South Korean star Park Shin Hye gives birth to her first child with Choi Tae Joon!

Alamin din kung paano ang naging takbo ng love story ng dalawang Korean superstars.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Park Shin Hye ipinanganak na ang baby boy nila ng kaniyang Choi Tae Joon. Alamin din kung paano nagsimula ang love story ng dalawang top South Korean celebrities.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Park Shin Hye at Choi Tae Joon ganap ng mga magulang na ngayon
  • Love story nila Park Shin Hye at Choi Tae

Park Shin Hye at Choi Tae Joon ganap ng mga magulang na ngayon

Larawan mula sa  Koreaboo

Ganap ng mga magulang ang mga Korean superstars na sina Park Shin Hye at Choi Tae Joon. Dahil si Park Shin Hye ipanganak na ang baby boy nila nitong May 31 sa Seoul. Ito ang magandang balita na ibinahagi ng Salt Entertainment, ang talent agency na naghahandle sa career ng mag-asawa.

“We are sharing news that actress Park Shin Hye gave birth to a healthy baby boy at a hospital in Seoul today (May 31).”

Dagdag pa nila ang aktres ay nasa maayos na kondisyon at ganoon rin ang anak niya. Ang mga ito ay inaalagaan ng actor na si Choi Tae Joon at mga mahal nila sa buhay.

“Actress Park Shin Hye and her child are in good health, and she is resting with the blessings of her husband, actor Choi Tae Joon, and her acquaintances.”

Nagpaabot rin sila ng pasasalamat sa mga taong bumati sa mga new parents at sinusuportahan sila sa bagong yugto na ito ng kanilang buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We express deep gratitude to everyone who has sent congratulatory messages. And we ask that warm blessings and support be sent to actor Park Shin Hye and Choi Tae Joon who have welcomed a valuable life.”

Ito ang sabi sa opisyal na pahayag na inilabas ng Salt Entertainment.

BASAHIN:

Andi Eigenmann sa tuwing naloloka sa pag-aalaga sa tatlo niyang anak: “I just tell myself, ‘ginusto mo ‘yan!'”

Jason Hernandez umaming hiwalay na kay Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

LOOK: Donita Rose engaged na sa kaniyang boyfriend na si Felson Palad!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Love story ng dalawang Korean superstars

Larawan mula sa Soompi

Sina Park Shin Hye ay nakilala sa mga Korean dramas na “Stairway to Heaven”, “The Heirs” at “Pinocchio”. Habang ang aktor na si Choi Tae Joon naman ay nakilala sa paganap niya sa series na “So I Married the Anti-Fan”, at “Suspicious Partner”.

Nagsimulang mag-date ang dalawa noong 2017 at isinapubliko ang kanilang relasyon noong 2018. At nito ngang Nobyembre nang nakaraang taon ay inanunsyo nila na papasok na sila sa panibagong level ng kanilang relasyon. Ito ay ang pagpapakasal na ayon kay Park Shin Hye ay sa isang kaibigan na nandyan at nakasuporta sa kaniya ng matagal ng panahon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I’m very nervous to be sharing this news today, and on one hand, I’m worried that you might be very surprised by this sudden news. But I still wanted to tell all of you first.”

“I am getting married with the person I have been in a relationship with for a long time. He has been a source of support for a long time and embraced all of the shortcomings of the person Park Shin Hye. And I would like to begin a life as a married couple with him.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Park Shin Hye noon tungkol sa pagpapakasal kay Choi Tae Joon.

Kasunod nito ay ibinahagi niya rin ang isa pang nakakagulat ngunit magandang balita. Ito ay ang ipinagbubuntis niya na noon ang anak nila ni Choi Tae Joon. Pangako niya pa noon na sisikapin niyang panatilihin ang pagkakaroon ng good image para narin sa binubuo nilang pamilya.

"And though I am cautious to say this as it is very early on, I was blessed with a baby. I wanted to tell you before anyone else. I will show you a positive side after I start a family as well."

Ito ang sabi pa ng aktres na nagangako ring babalik pa sa pag-aartista base sa inilabas niyang pahayag.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Soompi

Samantala, ang actor na si Choi Tae Joon ay naglabas rin ng kaniyang opisyal na pahayag ukol sa pagpapakasal nila Park Shin Hye noon. Ang aktres ay isinalarawan niya bilang kaniyang savior na ninanais niyang makasama sa pagbuo ng isang pamilya. Ibinalita niya rin na magkakaanak na nga sila.

“She is like a savior to me who taught me without words to smile brightly when I’m happy and to cry out loud when I’m sad. Now, we would like to make our marriage vows and let this love that I’m grateful for bear fruit.”

“And though I feel cautious saying this, we were blessed with a baby while preparing for the new chapter in our lives.”

Ito ang sabi pa noon ng aktor.

Nito ngang Enero ay ikinasal na ang dalawa. Ang kanilang kasal ay ginanap sa isang private ceremony na dinaluhan ng ilan pang kilalang Korean superstars tulad ni Lee Min-ho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement