Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang isang patay na bata na natagpuan sa loob ng isang drum ng tubig.
Ito ay dahil kahina-hinala ang nangyari sa 2-anyos, dahil raw malayo ang bahay ng bata sa lugar kung saan natagpuan ang kaniyang bangkay.
Patay na bata, natagpuang nakasilid sa drum
Ayon sa nakakita sa biktima, nakatakip raw ang drum nang matagpuan nila sa loob ang bata. Ngunit hindi naman raw naka-lock ang takip nito. Kaya hinihinala nilang aksidente ang pangyayari.
Ngunit ang nakapagtataka ay hindi naman malapit sa lugar ang bahay ng bata. Pinaghihinalaan ng pamilya na baka raw may kumuha sa bata, at nilunod ito sa loob ng drum.
Dagdag pa ng pulisya, naka “u” raw ang hugis ng bata na nasa loob ng drum. Kaya posible nga na mayroong lumunod sa bata.
Humihingi ngayon ng hustisya ang pamilya ng 2-anyos.
Importante ang kaligtasan ng mga bata
Hinding-hindi dapat pabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak, kahit na nasa bahay pa sila. Ito ay dahil kahit sa bahay, ay posibleng maging biktima ng aksidente ang kanilang mga anak.
Heto ang ilang mga importanteng bagay na dapat tandaan ng mga magulang:
- Palaging bantayan ang iyong anak kapag naglalaro
- Huwag hayaang magpunta sa kung saan-saan ang iyong anak, lalo na kung walang kasama
- Turuan silang umiwas sa mga taong kahina-hinala
- Kapag may nagtangkang dumakip sa kanila, turuan sila na sumigaw at humingi ng tulong
- Hangga’t-maaari, dapat ay palaging kasama mo ang iyong anak, lalong-lalo na kung nasa labas ng bahay
- Kung mayroon kayong mga timba sa bahay, siguraduhin na ito ay mayroong takip, at hindi kayang buksan ng mga bata
- Ilayo rin ang mga nakalalason na bagay mula sa mga bata. Kung maaari ilagay ito sa mataas na cabinet
Source: GMA News
Basahin: 3 bata, patay matapos ma-suffocate sa loob ng sasakyan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!