Pauleen Luna kinumpirmang buntis sa second baby nila Vic Sotto

Bagamat hindi pa ibinabahagi ni Pauleen kung ilang buwan na siyang buntis, baby bump ng host kapansin-pansin na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pauleen Luna buntis sa pangalawang anak nila ni Vic Sotto. Ganito kung paano ibinahagi ni Pauleen ang magandang balita.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pauleen Luna buntis sa pangalawang anak nila ng mister na si Vic Sotto
  • Pagbubuntis ni Pauleen Luna.

Pauleen Luna buntis sa pangalawang anak nila ng mister na si Vic Sotto

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna Sotto

May masayang balitang ibinahagi ang aktres at host na si Pauleen Luna sa kaniyang Instagram nitong Linggo. Si Pauleen kinumpirmang buntis siya sa pangalawa nilang anak ni Vic Sotto. Ang kumpirmasyon ginawa ni Pauleen sa pamamagitan ng pagshare ng isang maikiling video sa Instagram. Sa video na may background music na “You Make My Dreams Come True” ay makikita ang anak nila Vic at Pauleen na si Tali na may nilalarong lobo na may nakasulat na Big Sister. Ang caption ni Pauleen sa kaniyang post ay ito: “Someone's excited to be a....”

Ang mga netizens masaya sa balitang ibinahagi ni Pauleen. Marami nga sa kaniyang mga celebrity friends ang nagpaabot ng pagbati nila sa preggy mommy.

Pagbubuntis ni Pauleen Luna

Si Pauleen wala pang update kung ilang buwan na ang kaniyang ipinagbubuntis. Pero makikitang masaya ito sa bagong blessing na dumating sa kanilang pamilya.

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna Sotto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa mga latest post ni Pauleen, kasama ang mister na si Vic pati na si Tito at Joey at kanilang mga misis ay makikitang halata na ang baby bump ni Pauleen.

Nagsimula ang ispekulasyon na buntis si Pauleen nang hindi makasama ito sa kasal ni Kathleen Hermosa sa Cebu. Habang ang kaniyang mister na si Vic Sotto ay nandoon, kasama pa ang iba nilang malalapit na kamag-anak. Mas uminit pa ang isyu ng magpost si Pauleen tungkol sa cord blood banking sa kaniyang Instagram account. At nang magpost ito sa naging achievement ni Tali sa school. Isa sa mga IG friends niya ang nag-congratulate kay Tali, ganoon rin kay Pauleen na tinawag niyang expectant mom.

Congratulations Pauleen, Bossing Vic at Tali!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna Sotto

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement