Pasmadong kamay: 4 na lunas para sa pasma ng kamay

Ang pasma ay paniniwala ng mga Pilipino at walang katumbas sa Western medicine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroon ka bang pasmadong kamay? Ano nga ba ang gamot sa pasmadong kamay?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sanhi ng pamasdong kamay
  • Sintomas ng pasmadong kamay
  • Payo ng doktor patungkol rito

May ilang mga tradisyon at paniniwala ang mga Pilipino, na tunay na tatak Pinoy. Katulad ng “paglilihi” at “usog”, ang “pasma” ay walang aktuwal na katumbas na medical o scientific equivalent ang colloquial na salitang ito. Ito ay ayon kay Dr. Regent Andre Piedad, MD. Musculoskeletal spasm ang pinakamalapit na maaaring tawag dito.

Wala mang direktang scientific findings tungkol sa pasma o pasmadong kamay, hindi ibig sabihin ay hindi ito “totoo.” May mga paraan para malunasan ito, at una na dito ay ang malaman ang mga karaniwang sintomas.

Image from Freepik

Mga sintomas ng pasma

Pasmadong kamay ang pinakamadalas na daing ng mga pasyente. Nariyan ang pangangalay o panginginig ng kamay, pagpapawis, pamamanhid, o di kaya ay sumasakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Madaming pasyente ang dumadaing ng labis na pagkabasa o pagpapawis ng palad (palmar hyperhidrosis) o panginginig ng kamay,” paliwanag ni Dr. Piedad.

Madalas na napapasma ang kamay ng mga taong direktang ginagamit ang mga kamay nila sa pagtatrabaho. Ito ay tulad ng magsasaka, labandera at plantsadora, atleta, pati mga musikero tulad ng pianista at gitarista.

Ilang pang mga sintomas ay animo’y pamamaga ng ugat sa kamay o iba pang bahagi ng katawan, mataas na lagnat, malubhang sipon na posibleng mapunta sa respiratory at brain malfunctions, pagkasira ng nerves na nagiging sanhi ng pagkabulag.

Bakit ba napapasma?

Madalas pinapaalala sa akin ng lola ko noon na hindi dapat basain ang mga kamay pagkatapos mag-plantsa dahil mapapasma ka. Pasma ang aabutin ng kamay o ilang bahagi ng katawan kapag nabibigla sa init at lamig. Kapag galing sa init at nalamigan, o galing sa malamig at biglang nainitan, nagkakaron ng “imbalance” at nabibigla ang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa sa mga atleta, kapag pagod sa pagsasanay sa init, ang muscles ng katawan ay mainit din, kaya hindi dapat na mababad o ma-expose sa lamig tulad ng tubig o kuwartong may air-conditioning. Ipahinga muna ang katawan at saka maligo o magbasa kung talagang kinakailangan.

Para maging malusog ang pangangatawan, kailangan daw ay may balanse at “synergy” ng init at lamig sa ating sistema. Ang imbalance nga ay magiging sanhi ng pasmadong kamay.

Photo by Jeremy Yap on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Pasma: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol dito

Gamot sa pamamanas ng paa habang buntis na dapat mong malaman

Pasma sa ugat: Sanhi, sintomas at komplikasyon na dapat bantayan

Payo ni Doc tungkol sa pasmadong kamay

Dahil nga walang medical basis ang mismong pasma, kailangang suriing mabuti ng doktor ang posibleng sanhi ng mga sintomas. “We first have to rule out na walang organic o endocrinologic basis, o ugat ng mga sintomas tulad ng hyperthyroidism,” pagdidiin ni Dr. Piedad. May mga thyroid function tests para makita kung may derangements o pagkasira ng thyroid gland, dagdag niya.

Ilang mabisang gamot sa pasmadong kamay at paa (home remedy)

Walang iisang gamot sa pasmadong kamay. Ngunit narito ang ilang epektibo at subok nang lunas para sa mga sintomas na karaniwang nararamdaman.

  1. Masahe. Napapag-aralan ang pagmamasahe sa sariling kamay para maibsan ang pamamanhid, panginginig at iba pang sintomas ng pasmadong kamay. Maaaring gumamit ng luya, coconut oil, at alcohol. May mga gumagamit ding ng hugas-bigas o tubig na pinaghugasan ng isasaing na bigas, imbis na langis, para sa masahe.
  2. Mga pambabad. Mabisa sa nagpapawis na kamay ang maligamgam na tubig na may asin, na puwede ring lagyan ng dahon ng bayabas, pati na ang nabanggit na hugas bigas. Ibabad lang ang kamay ng ilang minuto kada araw.
  3. Herbal-Steam Therapy. Nakakatulong din ang pagpapakulo ng dahon ng lagundi (maaaring lagyan ding ng dahon ng kalamansi) at pagbabad ng pasmadong kamay sa usok nito habang kumukulo.
  4. Omega 3 o fish oil. Ang Omega 3 o fish oil ay mabisang pambalanse ng lamig at init sa katawan.

Payo ni Dr. Piedad, mainam na kumunsulta kaagad sa doktor kung nakakaramdam na ng hindi labis na pananakit o nakakaabala na sa gawain at araw-araw na pamumuhay ang pasmadong kamay. Kung may katumbas na gamot sa pasmadong kamay o medikasyon para sa sintomas tulad ng beta blockers at anti-thyroid blocking medications, pwedeng ito ang ibigay sa pasyente.

“Para sa palmar hyperhidrosis, symptom-based ang paggamot dito,” aniya. “May powder o gel na ipinapahid sa palad para mabawasan at mapigil ang labis na pawis. May Botulinum toxin injections din na ginagamit para maibsan ang mga lumalalang sintomas,” dagdag ni Dr. Piedad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iwas pasmadong kamay

Image from Freepik

Walang mawawala sa iyo kung gagawin din ang mga payong ito ng mga matatanda at ilang medical specialists.

  • Iwasan ang paghuhugas ng kamay at paa kapag pagod. Ipahinga ang paa, at huwag kaagad hugasan lalo kapag kakahubad lang ng sapatos na suot maghapon. Maghintay ng hanggang 30 minuto na pahinga bago maghugas o maligo.
  • Iwasan din ang paliligo pagdating sa bahay galing sa trabaho, eskwelahan, o ehersisyo. Magpalipas muna ng isang oras o higit pa bago mag-shower o maligo. Gayundin pagkatapos mamalantsa o magluto, lalo kung matagal na nababad sa init.
  • Iwasan ang pag-inom ng malamig na tubig, lalo’t may yelo. Kung sakaling nakasanayan na kumain ng mga “cold fruits” (prutas na nagpapalamig ng katawan tulad ng mansanas, saging, lemon, orange, pakwan, strawberry, at mangga), kailangang uminom ng mainit na tsaa para mabalanse ang lamig sa katawan.
  • Higit sa lahat, kumain ng masustansiyang pagkain at iwasan ang pagkaing nagdudulot ng lamig katulad ng mga cold foods tulad ng salad, keso, green tea, at beer, at mga cold fruits na nabanggit, lalo kung may pasmadong kamay na.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sources: Dr. Regent Andre Piedad, MD; Health in the hands of the people ni Jaime Galvez Tan, MD, MPH
Photo by Alvin Mahmudov on Unsplash