Okay lang ba na hayaan umiyak si baby? Ito ang sabi ng mga eksperto

Okay lang ba na hayaan umiyak si baby? Ito ang sabi ng mga eksperto

Masyado na bang napapadalas ang pag iyak ni baby sa gabi? Mommy, baka oras na para hayaan mo siyang umiyak kahit sa maikling oras lamang!

Ang pag iyak ni baby sa gabi o araw ay isang way ng komunikasyon nila sa kanilang magulang. Kapag sila ay umiyak, automatic na may nais silang ihatid na mensahe katulad ng pagka gutom, inaantok o hindi sila komportable sa kanilang hinihigaan. Ngunit hindi ibig sabihin na kailangan mong maliitin ang kanilang kakayahan na ganito. Alam mo ba na ang mga baby ay madalas na umiiyak sa gabi dahil alam nilang makukuha nila ang kanilang kagustuhan sa oras na ito? Kaya minsan, mas mabuting hayaan na umiyak ang iyong anak kahit sa maiksing oras.

pag-iyak-ni-baby-sa-gabi

Pag iyak ni baby sa gabi | Image from jcomp on Freepik

Ngunit paano ba malalaman ang tamang oras kung kailan mo hahayaang umiyak ang iyong anak sa gabi? Well, hayaan mong sabihin ko kung paano mo madadaanan ang pinaka matinding pagsubok sa lahat, ang hayaang paiyakin ang iyong anak.

Okay lang ba na hayaan umiyak si baby?

Pag iyak ni baby sa gabi

Once na mauwi mo na ang iyong baby sa bahay, malalaman mo agad ang iba’t-ibang klase ng kanilang pag-iyak. Magkaiba ang iyak ng bata kapag puno na ang kanilang diaper, naiinitan at sa gutom na sila. Pakinggan ang pag-iyak ng iyong anak at alamin ng mabuti kung ano ba talaga ang kanilang kailangan o problema. Kapag hinayaan mo silang umiyak, malalaman mo rin agad kung ano ang nais nilang sabihin sa iyo.

pag-iyak-ni-baby-sa-gabi

Pag iyak ni baby sa gabi | Image from Hu Chen on Unsplash

Okay lang ba na hayaan umiyak si baby?

Laging i-check si baby kapag nagsimula itong umiyak. Alamin kung anong kailangan o problema nila. Kung sakaling wala kang nakita o napansing kakaiba sa kaniya at alam kong kakapakain mo lang, mabuting hayaan mo lang na umiyak sandali ang iyong baby. Meron kasing ibang baby na laging umiiyak dahil gustong makuha ang atensyon mo o gustong magpakalong. Ang challenge lang dito ay kailangan mong malaman kung may kailangan lang ba talaga sila o gusto lang nila ng atensyon mo.

Ngunit tandaan lang na hindi ibig sabihin nito ay kailangan mo na silang pabayaan na umiyak ng ilang oras. Ngunit dahil kailangan lang nilang madisiplina para hindi ka na matataranta kapag nag simula silang umiyak. Kung hahayaan kasi ito at laging kukunsntihin ang pag iyak ni baby, masasanay at maaaring dalhin niya ito hanggang paglaki.

pag iyak ni baby sa gabi

Pag iyak ni baby sa gabi | Image from Dreamstime

Okay lang ba na hayaan umiyak si baby? Ito ang sabi ng mga eksperto

Hindi naman kailangang pagtalunan ang pag-aaral na ito dahil may ibang case na natala sa parehong panig. May ilan kasing pag-aaral na nag sasabing maaaring magkaroon ng emotional damage ang isang baby kung hahayaan itong paiyakin lang. Alalahanin na ito ay isang theory lamang ngunit madaming eksperto ang nagsasabing ‘wag hahayaang paiyakin ang iyong anak ng matagal. Dahil pwede rin itong makaapekto sa kanilang lalamunan na maaaring makapapagdulot ng malaking problema.

Nasa desisyon pa rin ng isang magulang ito kung hahayan nilang umiyak ang kanilang baby ng ilang minuto.

Ang pag-iyak ng isang bata ay makakatulong rin sa kanila kahit papaano. Katulad na lamang ng pag-exercise ng kanilang lungs. Ngunit siguraduhing walang ibang kailangan ang iyong anak bago ito hayaang umiyak. I-check lang kung sila ba ay gutom, basa, naiinitan o nalalamigan. Kung sakaling nagawa mo na ang mga ito, titigil na si baby mula sa pag-iyak.

Ikaw ba mommy? May tips kaba kung paano mo malalaman kung ano ang ibig sabihin ng pag-iyak ni baby? I-share mo na ‘yan!

 

Panoorin ang video na ito para malaman kung anong edad ba pwedeng hayaang umiyak ang isang bata:

 

Republished and translated with permission from theAsianParent Singapore

 

BASAHIN: Why it’s not O.A. to cry at your child’s moving up day

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner