Bakit pawisin ang ulo ni baby kahit malamig naman?

Pansin mo ba ang pagiging pawisin ng baby partikular sa ulo nito kahit malamig naman? Ano ba ang explanation dito at bakit ito nangyayari? | Lead Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pansin mo ba ang pagiging pawisin ng baby partikular sa ulo nito kahit malamig naman? Ano ba ang explanasyon dito at bakit nangyayari? Masama ba itong hayaan na lamang?

Bakit pawisin ang ulo ni baby kahit malamig naman?

Normal sa isang tao ang magpawis lalo na kung lagi itong gumagalaw o kaya naman nasa lahi talaga kung sobra-sobrang magpawis. Pero paano naman sa kaso ng mga bata? Bakit may pagkakataon na sila ay pawisin lalo na ang ulo ng baby?

Para sa mga nanay lalo na sa first time moms, ang pagpapawis ni baby ay normal kaya walang dapat ikabahala. Ngunit bakit ba ito nangyayari?

Ang mga baby ay kasalukuyan pa lamang na nag aadjust ang kanilang katawan sa temperature. Kaya minsan ay nagpapawis talaga sila. May pagkakataon din na may koneksyon sa pawis ni baby ang suot nilang damit. Kadalasan, balot na balot si baby sa damit kaya hindi maiwasang magpawis siya. Madalas mapgpawis si baby sa ulo, kamay, paa o likod. Nagalaman na active rin ang sweat glands ng mga baby sa ulo kaya madalas silang pagpawisan dito.

Ngunit wala dapat ikabahala dito dahil normal lang ito.

Pawisin ang ulo ng baby | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahilan kung bakit pawisin ang ulo at ibang bahagi ng katawan ng baby

Ngunit hindi lahat ng pagkakataon ay okay lang na pabayaan ang pawis ni baby. May ibang kaso kasi na ang labis na pagpapawis ay isang sign ng health issue. Kung sakaling nababahala kay baby, ‘wag matakot na kumonsulta sa doktor.

Narito ang mga karaiwang dahilan kung bakit nagpapawis si baby:

1. Makapal ang suot na damit

Isa sa maaaring dahilan ng pawis ni baby ay ang makapal na suot nitong damit. Ang pinagsama-samang bodysuit, mittens, lampin, medyas o hat ay pwedeng nagdudulot ng pawis kay baby. Kadalasang sinusuotan ng ganitong damit si baby dahil takot silang mapasukan ng lamig. Dagdag pa sa init ang makapal na kumot o kama na hinihigaan nila.

Kaya naman, laging i-check ang temperature ni baby at kung komportable ba ito sa suot na damit. Baka kasi masyado itong naiinitan at nakakapalan sa damit. Mapapansin mo ang pawis nito kung siya ay naiinitan.

Pawisin ang ulo ng baby | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. May sakit o lagnat

Madali mong mapapansin kung may lagnat si baby dahil sa mainit na temperature at pawis nito. Maaari silang painumin ng gamot pang lagnat. Ngunit komunsulta muna sa iyong doctor para sa gamot nila. Lalo na kung si baby ay 6 months pababa.

Isang sign ng pagbaba ng kanilang lagnat ay kapag nagpawis na ito ng todo.

Ang katawan ay naglalabas ng pawis kapag bumababa na ang lagnat dahil sa evaporation na dulot ng body heat. Kailangang mailabas ang pawis para tuluyang bumaba ang temperature ng katawan.

3. Malalim na pagtulog

Normal na sa isang bagong silang na sanggol ang matulog ng mahabang oras. Sa tatlo hanggang apat na oras na kanilang pagtulog, maraming sleep cycles silang pinagdadaanan kasama na dyan ang malalim na pagtulog.

Dahil dito, hindi maiiwasan ang paglabas ng kanilang pawis kapag sila ay natutulog o kapag nagising.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Sleep apnea sa baby

Ang sleep apnea sa baby ay isang sleep condition kung saan nagkakaroon ng sandali o permanenteng bara ang paghinga ng bata tuwing natutulog. Tumatagal ang sandaling pagtigil ng kanilang paghinga ng 20 seconds o higit pa bago huminga ulit. Bihira lang ito sa mga bata pero pwedeng mangyari pa rin.

Karaniwang sintomas ng sleep apnea sa baby ay ang paghilik, pagkasamid, pagtigil sa paghinga o nakabukas na bibig habang natutulog.

Mahalagang bigyan ng pansin ito dahil napagalaman na isa itong sign ng SIDS o Sudden Infant Death Syndrome.

5. Congenital heart disease

Ang pagpapawis ng bata ay kadalasang nakikita rin sa mga baby na may congenital heart disease. Ang labis na pawis na ito ay dahil sa mahirap na pag pump ang dugo sa buong katawan. Sintomas rin ng ganitong kondisyon ay ang hirap sa pagkain at nagpapawis kapag susubukang kumain.

Pawisin ang ulo ng baby | Image from Unsplash

Pagpapawis ng bata sa gabi

Normal lang din kung maituturing pagpapawis ni baby sa gabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa katunayan, ayon sa isang pag-aaral, sa 6,381 na mga bata na nasa edad 7 hanggang 11 years old, 12% sa kanila ay laging pinagpapawisan sa gabi. Kaya ‘wag mabahala kung makikita mong pinagpapawisan sila.

Ano ang dapat kong gawin para hindi pagpawisan si baby?

Isa sa una mong dapat gawin ay punasan ang pawis ni baby. I-check rin ang temperature ng room kung masyado bang mainit para sa iyong anak ang temperatura sa loob ng kwarto.

Pansinin rin ang suot nitong damit. Pakiramdaman kung tama lang ba ang suot nito o masyadong makapal ang suot kaya nagpapawis si baby.

Sa ibang kaso, ang pagpapawis sa gabi ay sanhi ng medical issue katulad ng childhood cancer. Pero ito ay bihira lamang.

Kailan ko dapat dalhin sa doctor si baby?

Kapag napansin mo ang pagpapawis ni baby sa araw man o gabi, pag-aralan ng maigi kung ano ang pinagmumulan nito. Maaaring ito ay naiinitan dahil sa room temperature o masyadong makapal ang suot na damit.

Kung naguguluhan at may pagdududa pa rin sa pagpapawis ni baby, ‘wag matakot na kontakin ang iyong doctor para matignan ng husto at mabigyan ng proper findings si baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Source:

Healthline

BASAHIN:

Heat Exhaustion: Ano ito at bakit delikado ito sa sanggol at bata?

Sinulat ni

Mach Marciano