Pauleen Luna sa mga anak ng mister na si Vic Sotto: “Mahal ko sila lahat... that will never change.”

Pagbabahagi pa ni Pauleen, first name basis ang tawag sa kaniya ng mga anak ni Vic na hindi naman daw isyu para sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pauleen Luna-Sotto ibinahagi kung gaano kaayos ang relasyon niya sa mga anak ng mister na si Vic Sotto.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pauleen Luna at ang relasyon niya sa mga mga anak ni Vic Sotto
  • Buhay ni Pauleen bilang isang ina at asawa

Pauleen Luna at ang relasyon niya sa mga mga anak ni Vic Sotto

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna-Sotto

Makikita sa mga post ng aktres na si Pauleen Luna kung gaano siya kasaya sa buhay pamilya nila ng mister na si Vic Sotto. Ito ay sa kabila ng kanilang blended family setting dagdag pa ang hindi nalalayong edad niya sa mga anak ni Vic.

Sa isang interview sa kaniya ng kapwa aktres na si Camille Prats sa vlog nito ay ibinahagi ni Pauleen ang relasyon nila ng kaniyang mga stepchildren o mga naunang anak ni Vic. Ayon sa kaniya, masaya at maayos ang relasyon nila. Inalala niya pa ang sinabi ng panganay na anak ni Vic na si Danica. At sinabing mahal niya ang lahat ng mga anak ni Vic at hindi ito magbabago.

“I’m gonna quote Danica, lahat ito, this is all organic. Walang pinilit, walang pinuwersa. Kumbaga, everything fell into place.”

“Siyempre mahal ko sila lahat, anak sila ng asawa ko. That will never change.”

Ito ang sabi ni Pauleen.

Ang pahayag niyang ito ay agad na sinundan ng isa pang tanong ni Camille Prats. Ito ay kung ano ang tawag sa kaniya ng mga anak ni Vic. Dahil si Pauleen hindi nalalayo ang edad sa mga ito. Si Danica na panganay ni Vic ay 40-anyos sa ngayon. Si Oyo ay 38, si Vico ay 33 at si Paulina ay 31. Habang si Pauleen naman ay 33 years old sa ngayon.

Ang sagot ni Pauleen sa tanong ni Camille, siya ay tinatawag ng mga anak ni Vic sa first name niya at hindi ito isyu para sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My name. I have no issues with it. Andaming nagtatanong, ‘Ah, bakit ganyan?’ You know, wala akong issue, huwag niyong problemahin. May pangalan ako. Okay na iyon.”

Ito ang natatawang kuwento ni Pauleen.

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna-Sotto

Buhay ni Pauleen bilang isang ina at asawa

Bibihira na kung makita si Pauleen sa harap ng camera at umaarte, pagbabahagi niya ay sobra siyang nag-eenjoy sa pagiging ina at asawa. Bagamat pag-amin niya ay nami-miss niya ring umarte.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagdating naman sa anak na si Tali ay ginagawa niya ang lahat para maging present sa anak sa lahat ng oras. Hindi niya rin daw pinapalampas na ma-document ang mga moments ng anak kasama sila ni Vic. Dahil para sa kaniya, napakahalaga na ma-record ito at makita ng anak niyang si Tali kapag ito ay malaki na.

“I really capture everything. Kasi gusto ko paglaki ni Tali makita niya yung relationship nila. You won’t be here for another hundred years, so we might as well take pictures and videos how our parents were with us.”

Ito ang sabi pa ni Pauleen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagdating naman sa relasyon nila ni Vic Sotto, sabi ni Pauleen ay peaceful at happy ang pagsasama nila. Nasanay na daw sila sa isa’t isa. Sa katunayan ay halos hindi na nga daw sila nag-aaway at naiintindihan ng lubos ang ugali ng bawat isa.

“11 years na kami together so parang gets na gets na talaga namin 'yong isa't isa. Of course, we discussed pero hindi na siya umaabot sa away. Siguro if may things na mabibigay, siguro life decisions mga ganun. But we always make it a point to talk about it in a very respectful manner.”

Ito ang sabi pa ni Pauleen.

Relasyon nina Pauleen at Vic Sotto

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna-Sotto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa nauna ng panayam ay ibinahagi na ni Pauleen na hindi isyu sa kanilang pagsasama ni Vic ang agwat sa kanilang edad. Dahil wala daw oras o pagkakataon na hindi siya nirespeto ng mister at ipinaramdam sa kaniya na mas bata siya.

“Never did I hear my husband raise his voice and felt like I was younger and didn't matter. I always felt validated. I always feel important around him. Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it's one of the main reasons why this relationship is so easy.”

Thirty four years — ganito kalaki ang age gap nina Vic at Pauleen. Pero sa naging takbo ng kanilang relasyon ay makikitang hindi naging hadlang ito para maging masaya ang kanilang pagsasama.

Sila Pauleen Luna at Vic Sotto ay ikinasal noong January 30, 2016. Sila ay may isang anak na si Tali na mag-lilimang taong gulang na sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement