PCOS at Child Abuse: Epekto Ng Child Maltreatment Sa Reproductive Health Ng Babae

Mayroong pag-aaral kung saan ang mga babaeng nakaranas umano ng child abuse ay may tiyansa na magkaroon ng PCOS sa kanilang pagtanda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga naging karanasan natin noong tayo ay bata pa ay posible pa ring makaapekto sa ating buhay bilang mga adult. Pero alam mo ba na mayroong mga pag-aaral kung saan ay may koneksyon daw ang child abuse sa pagkakaroon ng PCOS ng isang babae? Ano nga ba ang koneksyon ng childhood trauma sa reproductive health ng babae?

Ano ang PCOS?

Ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ay ang kondisyon kung saan ang ovaries ng babae ay nagpro-produce ng hindi normal na amount ng male sex hormones na kung tawagin ay androgens. Normally, mayroon naman talaga ng hormone na ito ang mga babae, pero kakaunti lamang. Kung labis ang nagagawa ng ovaries na androgen, nagkakaroon ng PCOS ang babae.

Nagkakaroon ng maliliit na cysts (fluid-filled sacs) ang ovaries ng babaeng may PCOS.

Kailangang mag-mature ng egg ng babae para magkaroon ng ovulation. Kung saan ay fine-fertilized ng male sperm ang egg. Kapag hindi na-fertilize ang egg, ilalabas ito ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regla.

Sa kaso ng babaeng may PCOS, may pagkakataon na hindi nakagagawa ng sapat na hormones ang katawan para makapag-ovulate. Kapag hindi nangyari ang ovulation, maaaring ma-develop ang maliliit na cysts sa ovaries. Ang mga cysts na ito ang lilikha ng hormone na androgen.

Image by brgfx on Freepik

Koneksyon ng child abuse sa PCOS

Sa isang pag-aaral na nai-publish sa website na Science Direct, sinasabing mayroon daw impact ang childhood maltreatment o ang pangmamaltrato sa bata sa reproductive health ng babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa Science Direct, “uniquely affected” umano sa kanilang pagtanda ang mga babaeng nakaranas ng pang-aabuso at neglect noong sila ay bata. Sa Introduction ng study, nabanggit na mayroon umanong associations sa pagitan ng pagdanas ng child abuse at gynecological health problems pagtanda ng babae.

May mga nakararanas daw ng pelvic pain, endometriosis, vaginismus, abnormal vaginal bleeding, urinary tract infections, sexually transmitted diseases at painful intercourse. Dagdag pa rito, ayon sa pag-aaral, ang mga babaeng surivivor ng child maltreatment ay nagkakaroon ng pagtaas ng sexual health risk behaviors, na mayroon namang implikasyon sa reproductive health.

Isang study umano ang nag-investigate ng relationship ng PCOS at child abuse.

Kung saan ay napag-alaman na ang pagkakaroon ng lahat ng uri ng adverse childhood experience ay significantly higher sa mga pasyente na may PCOS. Mas mataas din umano ito sa mga babaeng expose sa family member na may mental illness o suicidal. Gayundin naman sa mga may kapamilya na may substance abuse disorder at psychological abuse.

Ayon sa pag-aaral ng Science Direct, sa tinatayang 237 participants ng study, 29 sa mga ito ang may PCOS. Samantala, 31.6% ng mga participant ang nakaranas ng emotional abuse. 19.8% ang nakaranas ng sexual abuse, 19.4% ang nakaranas ng emotional neglect, 17.7% ang nakaranas ng physical abuse. At 16.9% naman ang physical neglect.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa resulta ng pag-aaral, emotional abuse ang most frequent type ng child maltreatment na significantly associated sa PCOS. Samantala, may koneksyon din umano ang physical abuse sa PCOS pero hindi kasing significant ng iba pang uri ng pang-aabuso sa mga bata.

Sa konklusyon ng pag-aaral, independently associated ang PCOS sa mga babaeng walang psychiatric disorder. Habang sa lahat ng context ng maltreatment subtypes, emotional abuse ang nananatiling associated sa PCOS. Mayroon umano itong unique effect sa endocrinopathy.

Childhood Trauma at PCOS

Sa artikulo naman ng Teal Health, nabanggit na ayon umano kay Dr. Nadine Burke Harris, Surgeon General ng California, nakaaapekto ang childhood trauma sa brain development, immune system, hormonal systems, cardiovascular at metabolic health.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Katunayan, nakaaapekto maging sa genetic material o sa DNA ang childhood trauma. Sa isang pag-aaral nga noong 2015, napag-alaman na ang mga batang exposed sa psychological stress ay may mataas na cortisol levels. Kahit makalipas ang maraming taon.

Kaya naman ayon kay Dr. Nadine Burke, na ang traumatic events o ang prolonged stress responses ay maaaring makapag-activate ng expression ng PCOS-related symptoms.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image by Freepik

Paano naman daw kung pareho kayo ng dinanas ng kaibigan mo noong kayo ay bata pa. Pero hindi naman ito nagka-PCOS? Tandaan na ang bawat isa sa atin ay mayroong unique tolerance sa pag-process ng stress. Kaya posibleng iba ang epekto ng child abuse sa iyo, sa epekto nito sa iyong kaibigan.

Mahalagang tandaan din na hindi lahat ng may PCOS ay nakaranas ng child abuse. Tulad ng hindi lahat ng nakaranas ng child abuse ay posibleng magkaroon ng PCOS.

Importanteng magpatingin pa rin sa iyong doktor kapag mayroong sintomas ng PCOS. Sa pamamagitan nito, mas mauunawaan mo ang iyong kalagayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan