Pauleen Luna sa third trimester ng kaniyang pangalawang pagbubuntis: “I am constantly tired and sleepy”

Pamilya ni Pauleen Luna enjoy sa naging bakasyon nila sa Japan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pauleen Luna ibinahaging nasa third trimester na siya ng kaniyang second pregnancy. Celebrity mom ipinasilip sa publiko ang lumalaki niyang tiyan.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pauleen Luna second pregnancy.
  • Bakasyon ng pamilya ni Pauleen sa Japan.

Pauleen Luna second pregnancy

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Sa kaniyang social media account ay nag-update ang celebrity mom na si Pauleen Luna sa kaniyang pangalawang pagbubuntis. Ayon kay Pauleen, siya ngayon ay nasa third trimester na ng kaniyang pagbubuntis. Kung noong second trimester daw ay mataas ang energy niya, ngayon ay palagi na daw siyang pagod at antukin na.

“After having super high energy for the whole second trimester, I feel a sudden dip with that so called "energy on the start of my third tri. I am constantly tired and sleepy."

Ito ang sabi ni Pauleen sa isa sa mga latest IG stories niya.

Bakasyon ng pamilya ni Pauleen sa Japan

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa naging bakasyon ng kaniyang pamilya sa Japan ay ipinasilip rin ni Pauleen ang lumalaki niyang tiyan. Paraan niya ito para maipakita ang two sides niya as a mom at the age of 35.

Si Pauleen ay nag-celebrate ng kaniyang 35th birthday nitong November 10. Habang ang panganay naman nila ni Vic Sotto na si Tali Sotto ay nag-anim na taong gulang nitong November 6.

Itong buwan ng Nobyembre ay nag-celebrate rin ng kaniyang 12 years bilang magkarelasyon sina Pauleen at Bossing Vic Sotto. Si Pauleen may sweet na mensahe sa mister na ipinaabot niya rin sa pamamagitan ng isang Instagram post.

“12 years ✨ my life partner, i am so blessed to have you in this gift called life. I LOVE YOU!”

Ito ang caption ng post ni Pauleen tampok ang sweet na larawan nila ni Vic Sotto sa Japan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Ang anak nilang si Tali sobrang enjoy rin sa bakasyon nila sa Japan. Lalo na sa naging pagbisita nito sa Sanrio Puro Land at makita ang paborito niyang cartoon character na si Cinnamoroll.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement