X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Pasma: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol dito

7 min read
Pasma: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol ditoPasma: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol dito

Kadalasang sinasabi ng matatanda na maaaring magkaroon ng lamig sa katawan o pasma sa katawan kapag naligo nang pagod. Ano nga ba ang katotohanan dito?

Narito ang lahat ng dapat malaman tungkol sa pasma sa katawan.

Nanginginig at pawis ang mga kamay, malamig ang likod at sumasakit o makirot ang kalamnan, kundi naman ay namamanhid. Ito ang tinatawag na pasma sa katawan ng mga matatanda.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Totoo ba ang pasma o “folk illness” lang?
  • Ano ang gamot sa pasma
  • Paano maiwasan ang pasma

Mula ito sa salitang Kastila na espasmo, o ‘spasm’ sa Ingles. Ngimay, kalambre, manhid, pamimitig, ngalay, kisig, kislig, ang ilang mga salitang kasingkahulugan nito.

pasma

Pasma at lamig sa katawan | Image from iStock

Sabi ng matatanda…

Nakukuha daw ito sa biglang pagsala ng katawan sa mainit at malamig. Ang iba ay sinasabing sanhi ng pasma ang mga “lamig sa katawan.”

Lumaki akong palaging pinapaalalahanan ng lola ko na huwag magbabasa ng paa pagkagaling sa pagtakbo sa labas, o kapag kahuhubad lang ng sapatos, kundi ay pasma at malalaking ugat sa binti at paa ang aabutin ko. Kailangan muna itong ipahinga bago hugasan o basain. Pati nga ang paliligo o paghihilamos pagkatapos magbasa ng libro o tumingin sa computer ng matagal ay nakakapasma din daw.

Totoo ba ang pasma o “folk illness” lang?

Kung ang pasma ay galing sa salitang espasmo, o spasm, ibig sabihin ay ang kondisyong musculoskeletal spasm ang katapat nito sa terminong medikal na Ingles. Sa madaling salita, ito ay karamdamang sanhi ng kapaguran ng kalamnan. Dahil sa sobra o di-wastong pag-gamit ng mga kasukasuan (joints) o mga kalamnan (muscles).

BASAHIN:

Pasma sa ugat: Sanhi, sintomas at komplikasyon na dapat bantayan

Pasmadong kamay: 4 na lunas para sa pasma ng kamay

Ano ang postpartum preeclampsia? Mga mahalagang impormasyon tungkol dito

Ang mga sintomas nang nabanggit ay nakakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng katawan, at maaaring magkaro’n ng iba pang sintomas. Pinakakaraniwan ay ang pasma ng kamay at likod.

Paliwanag ni Dr. Jean Marquez, FPDS, isang dermatologist, ang pagpapawis ng kamay o palad ay sanhi ng kondisyong hyperhidrosis, isang hereditary o namamanang karamdaman.

Paliwanag ni Patricia Mirasol, RN at wellness enthusiast, ang labis na pag-gamit ng kamay sa pagtatrabaho ay isang pangunahing sanhi ng pasma. Nakakasama ang paghuhugas ng kamay pagkatapos ng anumang manual labor tulad ng pananahi, pagpaplantsa, pati ang pagtugtog ng piano o gitara, o paglalaro ng sports tulad ng badminton, tennis, table tennis at basketball.

Karaniwan ang lamig at panginginig ng skeletal muscles ay sanhi ng labis na pagod ng  muscles, dehydration, at electrolyte abnormalities. Madalas ay hindi ito tumatagal, pero nauulit-ulit. Kung ang pasma ay labis na masakit na nakakaantala sa pag-galaw at pagtatrabaho, kailangang ikunsulta ito sa doktor/espesyalista, para malaman ang sanhi nito.

Paliwanag naman ni Mirasol, ang pasma ay maaaring isang paraan ng katawan upang sabihin na “pagod” na ito, at kailangan nang ipahinga muna.

pasma

Pasma at lamig sa katawan | Image from Unsplash

Pasma at lamig sa katawan

Ayon sa isinulat na medical article ni Paul Ingraham, na pinamagatang Cramps, Spasms, Tremors and Twitches, ang pasma o spasms ay involuntary o hindi nakokontrol na tremors at lamig sa katawan.

Ito ay dahil hindi kusang makapag-relax ang muscles sanhi ng sobrang pagod. Karaniwang nararamaman sa likod, balakang, kapay, paa, braso, pati abdomen. Kasama din dito ang tinatawag na pulikat o paninigas ng calves o likod ng muscles sa binti.

Ang paliwanag na medikal ni Dr. Benjamin Wedro, MD, FACEP, FAAEM, sa isinulat niyang artikulong may pamagat na “Muscle Spasms” sa medicine.net, nagiging pasmado kapag hindi sapat ang fluid o tubig sa katawan (dehydrated), hindi nakapag-stretching bago ang anumang mabigat na gawaing pisikal, may muscle fatigue o pagod sanhi ng anumang mabigat na gawaing pisikal,  nag-eehersisyo sa mainit na panahon o lugar, at may electrolyte imbalance sa potassium, magnesium at calcium.

Ito ang masasabing medikal o scientific basis ng sinasabing teroya ng init at lamig.

Kapag ang muscles ay naubusan ng lakas o energy, dahil nga sa labis na paggamit nito, at naubos ang fluid (lalo na kapag mainit ang kapaligiran) nagkakaron ng forceful contraction, o spasm. Ito ang sinasabing pakiramdam na pasmado.

Ano ang gamot sa pasma?

Kapag hilot ang tatanungin, coconut oil o langis ng niyog at alcohol ang ipanggagamot sa pasmadong kamay, paa o likod. Ito ay kasanayang Filipino na minana sa mga ninuno pa. Mayro’n din binababad sa maligamgam na inasnang tubig o di kaya ay tubig na may bigas para matanggal ang pasma.

“Folk illnesses are specific to particular cultures but are not described in medical textbooks nor discussed in medical schools (Michael Tan, 2007).”

Ayon sa mga doktor, ang pag-gamot sa pasma ay mula sa paniniwalang Filipino na hindi sumusunod sa kumbensiyonal na medisina o paggamot. Bagkus, sumusunod ito sa paniniwalang ang katawan natin ay nangangailangan ng balanse o pantay na init at lamig, at kapag mas marami ang lamig, o mas nananaig ang init, magkakaron ng pasma.

pasma

Pasma at lamig sa katawan | Image from Unsplash

Partner Stories
Make an Upgrade for Your Active Baby With the New and Improved Huggies Dry Pants
Make an Upgrade for Your Active Baby With the New and Improved Huggies Dry Pants
VIU Original Pretty Liars returns for a second season
VIU Original Pretty Liars returns for a second season
Alorica revitalizes job market with thousands of new opportunities in BPO
Alorica revitalizes job market with thousands of new opportunities in BPO
Glorietta’s Food Choices Reopens with a New Look and an Exciting Dining Lineup
Glorietta’s Food Choices Reopens with a New Look and an Exciting Dining Lineup

May mga karaniwang paggamot para sa mga sintomas tulad ng sakit o kirot.

  1. Pain relievers. Kung labis ang pananakit, nariyan ang Ibuprofen, Paracetamol, at Mefenamic Acid para makatulong na maibsan ang nararamdamang sakit na iniuugnay sa pasma.
  2. Hilot o masahe. Kapag may “tremors” o panginginig na nararamdamn, o di kaya ay lamig ng kalamnan, ang tradisyonal na manghihilot ang tinatawag para maremedyuhan ang karamdaman. Gamit ang langis ng niyog, minsan ay may kasamang luya, alcohol, camphor oil. Hinahaplas ang apektadong bahagi ng katawan para mainitan at mahagod ang kalamnan. Kung hindi man hilot, ang pagmamasahe ng marunong at aral na massage therapist ay malaki rin ang naitutulong, gamit naman ang Efficasent Oil o anumang liniment o ointment.
  3. Init sa lamig, at lamig sa init. Ayon kay Dr. Wedro, ang paglalapat ng lamig sa makirot o masakit na apektadong bahagi ng katawan, o init sa namamanhid o nangingimay na muscles ang nararapat na paggamot. Cold o hot compress ang katapat ng mga sintomas na ito.
  4. Para sa pagpapawis ng kamay, makakatulong ang baking soda lang. Maglagay lang ng dalawang tasang baking soda sa maligamgam na tubig. Haluin hanggang matunaw ang pulbos, at ibabad dito ang mga kamay sa loob ng 10 minuto.

Paano maiwasan ang pasma?

Higit sa lahat, importante ang pagpapahinga para makatulong na humupa ang pasma. Kung labis ang sakit at paulit-ulit nang nangyayari, dapat nang dalhin sa doktor para malaman kung may iba pang kondisyon na nagiging dahilan ng mga sintomas, tulad ng arthritis.

Para maiwasan ang pasma, makabubuting mag-stretching o mag-warm up bago ang anumang mabigat na gawaing pisikal. At magpahinga kung nakakaramdam na ng labis na pagod. Bago pa sumugod sa susunod na gawain. Importante ding uminom ng tubig o fluids para manatiling hydrated.

Walang masama kung susundin ang mga matatanda: iwasan ang biglaang pagbabago sa kondisyon at temperatura ng katawan. Pagkatapos ng isang mabigat na gawain (kahit na pagbabasa ng libro lang ito, napapagod pa rin ang mata) huwag munang maligo. Iwasan ang biglang mababasa, maiinitan, o malalamigan ang katawan.

 

Sources:

Jean Marquez, FPDS, dermatologist; Patricia Mirasol, RN at wellness enthusiast; Cramps, Spasms, Tremors and Twitches ni Paul Ingraham; “Muscle Spasms”, medicine.net, ni Benjamin Wedro, MD, FACEP, FAAEM, Cleveland Clinic, Medical News Today 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Pasma: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol dito
Share:
  • Lamig sa katawan (muscle spasm): Sanhi, gamot o paunang lunas

    Lamig sa katawan (muscle spasm): Sanhi, gamot o paunang lunas

  • Pasma sa ugat: Sanhi, sintomas at komplikasyon na dapat bantayan

    Pasma sa ugat: Sanhi, sintomas at komplikasyon na dapat bantayan

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • Lamig sa katawan (muscle spasm): Sanhi, gamot o paunang lunas

    Lamig sa katawan (muscle spasm): Sanhi, gamot o paunang lunas

  • Pasma sa ugat: Sanhi, sintomas at komplikasyon na dapat bantayan

    Pasma sa ugat: Sanhi, sintomas at komplikasyon na dapat bantayan

  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

    Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.