Para sa mga magulang na dinadala ang kanilang mga anak sa daycare, mahalaga ang safety at tiwala. Siyempre, dahil ang mga guro sa daycare ang dapat na gumaganap ng papel bilang pangalawang magulang.
Kaya ganun na lang ang gulat ng isang ina nang makita niyang mayroon mga kagat sa likod ang kaniyang 15-buwan na baby. Aniya, ang mga pasa ng bata raw ay hindi sa kanila pinaalam ng daycare, at pinaghihinalaan nilang isang kaklase ng bata ang may gawa nito.
Mga pasa ng bata sa likod, dahil raw sa kagat ng kaklase
Kwento ng inang si Alicia Martin, mula Arizona, USA, sinundo lang raw niya ang kaniyang anak na si Rosalynn, at napansin na parang may mga marka sa likod ng bata.
Nang tingnan nilang mabuti, napansin ni Alicia na parang mga marka ng kagat ang nasa likod ng bata. Sa sobrang dami raw ng kagat, ay naiyak si Alicia dahil naawa sa kaniyang anak.
Ang isa pa niyang kinagagalit ay bakit raw hindi siya sinabihan ng preschool sa nangyari. Aniya, 5 araw pa lang nilang sinusubukan ang daycare, at ganito na kaagad ang nangyari sa anak niya.
Dahil dito, nagsampa ng reklamo si Alicia, sa pulis. Hinala ng mga awtoridad, kapwa bata rin ang kumagat kay Rosalynn.
Napag-alaman rin na dati nang mayroong nagreklamo sa daycare. Ito raw ay dahil hindi nababantayan ang dami ng bata sa daycare, at hindi natutukan ang paglabas at pagdating ng mga bata.
Dagdag pa ni Alicia, sigurado raw siyang nag-iiyak sa sakit ang kaniyang anak dahil sa nangyari. Ngunit bakit raw tila walang nakarinig sa kaniyang anak, o kaya tumulong man lamang.
Ano ba ang dapat tandaan sa pagpili ng daycare?
Heto ang ilang mga bagay na dapat tandaan ng mga magulang pagdating sa pagpili ng daycare:
- Mag-research muna tungkol sa background ng daycare; kung mayroong mga reklamo, o kaya naging problema noong nakaraan.
- Humingi ng rekomendasyon mula sa mga kaibigan o kamag-anak kung saan ang mapagkakatiwalaang daycare.
- Siguraduhin na kumpleto ang mga permit ng daycare.
- Mabuti ring bisitahin muna ang daycare upang alamin kung ligtas ba sila at may sapat na mga facilities.
- Maganda ring kilalanin ang mga nag-aalaga sa mga bata, at alamin kung qualified ba silang maging caretaker ng mga bata.
- Mas mabuting pumili ng daycare na kakaunti lang ang bata, dahil mas matututukan ng mga bantay ang kanilang mga inaalagaang bata.
Source: Newshub
Basahin: Murder of 9 students bares long-term dangerous effects of bullying
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!