting asawa? Simple lang! Iwasan ang limang bagay na ito na madalas pinagsisimulan ng away ng mag asawa.
Mababasa sa artikulong ito:
- 5 bagay na hindi dapat ikagalit tungkol kay mister
- Bakit kailangang ipagsawalang bahala ito
Hindi madali ang pagpasok sa buhay may asawa. Asahan mo nang marami kang mararanasang problema habang tumatagal. Bukod sa pagiging masaya, galak ng mag-asawa, makakaranas din sila ng frustration at minsan ay galit sa isa’t isa. Subalit bilang asawa, kailangang ilugar mo rin ang iyong galit.
May iilang aspeto na kailangan mong ipagsawalang bahala na lamang. Partikular kung tungkol ito sa iyong asawa.
5 bagay na hindi dapat ikagalit tungkol kay mister
1. Mga nakaraang relasyon ni mister
Oo, mahirap ang mag move on mula sa nakaraang relasyon. Subalit ang pag-ungkat pa ng naraan ay hindi nakakaresolba ng away ngayon.
Gaya ng sikat na kasabihan, past is past. Maaaring magkaroon lang ng lamat ang samahan niyo ni mister kung laging pinaguusapan ang nakaraan.
Laging tatandaan na sa huli, ikaw ang pinili niya. Gaano man ang kalalim ang naging relasyon niya dati, ‘wag nang problemahin pa ito ngayon. Lalo na kung pareho kayong may malalim na relasyon dati.
Piliin ang magmahal dahil pinili ka niya.
BASAHIN:
36 na palatandaan at katangian na mabuti kang asawa kay mister
Laging disappointed kay mister? Maaaring ikaw pala ang may problema at hindi siya!
Trust your hubby! Dahilan kung bakit hindi dapat magselos kapag may kaibigang babae si mister
2. Kapag nakapagbitaw ng masakit na salita ang iyong asawa
Ang galit ay nakakapagpalala ng isang sitwasyon. Kadalasan, nakakapagbitaw tayo ng mga salitang masasakit o hindi natin gustong sabihin talaga.
Maaaring masabihan ng masasakit na salita ang iyong asawa dahil sa tensyon na nararanasan. Pero laging isaisip na kailangang mag-usap ng mahinahon at kalmado.
Hindi malulutas ang isang problema kung puro galit ang papairalin sa iyong asawa. Subukang unawain ang sitwasyon at ilagay ang sarili sa kanilang mga paa. Kapag humupa na ang tensyon, dito na pag-usapan ng masinsinan ang nangyari.
3. Paglimot sa kaarawan o anibersaryo
Talaga namang nakakainis kapag may nakakalimot ng kaarawan natin. Lalo na kapag usapang anniversary. Pakriamdam natin ay walang pakialam ang ating asawa sa relasyon kapag nakalimutan nila ito.
Subalit laging tatandaan na hindi ito ang pangunahing kaso at may mga taong hindi talaga magaling kumabisa ng petsa.
Maaaring mas inaalala ng iyong asawa kung paano kayo alagaan. Katulad na lamang kung paano kayo pasaiyahin araw-araw kasama ang inyong mga anak.
Imbes na magalit ng patago, sabihin mo sa iyong asawa na ang mga petsang ito ay mahalaga para sa ‘yo.
4. Hindi pagpansin kapag nagsasalita ka
Kagaya mo, maaaring madaming iniisip din si mister. Kaya naman ‘wag magdamdam kung hindi ka niya napansin kapag may ikinukwento ka.
Lahat tayo ay hindi alam kung anong iniisip ng isang tao. Sa ganitong sitwasyon, ipaalala sa kanila na maaari kang kausapin at handang makinig sa kanilang mga pag-aalala.
Natural lang na malunod sa sariling alalahanin lalo na kung masyadong marami kang iniisip. Dahil rito, may pagkakataong hindi natin napapansin ang isang taong kinakausap pala tayo.
Mahalaga ang komunikasyon para sa isang relasyon. Bigyan din si mister ng space o katahimikan kahit papaano para makapag-isip ito ng malaya. Isa ito sa mga bagay na hindi dapat pinapalaki pa sa buhay mag-asawa.
Paano maging mabuting asawa? Mga bagay na hindi dapat ikabahala | Photo by Arturo Rey on Unsplash
5. Reklamo sa mga binibili mo
Walang masama sa pagbili ng mga bagay na gusto mo. Kailangan ito para pasiyahin natin kahit papaano ang ating mga sarili. Kung sakaling nagrereklamo ang iyong asawa tungkol sa mga binibili mo, ipaalala hindi lang sa kanila kundi pati sa iyong sarili na deserve mo ito kahit papaano.
Maaaring ang concern ng iyong asawa ay ‘wag ka masyadong gumastos at bumili. Subalit ‘wag ma-guilty sa pagbili ng gusto at kailangan mo. Ipaalam sa kaniya na tama ang paglabas ng iyong pera at marunong kang ibalanse ito.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!