Pautang ng pera online na nauuwi sa debt shaming, inaksyunan na ng NPC o National Privacy Commission. Dalampu’t anim na online pautang ipinatigil ng ahensya ang operasyon. Ito ay dahil sa patuloy na dumaraming kaso at reklamo ng pagpapahiya umano ng mga nasabing online pautang sa kanilang mga parokyano.
Pautang ng pera online na ipinatigil ang operasyon
Nito lamang Lunes ay naglabas ng listahan ang NPC o National Privacy Commission ng listahan ng mga pautang ng pera online app na kanilang ipinatigil na ang operasyon. Ito ay dahil umano sa pagkakalat ng mga nasabing kompanya sa personal information ng kanilang mga customers kapag hindi nakabayad ng utang. Dagdag pa ang pagpapahiya sa mga ito sa pamamagitan ng pag-popost ng kanilang mukha at pangalan online. Pati na ang pagtawag sa mga kanilang mga kakilala at sinasabing sila ay hindi marunong magbayad ng utang.
Paliwanag ng NPC ay ma-access parin ang mga sumusunod na pautang ng pera online app. Pero sa kabuuan ay ipinatigil na nila ang operasyon ng mga ito at hindi na sila pwedeng pagproseso pa ng online pautang .
Ang mga pinasarang pautang ng pera online company ay ang sumusunod:
- Cash bus
- Flash Cash
- Cash flyer
- Cash warm
- Cashafin
- Credit peso
- Cashaku
- Cashope
- Cashwhale
- JK Quickcash Lending
- Light Credit
- Loan motto
- Moola Lending
- One cash
- Pautang peso
- Pera express
- Peso now
- Peso tree
- Peso.ph
- Pesomine
- Pinoy cash
- Pinoy Peso
- Qcash
- Sell loan
- SuperCash
- Utang pesos
Nakikipag-ugnayan din ang NPC sa Goople Play App upang tingan kung sumunod ba sa terms and conditions ng app plaform ang mga nabanggit ng online pautang app.
Samantala, noong nakaraang buwan ng Setyembre ay una ng nakipag-ugnayan ang Securities and Exchange Commission o SEC sa Google para tuluyan ng i-block sa kanilang app platform ang mga abusadong online pautang.
Tips sa pag-aapply ng loan sa bangko
Kung sakali talagang nangangailangan, mas mabuting mag-apply ng loan sa mga banko na siguradong iingatan ang mga personal na impormasyon mo. Kailangan lang siguraduhin na ikaw ay may kapasidad mabayad o may stable source of income kada buwan para mabayaran ang iyong hihiraming pera at ang interes nito.
Mas mataas ang iyong tiyansang maaprubahan sa bank loan kung ikaw ay may permanenteng trabaho. Dapat din ay wala kang existing loans sa bangkong aapplyan o sa iba pang bangko. Ngunit ito naman ay maaring mai-adjust depende sa laki ng monthly income mo na pagbabasehan sa kakayanan mong magbayad ng utang.
Madalas, ini-rerequire ng mga banko na ikaw ay isa nilang cardholder ng hindi bababa sa loob ng isang taon. Kinakailangan rin ay kumikita ka ng mahigit na P21,000.00 kada buwan o kaya isang credit card holder para mag-qualify. Pero mas makakabuting magpunta sa pinakamalapit na bangko sayo upang magtanong. Dahil baka mayroon silang loan offer na tutugma sa pangangailangan at qualifications mo.
Source: Businessworld, Remate, IMoney PH, News5
Photo: Pinterest
Basahin: Lubog sa utang? Tips kung paano ito harapin bilang pamilya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!