Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat mahiya kapag nakita kang umiiyak ng anak mo

Parent crying in front of kids, kailangan bang ikahiya ito? | Lead Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Parent crying in front of kids

Noong bata ka pa, nakita mo ba ang iyong nanay o tatay na umiiyak? Kung hindi, malamang ito ay kanilang tinatago o pinipili nilang hindi ipakita sa kanilang mga anak na umiiyak sila.

Madalas nating makita ang ating mga magulang na nakangiti, masungit o mahigpit. Ngunit hindi natin sila nakikitang umiiyak pero nararamdaman nating may problema sila.

Mommy at daddy, ganito ka rin ba? Nahihiya kang magpakita ng emosyon sa iyong mga anak lalo na kapag ikaw ay umiiyak?

Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat mahiya kapag nakita kang umiiyak ng anak mo | Image from Freepik

Ayon sa pag-aaral, tinatago ng mga magulang ang kanilang emosyon katulad ng pag-iyak sa kanilang mga anak dahil ayaw nilang malamanan ito ng kanilang mga anak. Marahil sila ay nahihiya o kaya naman ayaw iparamdam sa kanyang anak na malungkot siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal ito sa bawal magulang ngunit alam mo bang may benepisyo rin ang pag-iyak sa harap ng iyong mga anak?

Hangga’t maaga pa lang, gawin nating normal ang ganitong set-up.

Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat mahiya kapag nakita kang umiiyak ng anak mo

Parent crying in front of kids, kailangan nga bang ikahiya ito? Mommy, it’s okay not to be okay! There’s a rainbow always after the rain!

1. Magiging open kayo sa isa’t-isa ng iyong anak

Kapag hinayaan mong ipakita ang pag-iyak mo sa iyong anak, maaaring tanungin ka nila agad kung anong meron at kung anong dahilan ng pag-iyak mo. Mommy, ‘wag mahiya na sabihin ang iyong nararamdaman sa iyong mga anak lalo na kung nasa tamang edad na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat mahiya kapag nakita kang umiiyak ng anak mo | Image from Freepik

Isa sa pinakamabisang communication ng dalawang tao ay ang emosyon.

Nakabubuti sa relasyon ng mag-ina ang pagiging bukas nito sa isa’t-isa. ‘Yung tipong kapag may problema ang iyong anak, maliit man ‘yan o malaki, hindi siya nahihiyang magsabi sa’yo dahil pinagkakatiwalaan ka niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. ‘Wag ikahiya ang pag-iyak sa harap ng iyong anak

Lagi nating tatandaan na ang pag-iyak ay hindi senyales ng kahinaan. Sa modernong panahon, ang pag-iyak ng isang tao ay simbolo ng katapangan. Ito ay dahil nagkakaroon sila ng lakas ng loob na ipakita ang kanilang totoong nararamdaman sa isang taong pinagkakatiwalaan nila.

Ito ay katulad rin sa relasyon niyo ng iyong anak. Hindi na iba ang iyong anak sa iyo. Malaki ang maitutulong nila sa pagpapagaan ng iyong kalooban.

3. Ipaalala sa iyong anak na magiging okay ang lahat

Kung masyado pang bata ang iyong anak at nakita ka nitong umiiyak, hindi mo naman kailangang sabihin sa kanya ang pinaka dahilan ng iyong pag-iyak. Hindi pa niya maiintindihan ang mga pangyayari at baka lalo lang itong ma-confused at maguluhan. Maaari mo siyang bigyan ng conclusion na nagsasabing ‘Malungkot lang si mommy. Part ng life ang pag-iyak kaya dapat hindi ito itago. Magiging okay din ako, ‘wag kang mag-alala.’

Sa paraang ito, tinuruan mo rin ng bagong aral ang iyong anak. Ito ay ang emosyon na normal sa mga tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat mahiya kapag nakita kang umiiyak ng anak mo | Image from Shutterstick

4. Matututunan niya kung paano mag handle ng sitwasyon

Sa murang edad ng iyong anak, siguradong magugulat siya kapag nakita ka niyang umiiyak mag-isa. Maaaring lapitan ka nito at tanungin kung bakit ka umiiyak. Mayroon ring ibang anak na kapg umiiyak ka, iiyak din sila dahil akala nila, sila ang may kasalanan.

Sa ganitong pagkakataon, may natututunang bago ang iyong anak. Natuturuan mo siya ng emosyon na normal habang lumalaki siya. Maaari mo siyang sabihan na magiging okay ang lahat at walasiyang dapat ipangamba. Habang lumalaki siya, pwedeng maging normal na sa kaniyang mata ang salitang pag-iyak. Matututunan na rin niya itong i-handle ng mabuti.

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Huffpost

BASAHIN:

“Dads, okay lang umiyak.” here are the reasons why it’s good for you

Okay lang ba na hayaan umiyak si baby? Ito ang sabi ng mga eksperto

Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na

Sinulat ni

Mach Marciano