LOOK! Paulo Avelino muling nakapiling ang anak na si Aki sa New York

Paulo Avelino hindi inaksaya ang oras para muling makita ang kaniyang anak na si Aki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tinupad ni Paulo Avelino ang kanyang pangako sa anak na si Aki nang puntahan niya ito sa America.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Paulo Avelino dinalaw si Aki sa America
  • LJ Reyes at mga anak, simple ang pamumuhay sa New York

Paulo Avelino dinalaw si Aki sa America

Sa kabila ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes, hindi pa rin nakakalimutan ni Paulo Avelino ang maging responsableng ama para sa kanilang anak na si Aki.

Sa Instagram story ni Paulo Avelino, makikitang nagtungo ito sa New York. Ito'y para muling masilayan ang kanilang anak ni LJ Reyes na 11 years old na.

Makikita sa social media account ng Kapamilya actor na kanyang sinundo ang anak sa labas ng isang gusali. May dalang jacket at backpack si Aki.

Kaagad namang tinawag ni Aki ang kanyang ama ng makita niya ito. Kaya naman lumapit agad si Paulo.

Sambit naman ni Paulo noong makita niya ang kanyang anak, "Hi! You're still wearing your jacket."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Paulo Avelino

Sa iba pang video ni Paulo, maririnig na kinakausap niya si Aki tungkol sa kulay ng buhok nito. Kanila ring nilibot ang New York habang nagbo-bonding bilang mag-ama.

Matatandaan na sa nakalipas na panayam ni celebrity talk show host Boy Abunda kay LJ Reyes noong 2021, binahagi niya na kinukumusta ni Paulo ang kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa kay LJ, nagsabi si Paulo na handang tumulong si Paulo para sa kanilang anak sa kahit anong pagkakataon.

“Parang nagsabi lang siya sa 'kin na I know you are going through a very difficult time. Siyempre ang iniisip niya daw ay si Aki. If anything daw that I need when it comes to Aki I can always tell him.”

Lahad pa ng ina ni Aki, kahit hindi sila madalas mag-usap ni Paulo ay lagi naman itong nandiyaan para sa kanilang anak.

Noong 11th birthday ni Aki, naging sweet at mensahe ni Paulo para sa kanyang anak. Ayon sa aktor, wala siyang ibang hinihiling kundi makasama ang kanyang anak sa paglaki nito.

"I want nothing but spend more time with you and be with you growing up. I love you forever."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

Sa nagdaang press conference para sa concert tour ni Paulo, nilahad niya na kinausap niya noon si LJ para madalaw ang kanilang anak. Ayon pa kay Paulo, nag-aaral na sa New York ang kanyang anak.

“Excited na excited na rin akong makausap ang anak ko kasi nagi-school na rin doon and everything.”

At kahit sila'y magkalayo ay madalas pa rin silang magkausap sa pamamagitan ng cellphone.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kwento pa ng aktor, dahil raw pareho silang mahilig sa games ay iyon na ang nagiging bonding nilang mag-ama. Kaya naman hindi pa rin napuputol ang kanilang komunikasyon kahit siya ay nasa Pilipinas.

Bukod sa pagdalaw sa kanyang anak, nasa America si Paulo dahil sa ilang concert kung saan siya magpe-perform sa iba't ibang parte ng California.

BASAHIN:

LJ Reyes to her children, Aki and Summer: Kaya ko dahil kayo ang lakas ko

Bela Padilla shares her thought on having her own kids: Maybe I'm not mature enough for it

Lara Quigaman shares asawa tips: “Look back and remember how you were before, what you love about each other.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni LJ Reyes

LJ Reyes at mga anak, simple ang pamumuhay sa New York

Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang tumira sa New York si LJ Reyes kasama ang kanyang mga anak. Busy ngayon si LJ sa pagiging nanay para kina Aki at Summer.

Noong makipagkita si LJ kay Boy Abunda sa America, sinabi niya na may mga araw na nahihirapan siya sa foreign land.

Matatandaan na nanirahan si LJ kasama ang kanyang mga tsikting sa New York matapos ang hiwalayan kay Paolo Contis noong nakaraang taon.

Ito'y matapos masangkot sa isang issue si Paolo kasama pa ang isang local celebrity. May ilang mga larawan at video na kumalat na may kasama si Paolo na ibang babae sa iba't ibang lugar.

Ayon naman kay LJ, hindi siya apektado sa naturang issue tungkol sa third party dahil mas mahalaga sa kanya na masuportahan ang mga anak.

Habang naka-break sa showbiz ay vlogging naman ngayon ang pinagkakaabalahan ni LJ. Sa isang YouTube video ng aktres, nagpasalamat siya sa kanyang mga fan na patuloy ang suporta sa kanya.

“Sana ay maramdaman niyo ang taos puso naming pasasalamat sa munting handog namin na pagbabahagi ng aming simpleng buhay!”

Makikita sa video ang pagiging hands on mother ni LJ sa kanyang dalawang anak. Kasama siya sa play time ng mga ito sa parke pati sa kanilang pag-aaral.

Sambit pa ni LJ, sa ngayon ay ang kanyang mga anak ang nagiging source of strength niya. Aniya, nakayanan niya ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanyang buhay dahil kina Aki at Summer.